Chapter 42

5.5K 222 21
                                    

The Truth

Isabella

"P-Paano naman nangyari yon?" Naguguluhan kong tanong.

"Di gaya ng ibang emperyo ay hindi umuulan sa Quinoa." Ani Zaira.

"Unang beses umulan ng mapadpad ka doon." Sambit ni Prinsipe Amir.

Mas lalong nangunot ang noo ko sa narinig.

"Paano niyo naman nasabing ako ang may gawa non?"

Maaaring nagkakamali sila.

"Bilang prinsipe ng Arandin ay kilala ko sa mukha ang mga bampira na nasasakupan ko, hindi ko man sila kilala sa pangalan. Ikaw lang ang hindi pamilyar sa akin ng gabing iyon, at isa pa ay nakita ko ang pagpikit mo kasabay ng pagliliwanag ng kamay mo. Pansin kong nagamit mo ito dahil sa hindi mo mapigilang emosyon." Sambit ni prinsipe Amir na nagpatulala sa akin.

Naalala ko ang mga ingay nung gabing iyon na tila paulit ulit kong naririnig kaya ako napapikit at pagmulat ko ay pumapatak na ang ulan.

Kaya ba ganon ang reaksyon ng mga bampirang naroon ng umulan?

Kaya ba lahat ay natigilan at parang hindi makapaniwala?

"A-Ako ang may gawa non?" Hindi ako makapaniwala. Pakiramdam ko ay mas lalo akong nahilo sa narinig dahilan para mapahawak ako sa ulo ko.

"Pero paano nangyari yon isa akong tao?" Kaagad lumapit sa akin si Zaira upang umalalay.

"Isa kang tao dahil lumaki ka sa mundo ng mga tao, na hanggang ngayon ay kinikilala pa rin ng katawan mo. Pero sila ba talaga ang tunay mong magulang?" Tanong ni Prinsipe Amir na nagpatigil sa akin.

"Oo, at isa pa ay mga tao ang magulang ko" sagot ko.

Pansin ko ang pag iling ni prinsipe Amir sa naging sagot ko.

Lumapit sa akin ang prinsipe at tumitig sa mga mata ko.

"Sa palagay ko ay hindi sila ang totoo mong magulang." Ani Prinsipe.

"B-Bakit mo naman nasabi yan Prinsipe Amir?"

"Dahil hindi ordinaryong kapangyarihan ang taglay mo Isabella. Iyan ang kapangyarihang mga prinsesa't prinsipe lamang ng Magno ang nagtataglay." Sagot ng prinsipe.

"Ang kapangyarihang kayang manipulahin ang ulap at pagbuhos ng ulan. Ang kapangyarihang kayang magpalutang ng isang bagay. Ang kapangyarihang nabibilang sa Elemental Powers... ang Power of Wind."

"Sino ka ba talaga Isabella?"

Maaari kayang...

Hindi pa man ako nakakabawi sa narinig ng magsalita naman si Zaira.

"I-Ikaw ang nawawalang prinsesa!"
Napailing ako at tuluyang nawalan ng lakas sa narinig.

"May nawawalang prinsesa sa Magno?" Tanong ng prinsipe.

"Dalawampung taon na ang nakakalipas matapos maglaho ng Magno Imperial ngunit bali balitang nagkaroon ng ikalawang anak si Reyna Eliza at Haring Augustus. Hindi nila ito ipinaalam dahil nais nilang sorpresahin ang mga mamamayan ng Magno Imperial at nag aantay lang sila ng pagkakataon para rito, na kailanman ay hindi na natuloy dahil isang araw bigla na lamang silang naglaho kasama ang palasyo." Paliwanag ni Zaira.

"Ngunit nakapagtataka... paano siya napunta sa mundo ng mga tao?" Naguguluhang tanong ng prinsipe.

"Yun ay hindi ko rin alam. Ngunit isa lang ang sigurado ako... Ikaw ang prinsesang iyon Isabel."

Dahil sa sinabi ni Zaira ay biglang may katanungang pumasok sa isip ko.

"K-Kung isa akong tunay na bampira ay bakit pa nila ako kailangang hulihin at patayin?" Tanong ko.

"Gaya ng sinabi ko ay pagiging tao parin ang kinikilala ng iyong katawan dahil matagal na panahon kang nanirahan sa mundo ng mga tao, ngunit kung papansinin mo ay nagagamit mo ang kapangyarihan mo ng hindi mo namamalayan, nakatulong ang mundong ito upang lumabas ang natutulog mong kapangyarihan." Sagot ng prinsipe.

Biglang nagbalik sa ala ala ko ang panaginip ko na kung saan ay may nakita akong masayang pamilyang nagtatampisaw sa talon. Pumatak ang luha sa mata ko ng hindi ko namamalayan.

Sila ba? Sila ba ang totoo kong pamilya?

"Mommy Rosebelle... Daddy Jackson" wala sa sariling usal ko.

"H-Hindi totoo yan." Patuloy ako sa pag iling at pagluha. Humigpit ang yakap sa akin ni Zaira.

"Tama na yan Isabel. Mabuti pang magpahinga ka na muna. Marami ang dugong nawala sa iyo. Hindi ito nakakatulong sa kalagayan mo" Nag aalalang sambit ni Zaira na isinawalang bahala ko.

"K-Kung ako nga iyon... Sino ang kinilala kong mga magulang? Paano ako napunta sa kanila?" Madami akong tanong sa isip ko na kailangang masagot.

Napatingin ako kay Prinsipe Amir na kasalukuyang tulala. Nang mapansin niyang nakatitig ako sa kanya tila siya ay natauhan.

"M-Maaari mo ba uling banggitin ang pangalan ng mga magulang mo?" Nagtataka man ay sinagot ko rin.

"Rosebelle, Jackson" na muling nagpatulala sa kanya. Pansin kong natigilan naman si Zaira.

"B-Bakit?" Anong meron sa pangalang iyon dahilan para magkaganon ang reaksyon nila?

Ilang segundong katahimikan ang bumalot sa amin ng marinig kong magsalita ang prinsipe.

"Kailanman ay hindi ko malilimutan ang pangalang iyon. Dahil matapos ang digmaan ay agad ipinatupad ang Vampire Law, sila ang unang bampirang napatawan ng batas na ito.
Napabalitang may isang babaeng bampira ang itinakda sa isang tao, nakatakdang hulihin ang tao at ipapatay. Ipinamalita ng mga hukom na nagtagumpay sila sa pagpatay sa tao at sinabi rin nilang minabuti ng bampira ang mamatay kasama ang itinakda sa kanya ngunit ang totoo ay bigla nalang naglaho ang dalawa..." tumingin ang prinsipe sa akin.

"Inakala ng lahat na matagal ng patay ang dalawa dahil kailanman ay hindi na sila muling nakita sa mundong ito."

"Mukhang alam ko na kung paano ka napunta sa mundo ng mga tao Isabella..."

"Yun ay dahil napunta sila sa mundo ng mga tao, at sila... ang kinilala mong magulang."

Her Human BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon