Isabella
Nagising ako sa isang madilim na kwarto. Wala akong makita pero ramdam ko ang malamig na sahig.
Bakit ako nakahiga rito?
Tumayo ako at nakarinig ng tunog ng bakal na parang hinihila. Naglakad ako ngunit hindi pa man ako nakakaisang hakbang ay agad rin akong napaluhod.
Doon ko napagtantong naka kadena ang mga paa at kamay ko.
Anong ginagawa ko sa lugar na ito?
Nakarinig ako ng yapak papunta sa aking kinaroroonan. Tumigil ang tunog sa mismong harapan ko.
Mas lalo akong nakaramdam ng takot ng hawakan nya ng marahas pinsgi ko.
"Kasalanan mo kung bakit namatay siya." Malalim ang kanyang boses at mababakas ang poot at paghihinagpis.
Kahit madilim ay ramdam na ramdam ko ang matalim niyang titig sa akin."H-Hindi ko alam ang s-sinasabi mo" nanginig ang boses ko at naramdamang pumapatak na ang luha ko dahil sa takot. Naramdaman ko ang hininga niya sa tenga ko saka bumulong.
"Buhay ang nawala, buhay mo ang kapalit." Maikling sambit niya.
"S-Sino k-ka?" Nag uumpisa ng manginig ang katawan ko.
Nakaramdam ako ng isang matulis na bagay na humihiwa sa leeg ko kaya't mabilis dumaloy ang dugo ko. Napapikit ako sa sakit.
"Magkikita pa tayo" saka siya tumawa ng nakakapangilabot at umalis.
Hindi pa man ako nakakahuma ng may tumamang ilaw sa akin tila nasa gitna ako at napapalibutan.
Pansin kong unti unti ay kinakain ng liwanag ang kadiliman at doon ko napagtantong hindi ako nag iisa sa lugar na ito.
Isa itong bulwagan
Nanghina ako ng makita ang libo libong bampira na ngayon ay may mga pulang mata at nanlilisik ang tingin sa akin.
Ang iba naman ay mukhang masaya sa nakikita na tila nanonood ng isang palabas.
Hindi nakaligtas sa aking paningin ang paglanghap nila sa hangin at ang pagdila nila sa paligid ng kanilang labi.
Nanginginig na ako dahil sa takot, alam kong gutom na gutom ang mga bampirang nasa harapan ko at kahit tangkain ko mang tumakas ay hindi ko parin sila matatakasan.
Napaatras ako ng magsimula na silang lumapit papunta sakin. Ramdam kong ang napakalakas na pintig ng puso ko na maya maya ay unti unti na ring titigil.
Sa huling pagkakataon ay inilibot ko ang tingin sa paligid nagbabakasakaling may tutulong sa akin.
Hindi nga ako nagkakamali. Napangiti ako ng matanaw ko ang kanyang pamilyar na pigura.
"Alexus!" Sigaw ko para humingi ng tulong.
Agad napawi ang ngiti ko ng mapansing wala siyang balak tulungan ako.
Agad akong sinugod ng mga bampirang gutom na gutom at bago pa man ako mawalan ng buhay ay nakita kong kayakap niya ang isang babae. Hindi nakaligtas sa aking paningin ang ngisi sa kanilang labi.
Sabrina
Napabalikwas ako ng bangon. Isang masamang panaginip.
Patuloy parin ang pagdaloy ng masasaganang luha mula sa mga mata ko. Hindi na rin matigil ang panginginig ng katawan ko dahil sa takot.
Agad akong napahawak sa leeg ko kung saan ako sinugat ng babaeng nasa panaginip ko.
Nabawasan ang bigat ng loob ko ng wala akong makapang kahit anong sugat mula rito.
Alam kong isa lamang itong panaginip ngunit pakiramdam ko ito ay totoong totoo.
Niyakap ko ang tuhod ko saka dito ipinatong ang noo ko. Sandali akong tumingin sa labas at nakitang madilim pa.
H-Hindi m-magagawa sa akin ni Alexus yon hindi ba?
Paulit ulit kong tinatanong ang sarili ko at hindi ko namalayang unti unti na rin akong kinain ng antok.
__________
Napadilat ako at agad na bumangon ng may maramdamang tumatapik sa akin. Nawala ang kaba ko ng makilala kung sino ang nasa aking harapan.
Hindi parin naaalis sa akin ang takot dulot ng panaginip na iyon."A-Ayos ka lang ba B-Bella?" Pansin kong natigilan si Amelie sa naging reaksyon ko.
Ang sakit ng ulo ko dahil na rin siguro sa sobrang kakaiyak kagabi.
"Ayos lang" maikling sagot ko.
"Oh anong nangyari sayo?" Tanong ni Amelie ng makahuma at napansin ang itsura ko.
Malamang ay mugtong mugto ang mata ko.
"Ahhh wala ito. Isa lang masamang panaginip" huminga siya ng malalim at humawak sa pinsgi ko, kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ko.
"Halika na at magsisimula na ang iyong pagsasanay ni Alexus?"
"Pagsasanay?" Naguluhan ako sa sinabi nya.
Bumakas ang pagkabigla sa reaksyon nya. Alam kong napansin niyang wala ako sa sarili.
"Kung masama pa ang iyong pakiramdam ay maaari naman sigurong ipagpaliban muna ito." Nag aalalang sagot niya.
Nanlaki ang mata ko ng maalala ang sinasabi nya.
"Ahhh oo naalala ko na, yung sayaw?" Ngumiti ako ng bahagya.
"Pasyensya na talaga Amelie. Sandali lang at susunod ako agad"
Bumuntong hininga siya at bahagyang ngumiti sa naging sagot ko saka agad na lumabas ng kwarto. Mabilis akong nagtungo sa palikuran at naligo.
Ngayon nga pala magsisimula ang aming plano.
__________Agad akong nagtungo sa bulwagan ng palasyo kung saan gaganapin ang pagtuturo ng sayaw.
Gaya ng inaasahan ay ako nalang ang hinihintay kaya't ginamit ko na ang bilis ko upang agad na makalapit sa kanila hindi alintana ang kanilang mga titig sa akin.
"Ang ganda talaga"
Narinig kong sambit ni Gabriel ngunit isinawalang bahala ko ito. Tiningnan ko ang paligid.
Nandito ang hari, reyna at ang magkakapatid. Napansin ko ang hindi pamilyar na lalaki at sa tabi nito ay si... Sabrina?
Hindi ko alam ang magiging reaksyon ko sa mga oras na ito. Kung gayon ay ito ang plano ni Alexander at Gabriel.
Tiningnan ko si Alexus na walang emosyong nakatitig sa akin.
Naalala ko ang napanaginipan ko kagabi.
Agad ko ring ibinalik ang kanyang mga titig sa kanya at hindi nagpakita ng anumang emosyon.
Natauhan ako ng may marinig na tikhim sa gilid. Agad napukaw ang atensyon ko ng lalaking hindi pamilyar. Yumuko ito sa harap ko at inilahad ang kamay.
"Ako nga pala si Louis, ang magsasanay sa iyo."
"Isabella" yumuko rin ako saka inabot ang kamay niya. Nagulat ako ng dalhin niya ito sa kaniyang labi saka hinalikan.
Siya marahil ang sinasabi ni Agatha sa kaniyang plano.
Napatingin ako kay Louis ng mag angat ito ng tingin. Nabigla ako dahil bukod sa maamo ang kanyang mukha ay masasabi kong gwapo siya at mukhang mabait.
Tumingin ako kay Agatha at Amelie na ngayon ay nagbubulungan. Kinindatan lang nila ako. Napangiti ako sa naging reaksyon nila.
Tumayo ang hari at nagsalita.
"Maaari na kayong magsimula"
BINABASA MO ANG
Her Human Blood
VampirosNilibot ko ang tingin sa paligid at mabilis na rumehistro sa akin ang lugar kung nasaan ako dahil minsan na akong nakapunta rito. Naaninag ko ang pamilyar na pigura na siyang nakaupo sa tabi ng kama na hinihigaan ko. Agad akong natauhan at mabilis n...