Chapter 41

5.5K 226 18
                                    

Amir

Matapos kong gamitin ang kapangyarihan ko at makuha si Isabella mula kay Haring Emerson ay agad ko siyang binuhat at umalis sa lugar na iyon, ngunit hindi nakatakas sa paningin ko ang pagtakas niya.

Napatingin ako sa sugat ni Isabella sa leeg.

Kailangan ko siyang dalhin sa Magno.

Dahil hindi ko siya kayang protektahan sa mga bampirang ganid tulad ni Emerson. Lalo pa ngayon na amoy na amoy ang sariwa niyang dugo. Sigurado akong mabilis kaming masusundan nito.

Hindi tulad ng ibang bampira kaya kong kontrolin ang pagkauhaw ko sa dugo ngunit kahit tumakbo ako ng mabilis ay alam kong may hangganan ito.

Dahil bawat segundong lumilipas ay mas lalong sumasakit ang puso ko.

Nakarinig ako ng malakas na pagaspas ng pakpak. Sa hinuha ko ay malaking nilalang ito. Ito na nga ba ang sinasabi ko.

May sumusunod sa amin!

Mas lalo kong binilisan ang takbo at hinigpitan ang pagkakabuhat kay Isabella ngunit agad ring napaatras ng lumapag ang malaking nilalang sa mismong harapan ko.

Isang Dragon?

Muli sana akong tatakbo palayo ngunit narinig kong sumigaw ang babaeng nakasakay sa dragon.

"Isabel!" Natigilan ako sa narinig.

"Prinsipe Amir! Sumakay na kayo! Maraming kawal ang nakasunod sa inyo!" Usal ng babae.

Nung una ay nagdalawang isip ako, ngunit mas lalo lang mapapahamak si Isabella dahil kahit anong gawin kong takbo ay masusundan kami.
Tumalon ako paakyat ng dragon at marahang inilapag si Isabella rito.

Naramdam ko ang presensya ng mga kawal sa malapit.

"Lipad na Fuego"

Sa isang iglap ay naramdaman ko ang paglutang namin sa alapaap. Sigurado akong hindi nila kami makikita lalo na at mababa ang ulap. Kahit papano ay napanatag na ang loob ko.

"Isabel" narinig kong usal ng babae sa nanginginig na boses.

"Anong pangalan mo binibini?" Biglaang tanong ko sa babae.

"Zafira, kamahalan" inilahad ko ang palad kay Zafira na mabilis naman niyang tinanggap.

"Amir"

"Kailangan natin siyang dalhin sa Magno Celestial" usal ko.
_________

"Bella... kumusta ka na anak?" Rinig kong boses na kailanman ay hindi ko malilimutan.

Matagal na rin mula ng huli nila akong dinalaw sa panaginip ko.

Nagmulat ako ng mata at bumungad sa akin ang pamilyar niyang magandang mukha na may ngiti sa labi.

"Mommy Rosebelle" agad akong yumakap sa kaniya ng mahigpit.
Nilibot ko ang tingin sa kabuuan ng lugar.

Isang paraiso

Maya maya ay natanaw ko ang isang bulto ng lalaki at ng maging malinaw ito sa paningin ko ay saka ko siya nakilala.

"Daddy Jackson!" Tumakbo ako upang salubungin siya ng isang mahigpit na yakap na agad niya ring ibinalik.

"Bella anak!" Sabay akong niyakap nila mommy at daddy.

Pumikit ako para damhin ang mainit nilang yakap. Alam kong panaginip lang ito ngunit ito ang tahanan ko.

Sila ang tahanan ko.

"Mommy...daddy" nagsimula na akong umiyak sa bisig nila.

"Magiging maayos din ang lahat Bella" ani mommy at dahan dahang hinahaplos ang likod ko.

Her Human BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon