Chapter 8

8K 268 9
                                    

Isabella

"You're trapped... baby girl"

Habang tumatagal ay lumalala ang pagkahilo ko, hinigpitan ko ang hawak sa sink habang nakatitig sa mga mata nya.

Ito ang pakiramdam na kanina ko pa pinipigilan.

Ang panunuyo ng lalamunan ko.

Wala sa sariling napahawak ako sa leeg ko at sumuka na naman.

Sa pagkakataong ito hindi na kinaya ng katawan ko at unti unting bumagsak.

Ngunit may malalakas na bisig ang sumalo sa akin bago pa man ako bumagsak sa sahig.

"Looks like baby girl needs my blood."

Ito ang huling narinig ko bago pa man ako mawalan ng malay.
__________

Amelie Victoria

"So, you just proved your theory huh?" Tanong ko kay Alexus.

Nandito kaming magkakapatid sa isang silid sa palasyo.

Napatingin kaming lahat sa kanya at lumawak ang ngiti sa labi nya.

"She's mine" ani Alexus.

"Woah my little brother is now mated" sambit ni Alexander sa nang aasar na tono.

Agad naman kumunot ang noo ni Alexus.

"Shut up Alexander!." Natawa nalang sya sa naging reaksyon nito.

"Poor women" sabi naman ni Gabriel habang umiiling iling pa, na tila naaawa sa mate ni Alexus.

Tumalim naman ang tingin nito kay Gabriel saka inihagis ang vase ngunit madali lang itong nasalo.

"Tama na yan mga kapatid. Hayaan nalang natin si Alexus. Mukhang nasisiyahan naman sya sa ginagawa nya." Tumayo na si Agatha at nagdiretso sa pinto ngunit hindi pa man nakakalabas ay bumaling ito sa amin at nagsalita.

"Kaawa-awang nilalang" saka tuluyang lumabas.

Napuno ng tawanan ang buong silid at mabilis kaming lumabas ng kwarto at naiwan si Alexus doon na namumula sa galit.
__________

Kadarating palang ng amang hari at inang reyna galing sa pagpupulong ng puntahan ko sila sa kanilang silid.

Nadatnan kong nasa balkonahe sila ng kanilang kwarto ni ama at napansin nila ang presensya ko.

"Halika at pumasok ka Amelie" banggit ni ina.

"Ama, Ina... nais ko sana kayong makausap. Alam kong kadarating nyo lamang ngunit mahalaga po ang aking sasabihin. Maghihintay po ako sa silid pulungan ng palasyo." At agad akong umalis.

Ganito rin ang aking ginawa sa mga kapatid ko.

Nauna na akong dumiretso sa silid pulungan ng palasyo at naghintay ng kaunting minuto bago dumating ang lahat.

"Spill it Amelie" ani Alexus na tila bagot na bagot na.

Naka abang silang lahat sa anumang sasabihin ko.

"Ang pagpupulong na ito ay tungkol sa nakatakdang babae para sayo Alexus"

Nanlaki ang mata nya, kung kanina ay bagot na bagot sya ngayon naman ay interesadong interesado sya.

"M-My mate? Where is she?" Bakas sa mukha nila ang pagkabigla.

Ikinwento ko ang nakita ko sa vision ko.

Lahat sila ay napatitig kay Alexus habang sya naman ay namutla.

Kahit mapagbiro ang mga kapatid ko ay alam kong nakaramdam sila ng awa sa maaaring mangyari sa kanya.

"Maaari itong mangyari sayo Alexus. Ngunit ngayon palang ay hindi namin ito pahihintulutan." Pagpapagaan ng inang reyna sa kanyang kalooban.

"Pero nakapagtataka..." napatingin kami kay ama.

Mukhang alam ko na ang kanyang sasabihin.

"Bakit hindi natin namalayan ang kanyang pagdating?" Muli ay napatulala ang lahat.

"Hindi ba'y dapat ipinaalam sa akin ng propesiya ang kanyang pagdating sa pamamagitan ng panaginip? Ngunit bakit hindi ko ito nalaman kaagad?" Napasabunot sa buhok si Alexus.

Propesiya ang responsable upang iparating sa bawat bampira ang pagdating ng nakatakda para sa kanila.

At ito ay sa paraan ng pananaginip.

Tumingin silang lahat sa akin na naghihintay ng sagot.

"Dahil isa siyang... tao"

"H-Hindi m-maaari" Bakas ang panlulumo sa kanilang reaksyon lalong lalo na si Alexus.

"I-Ipapapatay s-siya"

Mahinang iling ang nagawa ni Alexander habang si Agatha at inang reyna ay napatakip sa bibig at hindi naman maiwasang matulala ni Gabriel at amang hari.

Maaari mo lang malaman kung sinong nakatakda para sa iyo kung kayo ay parehas na nagmula sa mundong ito.

Ngunit kahit hindi nanaginip si Alexus sa babaeng itinakda sa kanya.

Kikilalanin ito ng kanyang katawan, at magkakaroon ng physical attraction sa isat isa.

"Damn it!"  Malutong na mura ni Alexus.

Nangyari na ito isang beses.

Itinakda ang isang bampira sa tao.

Ngunit gaya ng nakasulat sa vampire law, kamatayan ang katumbas nito.

Hindi sa bampira... ngunit sa tao.

Naniniwala kasi silang ang vampire law ay para sa ikabubuti ng mga bampira sa mundong ito, kaya ang parusa ay ipinataw lamang sa tao.

Bali balitang mas pinili nalang rin ng bampira ang mamatay kasama ang tao.

Magmula noon ay wala na kaming narinig tungkol rito.

Biglang tumayo si Alexus na syang umagaw sa atensyon naming lahat.

"Amang hari at inang reyna. Hayaan nyong ako na mismo ang humanap sa kanya." Humarap sya sa akin at ngumiti.

"Salamat kapatid" sambit nya at walang sabi sabing umalis.

Alam kong sa mga oras na ito ay hindi na magaganap ang vision na nakita ko nung nakaraan tungkol ay Alexus.

Dahil ang nangyari sa kanya sa vision ko ay matinding pagkauhaw sa dugo ng itinakda sa kanya dahilan kung bakit nangitim ang katawan nya.

Isa pa ay hindi na namin kailangang itanong kung saan ang punta nya.

Ito ang dahilan kung bakit ko nakikita ang hinaharap...

Para mabago ang masasamang magaganap.

Her Human BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon