Chapter 18

5.9K 214 0
                                    

Amelie Victoria

Lumikha ng kaguluhan sa palasyo ang biglaang pagdating ni Sabrina.

Kumuyom ang kamay ko.

Kasalanan to ni Alexus, kung sana ay matagal na niyang ipinaalam.

Kung sa bagay, sigurado akong kapag nalaman ito ni Bella ay labis siyang masasaktan.

Ngunit pakiramdam ko ay may kasalanan din ako. Kung sana ay nakita ito ng vision ko kaagad ay dapat hindi nangyayari ito.

May mga pagkakataong nakikita ko ang mga magaganap at may pagkakataon namang hindi.

Nang mawala si Bella ay ipinagbigay alam namin ito kay babaylang Feli at agad siyang nagtungo sa tirahan niya sa villa.

__________

Isabella

Matapos makita ang paru paro ay agad na akong umalis sa lugar dahil delikado ang sitwasyon ko.

Sa mga oras na ito ay alam kong hindi pa ako handang magpakita sa palasyo.

Dahil sariwa pa sa memorya ko ang pangyayari.

Kaya minabuti kong umuwi sa tirahan ni lola Feli sa villa.

Bubuksan ko palang ang pintuan ay agad na itong bumukas ng kusa para sa akin at agad bumungad sa akin ang nag aalalang mukha ni lola Feli.

"I-Isabella!" Agad niya akong niyakap ng mahigpit.

Tinawag niya ako sa aking buong pangalan, ito ay nangangahulugang labis siyang nag alala para sa akin.

Pansin ko na sandaling nawala ang pag aalala sa kaniyang ekspresyon ng makita ako at agad niya akong niyakap.

Naramdaman ko ang init na nagmumula kay lola Feli dahilan upang kahit papano ay maibsan ang lamig na aking nararamdaman.

"S-Saan ka ba nagpunta Bella???" Batid ko ang kaba at pag aalala sa boses ni lola Feli.

Humiwalay siya ng yakap sa akin at agad nanlaki ang mata ng mapansin punong puno ako ng dugo.

Ito ay mga dugo na nagmula kay lolo Manuel kanina dahil naalala kong inihiga ko siya sa binti ko.

Nakaramdam ako ng panghihina ng katawan.

Mukhang naparami ata ang dugo na ipinainom ko kay lolo Manuel kanina ngunit isinawalang bahala ko ito.

"B-Bella"

Naramdaman kong nanginginig na hinawakan ni lola Feli ang kamay na kanina ay hiniwa ko gamit ang matalim kong kuko.

Sa mga oras na ito ay alam kong unti unti ng naglalaho ang kapangyarihan ni lolo Manuel sa akin.

Gustuhin ko mang sumagot sa mga tanong sa akin ay hindi ko magawa dahil unti unti na akong nawalan ng malay.

__________

Nagising ako ng maramdamang may likidong pumapatak sa aking bibig na nagbibigay ng lakas sa akin.

Ang pamilyar na dugo na iyon. Hindi ako maaaaring magkamali.

Dumilat ako at agad siyang nakita.

Alexus

Napatingin ako sa aking kamay na ngayon ay wala ng bakas ng anumang sugat, iba na rin ang aking kasuotan.

Agad akong tumayo at balak na sanang lumabas ng silid at iwan siya ng maramdaman kong marahan niyang hinawakan ako sa braso.

"Bella liste-" itinaas ko ang isa kong kamay para patigilin siya.

"Not today Alexus" sambit ko ng hindi kakikitaan ng anumang emosyon.

Dahan dahan kong inalis ang kaniyang kamay sa aking braso.

Malapit na akong makalabas sa pinto ng siya mismo ang humarang sa akin.

"Please baby listen to me" ani Alexus sa nagsusumamong tono.

Agad na pumatak ang mga luha na kanina ko pa pinipigilan.

Muli ay nagbalik na naman ang pamilyar na sakit sa akin.

Pinunasan ko kaagad ito bago pa man niya gawin.

"B-Bella"

"I will, Alexus... but for now please leave me alone."

Tuluyan na akong lumabas sa kwarto at sa pagkakataong ito ay hindi na niya ako hinabol.

Agad kong hinanap si lola Feli at ng hindi ko siya makita ay minabuti kong maupo nalang muna sa ilalim ng puno. Pansin kong nililipad ng hangin ang aking buhok.

Ang dami kong tanong sa aking isipan ngunit ni isa ay wala pang nasasagot.

Ilang minuto akong tulala ng maramdaman ang kaniyang presensya.

Tumabi siya sa akin at lumingon.

"Kumusta ang iyong kalagayan Bella?" Tanong ni lola Feli.

"Maayos na po lola" sambit ko ng hindi lumilingon sa kaniya.

Niyakap niya ako at napatingin ako sa kanya.

Dun ko lang napansin na namumugto ang kaniyang mata.

"L-Lola Feli m-may problema po ba?"

Magmula ng dumating ako sa mundong ito ay puro kapakanan ko nalang lagi ang iniisip niya ni minsan ay hindi ko manlang natanong kung maayos lang ba ang kaniyang lagay.

Humigpit ang yakap niya sa akin. Tila nag aalangan kung itutuloy niya ba ang sasabihin o hindi.

Napabuntong hininga siya, ramdam ko ang panginginig ng kanyang kamay.

"M-Maaari ko bang malaman kung kanino ang mantsa ng dugo na nasa iyong kasuotan kanina?" Natigilan ako sa narinig.

"K-Kay lolo M-Manuel po. Bakit po lola?"

"M-Manuel?" Tumango ako bilang sagot.

Binitawan niya ako at napatakip siya ng kaniyang bibig.

Kitang kita ang sakit sa kaniyang reaksyon at agad bumuhos ang mga luha sa kaniyang mata.

Ako naman ngayon ang yumakap sa kaniya.

Bakit ganito ang naging reaksyon ni lola Feli ng marinig ang kanyang pangalan?

"P-Paumanhi-" natigil ako sa pagsasalita ng umiling siya.

Minabuti ko munang wag mag salita at manatiling nakayakap sa kanya ng ilang minuto hanggang sa humupa ang kainyang nararamdaman.

"Maayos na po ba ang iyong lagay lola?" Tanong ko ng mapansing tumigil na siya sa paghikbi.

"Pasyensya ka na sa naging reaksyon ko Bella." Ako naman ngayon ang umiling.

"Maaari ko po bang malaman kung bakit?"

Alam kong hindi ko na dapat ito itanong dahil mas lalo lamang siyang masasaktan. Pero alam kong kailangan ko ring malaman.

Batid ko ang pag aalangan sa kaniyang mukha.

"Pero kung hindi naman po ay ayos la-" hindi ko na namang natapos ang aking sasabihin.

"Si Manuel ang itinakda sa akin."

Napatitig ako kay lola Feli at nag antay ng susunod niyang sasabihin.

"Ngunit a-akala ko ay p-patay na siya, kitang kita ko kung paano siya binalot ng usok at bumagsak ang walang buhay niyang katawan. Ito ay nagmumula sa magandang babaeng may itim na kapangyarihan."

Natigilan ako ng mapagtanto ang isang bagay.

"Dark Witch"

Her Human BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon