Chapter 2

12.2K 363 36
                                    

Isabella

Nakarinig ako ng yapak papunta sa direksyon ko at mabilis na nagmulat ng mata upang makita si lola Feli na papunta sa kwarto ko.

"Habang suot mo ang singsing na iyan ay para ka na ring isang bampira, lahat ng aming katangian ay meron ka rin pati na ang pagka uhaw mo sa dugo."

Agad kong napansin na lumakas ang senses ko, pati maliliit na bagay ay nakikita ko.

"Halika at magpunta tayo sa pamilihan, kailangan mong magpalit ng damit dahil hindi normal ang iyong kasuotan sa mundo namin."

Pinagkumpara ko ang kasuotan namin ni lola Feli, hanggang talampakan ang haba nito, may mahabang manggas at sapatos na mahahalata mong mabigat. Vintage outfit. Ang suot ko naman ay pants, long sleeve at rubber shoes.

__________

Narito kami sa pamilihan ngayon at napagpasyahan ni lola Feli na ipahiram muna sa akin ang iba pa nyang kasuotan na nakatago.

Ang kanilang pamilihan ay parang sa mundo lang din ng tao pero kadalasan sa mga tinda ay armas.

Pumasok kami sa bilihan ng damit at hinayaan si lola Feli na mamili ng damit para sa akin.

"Bagay sayo ito Bella" tumango ako at nagpasalamat. Nakakamiss kasi yung pakiramdam na may nagdedesiyon para sayo sa mga maliliit na bagay.

Napansin ko rin na natutuwa si lola Feli sa ginagawa at hinahayaan ko lang.

__________

Nang makauwi kami ay panay ang sulyap ko kay Lola Feli at alam kong nahahalata nya ito.

Pero kasi may bumabagabag sa akin.

"Ano ang bumabagabag sa iyo Bella?" Hindi na ako nagulat.

"Hmm lola, wala po ba kayong mga anak at asawa?" Mula kasi ng magising ako sa mundong ito. Kaming dalawa lang ang laging magkasama.

Lumapit ito sa akin bago huminga ng malalim.

"Wala akong anak, pero may kasintahan ako noon, ngunit ng malaman nya kung sino ang nakatakda sa kanya ay mabilis na nawala ang pagmamahal nya sa akin" pansin ko ang pagguhit ng sakit sa kanyang ekspresyon.

"Vampire mate" wala sa sariling saad ko. Hindi man ako naniniwala sa mga bampira noon ngunit kahit papaano ay may nalalaman ako sa kanila.

"Tama ka Bella. Sa bawat bampirang isinisilang sa mundong ito ay may nakatakda,  kaya sa oras na dumating ito ay wala ka ng ibang mamahalin kundi ang itinakda sayo." Ani lola Feli.

"Kung ganoon po ay may nakatakda sa inyo, nasaan na po sya?" Tanong ko sa masayang boses. Ngunit kabaliktaran ang naging reaksyon ni lola Feli.

"Wala na sya" gusto ko pa sanang magtanong ngunit ayokong makita na nasasaktan si lola Feli kaya minabuti kong manahimik.

"S-Sorry po" hinawakan nya ang magkabilang balikat ko at ngumiti ng pilit.

"Ayos lang Bella. Halika at tuturuan kitang mag hunting, para kung sakaling ikaw ay mauhaw alam mo na ang gagawin mo."

__________

"Pakiramdaman mo ang paligid. Gamitin mo ang talas ng iyong pakiramdam upang makahanap ka ng pagkain." Ani lola.

Pumikit ako at sinunod ang kanya sinabi, maya maya ay may kumaluskos hindi kalayuan sa kinatatayuan namin.

"Ngayon naman ay gamitin mo ang iyong bilis at atakihin ang kalaban mula sa harapan upang hindi makatakbo agad."

Tumakbo ako at mabilis na umatake sa harap. Tama nga si lola dahil hindi inaasahan nito inaasahan ang pag atake ko ibinaon ko sa leeg ng hayop  ang patalim na hawak ko at mabilis na dumaloy ang dugo mula rito.

"Magaling Bella" biglang nanuyo ang lalamunan ko at nakaramdam ng matinding uhaw.

"Uminom ka na" sa isang iglap ay natagpuan ko ang sarili na iniinom ang dugo ng hayop na napatay ko.

Dapat ay nandidiri na ako sa mga oras na ito, dahil dugo ng hayop ang iniinom ko, pero ayokong tumigil, uhaw na uhaw ako at ngayon ko lang naramdaman ito. Kinalaunan ay unti unti napawi ang uhaw ko.

"Umuwi na tayo at magpahinga. Bukas ay isasama kita sa palasyo kung saan ako nagtatrabaho." Tumango ako at umalis na kami.

__________

Kinabukasan ay naghanda na kami papunta sa palasyo, sumakay kami sa kabayo. Si lola Feli ang nagpapatakbo at ako ay nakayakap sa likod nya.

"Sa oras na makapunta tayo sa palasyo ay huwag na huwag kang gagawa ng ikapapahamak mo . Sundin mo nga mga ibinilin ko sayo." Hinigpitan ko ang yakap sa kanya.

"Malapit na tayo" nagpapasalamat ako kasi kahit papaano ay alam kong andyan si lola Feli para sa akin.

May malaking fountain sa gitna na syang naghahati sa daanan, at sa likod ntio ay malaking pinto papasok sa palasyo

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

May malaking fountain sa gitna na syang naghahati sa daanan, at sa likod ntio ay malaking pinto papasok sa palasyo.

Huminto kami sa tapat nito maya maya ay may dumating na isang babae at ibinigay dito ni lola Feli ang tali ng kabayo saka ito humarap sa akin.

"Nandoon ako sa likod ng palasyo. Ako ay nagtuturo ng mga bagay na may kinalaman sa pag gagamot."

Nagtuturo?

"Ah lola sino pong tinuturuan ninyo?" Nakatingin ako kay lola at nag aantay ng sagot.

"Mga bampirang may vampire gift na pang gagamot sila ay tinatawag na mga babaylan."

"Matagal ka pa rito sa mundong ito, wag kang mag alala malalaman mo rin" bulong ni lola. Marahil napansin nya ang naguguluhan kong reaksyon.

Lumapit sya at humawak sa magkabilang balikat ko.

"Maaari kang mag libot ngunit mahigpit na ipinagbabawal ang pagpasok sa loob ng silid sa palasyo, wag kang magkukulit."

Napanguso ako sa tinuran ni lola Feli. Tumango ako at niyakap sya. Kahit papaano ay napapamahal na rin ako sa kanya.

Maya maya ay umalis na sya at naiwan akong mag isa. Naisipan kong magpunta sa hardin ng palasyo.

Napansin kong karamihan ay puting bulaklak ang nandito.

"Ang gandaaaaaa" napaka payapa sa lugar na ito.

"Mas maganda ka binibini." Tumalikod ako upang tingnan kung sino ang nagsalita.

Unang sumalubong sa akin ang kanyang berdeng mata.

Agad itong humawak sa magkabilang pisngi ko, hindi ako makagalaw dahil sa bilis ng pangyayari.

Nakakalunod ang kanyang mga titig.

Nakakalunod ang kanyang mga titig

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"...Ngunit mas maganda ka kung ikaw ay nasa ibabaw ng aking kama."

Bigla akong natauhan sa sinabi nya at mabilis na dumapo ang kamay ko papunta sa kanyang pisngi.

Her Human BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon