Chapter 37

5.7K 194 11
                                    

The Masquerade Ball of Quinoa
Part 1

Alexus

"Wag kayong gagawa ng bagay na ikapapahamak niyo, maliwanag?" Ani amang hari.

"Maliwanag Ama" sabay sabay naming bigkas ni Amelie at Gabriel.

Kaming tatlo ay nakabihis na at handa ng umalis dahil limang oras ang biyahe patungong Quinoa.

Isa isang yumakap sa amin ang inang reyna na sinundan ng hari pati ni Alexander at Agatha.

Narito sila sa main door ng palasyo upang ihatid kami sa aming karwahe.

Paulit ulit kaming pinaalalahanan at matapos non ay tuluyan na kaming sumakay at tinahak ang daan patungong Quinoa.

"Ayos ka lang ba Alexus?" Tanong ni Gabriel sa akin.

"Oo" Hindi ko siya nilingon ng sumagot ako.

Alam kong alam nila ang iniisip ko sa mga oras na ito. Hindi ko na kailangan pang sabihin.

Lumipas man ang tatlong buwan, hindi ko man siya nakikita at nakakausap ay walang araw na lumipas na hindi ko siya naiisip.

Malinaw pa rin sa akin kung gaano kaganda ang maamo niyang mukha.

Kung gaano ako binubuhay ng mga yakap niya at halik.

Kumusta ka na Bella?






Kumusta ka na Bella?

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Isabella

Isang buntong hininga ang lumabas sa bibig ko matapos makita ang sarili ko sa salamin. Parehas kami ni Zaira na nakabihis na.

"Pasyensya ka na Isabel, ito lang ang kasuotan na meron ako rito." Ani Zaira.

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya.

"Ano ka ba Zaira? Ito ang pinakamagandang kasuotan na naisuot ko sa tanang buhay ko."

Nagliwanag ang mukha niya sa narinig at ngumiti ng matamis sa akin.

"Ang suot kong ito ay ibinigay sa akin ni lolo. Sinabi niyang kay ina raw ito nung dalaga siya, at iyan namang suot mo ay sa matalik niyang kaibigan. Na ngayon ay tayo na ang may suot."

Mababakas ang kaligayahan sa boses niya habang nagkukwento.

Kung tutuusin ay halos iisa ang itsura ng suot namin ni Zaira, kulay lang ang naiba. Dahil ang kaniya ay pula at akin ay rosas.

"Kahit hindi ito kasing garbo ng kasuotan ng mga prinsesa ng iba't ibang emperyo ngunit ang ala alang dala ng kasuotang ito ay walang katumbas." Sambit ni Zaira.

Hindi ko maiwasang mapatitig sa kaniya. Ramdam ko ang saya niya sa isiping suot niya ang kasuotan ng kaniyang ina habang malawak ang ngiti sa labi.

"Napakaganda mo Zaira" sigurado akong maganda rin ang kaniyang ina.

"Ikaw rin Isabel" sabay yakap sa akin ng mahigpit.

Her Human BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon