Chapter 3

10K 309 9
                                    

Isabella

"...Ngunit mas maganda ka kung ikaw ay nasa ibabaw ng aking kama."

Sa mundong ito alam kong kailangan ko ng mahabang pasyensya at maging mabait ngunit ni minsan sa buhay ko ay hindi ko hahayaang mabastos ako ng kahit sino. Hindi ako papayag.

Hindi mapigilang lumabas ang totoong pagkatao ko lalo na sa bastos na lalaking ito.

"I-Isa kang pangahas! Sinampal mo ang Prinsipe Alexus!" Sambit ng babaeng bigla nalang dumating mula sa kung saan.

P-Prinsipe? Tila ako ay binuhusan ng malamig na tubig at lahat ng tapang ko ay nawala.

Itinaas ni Prinsipe Alexus ang kanyang kamay sa paraang pinatatahimik ang babae.

"Prinsesa Agatha, ako ng bahala sa kanya"

Prinsesa? Ngayon ay ramdam ko na ang panginginig ng tuhod ko.

Hinawakan ng prinsesa ang mukha ko upang salubungin ang kanyang nanlilisik na mata at sapilitang iniharap sa kanya.

"Alam mo ba ang katumbas ng iyong ginawa? Kamatayan" sambit nito bago binitawan ang mukha ko.

"Tama na yan Agatha. Hayaan mong ako na ang magparusa sa kanya" sabay kindat sa prinsesa.

Dahil sa panlulumo ay namalayan ko nalang na hinihila na ako ng prinsipe papunta sa loob ng palasyo habang hawak hawak ang braso ko.

Maya maya ay nakarinig kami ng yapak na humahangos papunta sa direksyon ko at natanaw ko ang pamilyar na mukha ni lola Feli.

Nang makalapit sya ay agad syang lumuhod sa harapan ng prinsipe Alexus

"P-Prinsipe A-Alexus patawad po sa kapangahasang nagawa ng a-apo ko" kanda utal na banggit ni lola.

Nasasaktan ako na makita syang ganyan dahil sa akin.

"H-Hindi na po ito mauulit. P-Pakiusap wag nyo po syang sasaktan."

Kasalanan ko to, ako dapat ang umayos at hindi si lola Feli.

"Wag kang mag alala punong babaylan. Hindi ko papatayin ang apo mo." Tumingin ako kay lola Feli at inalalayan syang tumayo.

"Paumanhin lola Feli, pero mag tiwala po kayo sa akin. Babalik din ako, wag na po kayong mag alala" pagpapagaan ko sa kalooban nito.

Maya maya ay may humila na naman sa braso ko at natagpuan ang sarili sa loob ng isang malaking kwarto.

Muling nagbalik ang kaninang kaba sa dibdib ko.

Ngunit hindi ko maiwasang mamangha kung gaano kalaki ang kwarto na ito na naghuhumiyaw sa yaman.

Pinagmasdan ako ni prinsipe Alexus mula ulo hanggang paa. Yumuko ako upang itago ang aking mukha.

Lumapit sya at hinawakan ang aking baba upang tingnan ko sya sa mata.

Pansin ko ang pangangatog ng aking tuhod habang tinititigan sya.

"Wala ka bang gagawin? Maghubad ka na, alam kong ikaw ang ipinadala ni Gabriel upang paligayahin ako."

Pinadala?

Paligayahin?

Nagbalik ang galit ko ng mapagtanto ang tinutukoy ng prinsipeng ito.

Pinanlisikan ko sya ng mata at buong lakas na sinampal at itinulak.

Tatakbo na sana ako palabas ng may humigit sa bewang ko at naramdaman ko nalang ang malambot na kama sa likod ko, at ang kanyang buong bigat.

"Pakawalan mo ko bastos na prinsipe!" Mas lalo nyang inilapit ang katawan nya sa akin.

Her Human BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon