Chapter 47

6K 224 20
                                    

The Ritual Part 2

SPG

Diretso ang tingin niya sa akin na tila tumatagos ito sa kaluluwa ko.

Napatingin ako sa kanya. Wala siyang kahit na anong suot bukod sa pantalon kaya't lantad na lantad sa akin ang matipuno niyang katawan.

Gaya ko ay wala rin siyang suot na pangyapak.

Alam kong nagbibigay ng init ang apoy sa paligid, dahil nakapalibot ito sa amin. Ngunit mas lalo akong nag iinit sa kakisigang nakalantad sa harapan ko.

Bakit parang mas gumwapo siya dahil sa liwanag na nagmumula sa kaniyang apoy?

Parang gusto ko na siyang sunggaban at siilin ng halik.

"Umayos ka Bella!" Sigaw ng matinong parte ng utak ko.

Nilamukos ko ng mariin ang palad ko at iniwas ang tingin sa kaniya.

"Bella" isang tawag niya lang sa akin ay agad akong lumingon sa kaniya.

Dahan dahan siyang naglakad papunta sa akin at pakiramdam ko ay bumagal ang takbo ng oras. Halo halo na ang emosyong nararamdaman ko ngayon.

Prince Alexus Stephan Chamberlain, my mate.

Huminto siya sa harap ko at humalik sa noo ko saka naglahad ng kamay.

"Shall we?"

"We shall" Napalunok ako ng mariin ng hawakan ko ang kamay niya at sabay kaming naglakad papasok sa malaking kubo.

Pagpasok namin ay agad kong nakita ang malaking kama sa gitna. Sa gilid nito ay may lamesang naglalaman ng kopita at kutsilyo na sa tingin ko ay gagamitin namin sa ritual.

Huminga ako ng malalim ng muling manumbalik ang kaba sa dibdib ko.
Inalalayan ako ni Alexus na makaupo bago siya maupo sa harapan ko.

"You ready?" Tanong niya. Tumango ako bilang sagot.

Kinuha niya ang kutsilyo at hiniwa ng mababaw ang palad niya saka ikinuyom at ipinatak sa kopita.

Ginawa niya ito ng hindi inaalis ang tingin sa akin.

"You're mine Bella"

Pakiramdam ko ay malalagutan ako ng hininga sa bawat titig niya. Panay na rin ang mariin kong paglunok.

Matapos ng ilang segundo ay tumigil siya at iniabot sa akin ang kutsilyo.

"G-Gagawin ko rin yan?" Tanong ko na kinakabahan.

Hindi ko alam kung sa paghiwa ba sa palad ako kinakabahan o may iba pang dahilan.

Umangat ang isang sulok ng labi niya sa tanong ko.

"Why nervous Bella?"

"Am I?" Tinapangan ko ang loob ko at nagawa ko pang magtaas ng kilay sa kaniya.

"You are"

"I-I'm not" pagsisinungaling ko.

"Okay then..."

Sinimulan ko ng hiwain ang palad ko, dahil medyo nanginginig ang kamay ko sa kaba ay bahagyang lumalim ang paghiwa ko.

Nakita ko namang naglakbay ang tingin niya sa suot ko. Bigla akong nakaramdam ng hiya at agad nag init ang katawan ko.

"Enough..." sambit niya na agad ko namang sinunod. Inilapag ko ang kutsilyo at ibinigay sa kaniya ang kopitang naglalaman ng dugo namin.

"I am Alexus Stephan Chamberlain, second prince of Magno Celestial. I promise to love you, always and forever."

Her Human BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon