Chapter 35

5.5K 213 6
                                    

Isabella

Sa paglalakad namin ni Zaira sa bayan ay napapansin ko ang pagsulyap sulyap ng mga bampirang nadadaanan namin.

Hindi maiwasang mapakunot noo ako.

Ano bang meron at tingin sila ng tingin?

Nakakita kami ng mga bampirang nagkukumpulan habang may lalaking nagsasalita sa gitna nito.

"Isang mensahero. Ano kaya ang ibinabalita niya?" Hinila ako ni Zaira palapit sa kumpulan ng mga tao.

"Ipinababatid sa lahat na magkakaroon ng Masquerade Ball na gaganapin sa Bulwagan ng Quinoa Grendin sa susunod na araw, at ang lahat ay inaasahan. Yun lang at maraming salamat." Ani mensahero.

Nagkatinginan kami ni Zaira at nagkibit balikat. Nagpatuloy na rin kami sa paglalakad.

"Ito na ang dulo ng pamilihan Isabel. Sumakay na tayo sa kabayo." Pag aaya sa akin ni Zaira.

Pasakay na ako ng kabayo ng may mapadaan na dalawang kawal at aksidenteng narinig ko ang kanilang usapan.

"Tatlong buwan na ang nakakalipas magmula ng may maka amoy ng dugo ng isang tao sa emperyong Magno. Ito ay natagpuan sa boundary ng Imperial at Celestial..." ang narinig ko mula sa dalawang kawal na iyon. Hindi ko na narinig pa ang iba dahil mabilis rin silang nakalagpas.

Agad binalot ng kaba ang sistema ko. Nanlalambot na rin ang mga tuhod ko dahil sa narinig.

Siguradong ako ang tinutukoy nila.

Kung hindi ako nagkakamali ay nangyari ito ng tinulungan ko si lolo Manuel noon na lubhang nasugatan at pinainom ko siya ng dugo ko. Sa pagkakatanda ko ay walang ibang bampira ang nakakita sa amin.

"Isabel ayos ka lang ba?" Tanong ni Zaira na hindi ko nasagot dahil sa panlalata.

"Isabel!" Kamuntikan na akong mawalan ng balanse kaya't kaagad niya akong sinalo.

Masama ang kutob ko sa itim na paru parong iyon.

Ginamit ni Zaira ang lakas niya upang maisakay ako sa kabayo at matapos nito ay mabilis itong pinatakbo pauwi sa bahay niya.

Nang makarating kami ay agad niya akong inalalayan paupo sa sofa at binigyan ng isang basong dugo.

Sobra akong nanghina dahil sa narinig.

Kung gayon ay hinahanap na nila ako.

"Ano bang nangyayari sa iyo Isabel?" Nag aalalang tanong ni Zaira.

Inabot ko ang dugo mula sa kaniya at agad dumulas sa kamay ko na mabilis naman niyang nasalo. Narinig ko ang buntong hininga niya at siya na mismo ang naglapat ng baso ng dugo sa labi ko.

Kahit gusto ko siyang sagutin ay hindi ko magawa. Nawalan ako ng lakas.
Pagkaubos ng dugo ay bahagyang umayos ang pakiramdam ko.

"Ikinukubli mo man ang totoong katauhan mo sa pamamagitan ng singsing na iyan, ngunit hindi pa rin lubusang maitatago na isa kang tao, na siyang kinikilala pa rin ng katawan mo." Ani Zaira.

Tama siya, kahit anong pagpapanggap ang gawin ko ay hindi nito kailaman maitatago ang totoong pagkatao ko.

Darating din ang araw at malalaman ng lahat ng bampira sa Frealia Aghanym ang totoo kong pagkatao.

"Zaira n-natatakot ako. Naalala ko noon ang panaginip ko. Nasa isa akong bulwagan, nakatali ako at napaliligiran ng mga gutom na bampirang may mga namumulang mata at nakalabas ang matatalim nilang pangil. N-Natatakot ako... d-dahil alam kong maaaring mangyari sa akin iyon. Narinig ko ang pinag uusapan ng dalawang kawal kanina, hinahanap na nila kung sino ang nagmamay ari ng dugo na naamoy nila sa boundary ng Magno, na minsan ko ng napuntahan. Mabilis lang rin kakalat ang balitang ito at hindi magtatagal ay mahahanap nila ako." Hindi na matigil ang pagbuhos na luha ko.

Patuloy na rin sa panginginig ang katawan ko. Lumapit sa akin si Zaira at niyakap ako ng mahigpit upang kalmahin.

"W-Wag mong sabihin iyan Isabel. Marami man ang may gustong pumatay sa iyo, pero hindi namin hahayaang mangyari iyan. Isa na rin ako sa poprotekta sayo, kasama ang Quinoa Arandin." Naiiyak na tugon ni Zaira.
__________

Amelie Victoria

Isang malaking kwarto na napaliligiran ng mamahaling gamit.

Ang mga palamuti ay sumisigaw ng karangyaan.

Marmol na sahig na nagbibigay repleksyon sa kabuuan ng silid.

Kanino ang kwartong ito?

Tumanaw ako sa bintanang bahagyang nakabukas dahilan para pumasok ang malamig na simoy ng hangin.

Madilim pa sa labas.

Nabaling ang atensyon ko sa isang alitaptap sa loob ng silid. Lumapit ako rito, tangkang huhuliin ko na ito gamit ang mga kamay ko ng marinig ko ang marahang paghinga mula sa gilid ko.

Lalaki?

Sa itsura nito ay mukhang malalim ang tulog niya. Kahit madilim ay kitang kita ko ang kabuuan ng maamo niyang mukha.

Nawala na sa atensyon ko ang alitaptap at namalayan ang sarili na nakaupo sa gilid ng kama niya at nakatitig sa mukha ng lalaki.

Parang may sariling isip ang kamay ko at natagpuan ko ito na marahang hinahaplos ang mukha ng lalaki.

Unang lapat palang ng daliri ko rito ay naramdaman ko ang kuryenteng tila gumapang sa katawan ko.

Ano iyon?

Unang beses palang itong nangyari sa akin.

Napapikit ako ng mata dala ng sensasyong ibinibigay ng paghawak ko sa kaniya. Ilang minuto kong dinama ang init ng palad ko sa pisngi niya bago ko naisipang imulat ang mata.

Nang dumilat ako ay hindi ko inasahang may dalawang pares ng mata ang sasalubong sa akin.

Napatitig kami sa mata ng isa't isa.

Nawalan ako ng lakas ibaling sa iba ang atensyon ko at gusto ko nalang magpalunod sa mga mata niyang titig na titig sa akin.

Kahit hawak ko ang pisngi niya ay hindi manlang siya nag abalang alisin ang pagkakahawak ko sa kaniya at nanatili ring nakatitig sa akin na tila pati siya ay tinatangay ng pangyayari.

Nabalik lang ako sa katinuan ng napahawak siya sa dibdib niya at gumuhit doon ang sakit na tila ba siya ay may iniindang karamdaman.

Unti unting lumiwanag ang paligid senyales na ito ay isang panaginip.

Ngunit bago ako tuluyang magmulat ng mata sa reyalidad ay nakita ko kung paano siya ngumiti sa akin sa kabila ng iniindang sakit.

Nang magising ako ay sinalubong ako ng pamilyar na kwarto ko. Napaupo ako sa kama at agad bumuhos ang luha sa mga mata.

Dapat ay maging masaya ako sa mga oras na ito dahil alam ko kung ano ang ibig sabihin ng panaginip na iyon.

Ngunit hindi maiwasang kumirot ng puso ko dahil nasasaktan ako sa kaalamang may sakit ang itinakda sa akin at alam kong nahihirapan siya.

Her Human BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon