Final Chapter

6.5K 226 11
                                    

Third Person POV

"BELLA!"

Panandaliang natigil ang labanan sa pagitan ng magkabilang panig ng marinig ang malakas na sigaw ni Alexus.

Yakap yakap niya si Bella habang may nakatusok na palaso direkta sa dibdib niya.

Ilang sandali pa ay nagulat ang lahat ng biglang lumagablab ang buong bulwagan at nadamay na rin ang buong palasyo hanggang sa tuluyan itong nasira. Walang kahirap hirap na nasunog ang mga kalaban. Maliban kay Haring Emerson.

Mistulang naging impyerno ang lugar.

Marahang binitiwan ni Alexus si Bella at diretsong tumingin kay Haring Emerson.

Mapapansin ang kulay pulang mata ni Alexus na nahahaluan ng dilaw na tila kulay ng kaniyang apoy.

Agad binalot ng kaba ang hari ng umangat ang kamay ni Alexus at nagpakawala ng napakalakas na asul na apoy papunta sa kaniya.

Kanina ay nagamit na ng hari ang kaniyang kapangyarihan ng isama niya ito kasabay ng palaso kaya't wala siyang nagawa ng tumama ito sa kaniya.

Ang katawan niya ay nasunog at naging abo na humalo sa hangin.

Sa patuloy na paglagablab ng lugar ay naalarma ang magkakapatid.

Napatingin sila kay Alexus na walang emosyong mababakas sa mukha at patuloy na ginagamit ang kaniyang kapangyarihan.

"Kailangan natin siyang pigilan! Hindi na alam ni Alexus ang ginagawa niya!" Sambit ni Agatha.

Sinubukang lumapit ni Gabriel ngunit hindi pa man siya tuluyang nakakalapit kay Alexus ay bumulusok ang apoy papunta sa kaniya. Agad siyang umiwas at napaatras ganon din ang nangyari kay Alexander.

Huminga ng malalim ang magkakapatid saka tumango sa isa't isa.

Nagpakawala ng tubig si Agatha papunta kay Alexus at agad itong nag yelo sa tulong ng kapangyarihan ni Gabriel.

Nagawa nilang maikulong si Alexus sa yelo. Pinalibutan ng mga halaman ni Amelie ang paligid nito upang hindi makatakas si Alexus.

Tumakbo si Alexander kay Alexus at inuga ang magkabilang balikat niya, sumunod ang magkakapatid. Ngunit ilang minuto na ang nakakalipas ay wala paring emosyon si Alexus.

"Kailangan niyang magising!" Sigaw ni Amelie.

Buong lakas na sinampal ni Agatha si Alexus at malakas na niyugyog ang magkabilang balikat.

Nagbalik sa berde ang kulay ng mata ni Alexus dahilan para tuluyang alisin ng magkakapatid ang kapangyarihan nilang nagkukulong kay Alexus.

Ilang minuto siya tulala ng maglandas ang saganang luha sa mata niya. Saka nila narinig magsalita.

"Bella..." ani Alexus at agad hinagilap ng kaniyang mata si Bella.

Nakita niyang humahagulgol ang Reyna Eliza habang yakap yakap ang anak niyang walang buhay sa kaniyang bisig. Nasa gilid niya ang Haring Augustus at Prinsipe Kristoff, na gaya niya ay patuloy rin sa pagluha.

"K-Kristen... anak. N-Nandito na kami... B-Bakit ikaw naman ang nawala?" hinaplos ng reyna ang magandang mukha ng kaniyang anak bago bumaba ang kaniyang kamay sa palasong nakatusok sa puso nito at dahan dahang tinanggal.

"Mahal kita anak ko." Bumaba ang kaniyang mukha at humalik sa noo ng kaniyang anak.

Tahimik ang buong paligid. Walang maririnig bukod sa mga hikbi at pagdadalamhati ng mga bampirang narito, ng marinig ang kaluskos mula sa kung saan.

Her Human BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon