Chapter 38

5.5K 197 9
                                    

The Masquerade Ball of Quinoa
Part 2

Isabella

Iniwas ko ang tingin sa kaniya at tumayo. Sinubukan kong hanapin si Zaira mula sa mga bampirang nagsasayawan ngunit hindi ko siya makita.



















Ilang minuto sa patuloy kong paghahanap ay nahagip ng mata ko ang isang lalaking nakatayo sa tapat ko ngunit nananatili ang distansya sa pagitan namin.

--

We we're both young when I first so you

I closed my eyes and the flashback starts I'm standin' there

On a balcony in summer air

--

Natulos ako sa kinatatayuan ng dahan dahan siyang maglakad patungo sa akin habang diretsong nakatitig sa mga mata ko.

--

See the lights, see the party, the ball gowns

See you make your way through the crowd and say, "Hello"

Little did I know

--

Nang makalapit ay naglahad siya ng kamay sa akin.

"Sasayaw tayo?" Tanong ko.

Tumango siya sa akin bilang sagot. Iginiya niya ako papunta sa gitna kung saan nagsasayawan ang iba.

"Who are you?" Tanong ko.
Hindi siya sumagot. Sa halip ay pinaglapat niya ang isang kamay namin at ang isa ay inilagay niya sa bewang ko na para bang niyayakap ako.

"I miss you" bulong niya at hinila ako palapit sa kaniya saka ipinatong ang baba niya sa balikat ko.

Ang pamilyar na boses na iyon...

--

That you were Romeo, you were throwin' pebbles

And my daddy said, "Stay away from Juliet"

And I was cryin' on the staircase
Beggin' you, "Please don't go", and I said

Romeo, take me somewhere we can be alone

I'll be waiting, all there's left to do is run

You'll be the prince and I'll be the princess

It's a love story, baby just say, "Yes"

--

"Alexus?"

Bahagya akong humiwalay ng yakap sa kaniya at tumitig sa pamilyar niyang berdeng mata.

"N-Nandito ka" hindi makapaniwalang sambit ko.

"Paano mo nalamang-"

Muli niya akong niyakap at sa pagkakataong ito ay mas mahigpit na para bang takot na mawala ako.

"Isabella" pinatong niya ang noo niya sa noo ko. "I fucking miss you"

Hindi ko inasahang magiging ganito ang una naming pagkikita makalipas ang tatlong buwan.

Natatakot ako na baka isa lang tong panaginip. Na masyado ko siyang na miss kaya ko siya napapanaginipan sa mga oras na ito. Ipinikit ko ang mga mata at naramdaman kong hinalikan niya ang noo ko.

Sa mga oras na ito ay alam kong totoo ito. Totoong totoo.

--

So I sneak out to the garden to see you

Her Human BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon