Chapter 34

5.4K 207 8
                                    

Isabella

"Sinasabi ko na nga ba" ani Zaira.

"A-Alam mo?" Nagtatakang tanong ko sa kaniya.

Lumapit siya patungo sa akin ngunit hindi ko namalayang humakbang ako paatras.

Kumunot ang noo niya dahil sa reaksyon ko.

"Hindi kita sasaktan Isabel" nakairap niyang tugon.

Nakahinga ako ng maluwag. Kanina kasi ay parang hindi si Zaira ang kasama ko.

"Pasyensya na" hindi ko itatangging natakot ako kanina.

Hinawakan niya ng marahan ang magkabilang balikat ko.

"Matagal na akong naghihinala sa iyo Isabel. Ngunit ngayon ay napatunayan ko na ang hinalayang iyon ay totoo." Banggit niya.

"Naghihinala?" Sa pagkakatanda ko ay nag iingat akong wag masugat.

Kaya ba madalas ay nakikita ko siyang nakatitig sa akin?

Iginiya niya ako paupo sa kama niya na agad ko namang sinunod.

"Naalala mo nung unang beses mong matulog dito at nagising ka kinabukasan na nilalagnat?" Tanong ni Zaira.

Tumango ako bilang sagot.

"Doon palang ay naghinala na ako sa iyo. Hindi basta bastang nagkakasakit ang mga bampira, nangyayari lang ito kapag maraming dugo ang nawala sa iyo. Ngunit ng dumating ka dito ng gabing iyon ay wala kang kahit na anong sugat at kinabukasan ay mataas na ang iyong lagnat." Pagpapaliwanag niya.

"At hindi nga ako nagkakamali. Isa kang tao." Sabit ni Zaira.

"Buong akala ko ay papatayin mo na ako." Napayuko ako at bumalik rin kay Zaira ang tingin ng magsalita siya.

"Muntikan na Isabel. Kung hindi ko napigil ang sarili ko ay malamang na wala ka na sa mga oras na ito, ngunit hindi ko hahayaan ang sarili na saktan ka. Ikaw ang nagparamdam sa akin na hindi ako nag iisa, kaya't bakit ko gagawin yon?" Dire diretsong sabi niya.

Napatitig ako kay Zaira dahil sa tinuran niya. Nang makahuma ay agad ko siyang nikayap ng mahigpit.

"S-Salamat Zaira" hindi ko napigilan ang sarili kong umiyak. Naramdaman ko ang kamay niyang hinahagod hagod ang likod ko.

Kung bibigyan ako ng pagkakataon na magkaroon ng ate ay siya ang pipiliin ko.

Makalipas ng ilang minuto ay agad rin akong kumalas mula sa pagkakayakap sa kaniya at nagpunas ng luha saka ngumiti sa kaniya.

"Ngayon ay magsabi ka ng totoo. Ano ang ginagawa mo sa mundong ito?" Nagtatakang tanong niya.

"Ako ang itinakda kay Prinsipe Alexus Chamberlain." Nanlaki ang mata niya sa sinabi ko.

"K-Kaya pala naamoy ko ang dugo niya sayo ng masugat ka kanina." Namamangha niyang sabi.

Hindi na ako nagulat sa sinabi niya. Kahit si lolo Manuel ay sinabi na rin ito sa akin noon.

"Ngunit bakit hindi ka na bumalik sa Magno?"

"Gustuhin ko mang bumalik ay hindi maaari. Isa akong tao, at kapag nalaman ng ibang emperyo ay baka magsimula lang ito ng digmaan. Sigurado akong maraming inosenteng buhay ang mawawala at isa pa ay hindi ito kakayanin ng Magno. Wala ang Magno Imperial para tumulong."

Hindi pwedeng dahil sa akin ay magsimula na naman ang isa pang digmaan.

"Sigurado akong inaantay ka ng prinsipe Alexus." Ani Zaira. Lumungkot ang ekspresyon ko dahil sa narinig.

"Marahil ay hindi Zaira. Kapiling na niya si Sabrina ngayon na siyang unang pag-ibig niya."

Hinawakan niya ang kamay ko at diretsong tumitig sa mga mata ko.

"Marahil ay nagkakamali ka Isabel. Kailanman ay hindi mapapalitan ng unang pag-ibig ang taong siyang itinakda sayo." Ngumiti siya sa akin upang pagaanin ang loob ko.

"Ang totoo niyan ay miss na miss ko na siya." Pag amin ko. Muli niya akong niyakap ng mahigpit na mabilis ko namang tinugon.
__________

Mga ilang oras matapos ang pag uusap namin ni Zaira ay napagpasyahan naming magtungo sa pamilihan. Ginamit namin ang kabayong dinala ko ng umalis ako sa Magno.

Bumaba muna kami ng kabayo at naglakad habang hawak ko ang tali nito.

"Paano mo binubuhay ang sarili mo Zaira?" Tanong ko at napalingon siya sa akin.

"Hindi ko naman kailangang mag trabaho upang buhayin ang sarili ko. Kaya kong mabuhay dahil sa dugo ng hayop. Ngunit kung gusto ko ng pagkain at mga damit na binibili ng pera, na wala ako..." inilapit niya ang bibig sa tenga ko.

"Nagnanakaw ako" bulong niya.
Pinanlakihan ko siya ng mata at hindi makapaniwalang nagtanong.

"Ginagawa mo yon???" Tanong ko kay Zaira. Nginitian niya ako at tumango tango.

"Ngunit nagnanakaw lamang ako sa mga bampirang inuubos ang salapi sa mga ilegal na gawain gaya ng pagsusugal at pambababae. Kadalasan rin ay ibinibili ko ito ng pagkain at kasuotan, lalo na kapag malapit na ang taglamig dahil hindi naman lahat ng bampira ay may matutuluyan, ibibigay ko ito sa mas nangangailangan sa akin." Napangiti ako sa naging sagot niya.

"Mabuti ang iyong kalooban, ngunit masama pa rin ang magnakaw." Itinaas niya lang ang kaniyang dalawang kamay na parang sumusuko saka ngumiti.

Nasa kalagitnaan kami ng paglalakad ng may humintong lalaki na nasa mid 50s ang humarang sa amin.

"Sandali..." bahagyang naningkit ang kaniyang mata at tinitigan ako.

Anong problema ng isang to?

"Parang namumukhaan kita."

Kumunot ang noo ko sa tinuran niya.

"Ahh ginoo, mukhang nagkakamali kayo" sambit ko.

Sa pagkakatanda ko ay hindi ko siya kilala.

"Hindi ako maaaring magkamali. Hindi ba't naroon ka ng maganap ang sunog sa aming bayan?" Bahagya akong napaisip sa sinabi niya.

Oo naaalala kong nandoon ako nung oras na iyon. Yun din ang unang beses na pagkikita namin ni Zaira non.

Ibubuka ko na ang bibig ko upang sumagot ng magsalita si Zaira.

"Pasyensya ka na Ginoo ngunit nagmamadali kami." Ani Zaira. Naglakad na kami at lumampas sa kaniya ngunit hindi nakalampas sa pandinig ko ang huling katagang binanggit niya.

"Sigurado akong ikaw ang babaeng iyon. Gayon pa man ay nagpapasalamat ako sa iyo."

Her Human BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon