Chapter 14

7.1K 224 2
                                    

Alexus

Nakatulala ako habang malalim ang iniisip.

Kumuyom ang kamay ko ng maalala ang naganap na pagpupulong na dinaluhan namin ng amang hari.

"Magandang umaga mga hari, reyna, prinsipe at prinsesa." Sambit ng isang hukom mula sa emperyong Quinoa kung saan naganap ang pagpupulong na siyang pinakamalaking emperyo.

Dumilim ang tingin ko sa hukom na ito. Alam ko na ang patutunguhan ng pagpupulong na ito.

"Ang ang pagpupulong na ito ay hindi lamang iikot sa ibang isyu na kinahaharap ng Frealia Aghanym. Ipinababatid sa lahat ang pagpapaigting tungkol sa usaping vampire law na kung saan ang pag iibigan ng tao at bampira ay ipinagbabawal." Kumuyom ang kamay ko sa ilalim ng mesa.

Hindi pa man kami nagsisimula ni Bella ay wawakasan na.

"Alam ng bawat bampirang naririto sa apat na sulok ng silid na ito ang kaparusahang ipapataw sa sino mang tao ang lumabag nito."

Hindi ako tanga para hindi malaman na ang dahilan kung bakit ako isinama rito ni ama ay dahil gusto niyang ako mismo ang makarinig kung paano mas paigtingin ang batas na ito.

Nilibot ng tingin ng nagsasalitang hukom ang bawat isa sa amin at tumigil ang kaniyang tingin sa akin.

Tumingin din ako sa kanya pabalik at siniguro kong walang mababakas na kahit anong emosyon sa akin.

"Umaasa ang hukuman na ang bawat bampira ay makikisama. Dahil alam natin na kahinaan lamang ang dulot ng isang tao sa ating lahi."

Asshole.

Nag iinit ang aking palad at gusto kong sunugin ng buhay ang lalaking ito.

Kinakalma ko ang aking sarili sa pamamagitan ng malalim na pag hinga.

Alam kong napapansin ni ama ang pagpipigil ko dahil kanina pa siya palihim na umiiling.

Hindi ko maitago ang pagkamuhi sa mga hukom na gumawa ng walang kwentang batas na ito.

Ang kamatayan ay ipapataw lamang sa tao.

Kung ganon lang rin naman ang mangyayari ay mas mabuting mamatay rin ako.

Ni minsan sa buhay ko ay hindi ko inakalang maaaring mauulit ang nakaraan at sa akin mangyari.

Hindi ko sinisisi ang propesiya sa nagyayari, dahil ang pagdating ni Bella ang pinaka magandang nangyari sa akin.

Palagi kaming pinaaalalahanan ni ama na ipaglaban ang alam naming tama.

Lahat kami sa emperyong Magno ay tutol sa batas na ito at hindi manlang nabigyan ng pagkakataong pakinggan ang aming opinyon tungkol dito, basta nalang nila itong isinagawa at nagulat kami dahil inaprubahan ito ng limang natitirahang emperyo.

Hindi na nakapagtataka iyon dahil alam naming gusto nilang pabagsakin ang aming emperyo.

Kung noon ay hindi nila nagawa.

Ngayon ay hindi ko na alam.

Malamang ay nagpaplano na sila kung paano kami pababagsakin.

Isang ring nakikita nilang dahilan ng aming pagbagsak ay ang paglaho ng Magno Imperial.

At alam kong sa oras na malaman nilang isang tao si Bella na siyang itinakda sa akin ay mas mag aalab ang kanilang kagustuhang pabagsakin ang aming emperyo.
__________

Isabella

Nandito ako sa silid ng mga babaylan sa likod ng palasyo at kasama ko ngayon si lola Feli.

"Kumusta naman ang iyong paninirahan sa palasyo" tanong niya na siyang ikinanguso ko.

"Maayos naman lola Feli. Miss na miss ko na kayo" saka ko siya niyakap.

Minsan ay dinadalaw ko siya rito at madalas naman ay nagpupunta ako sa library para na rin magbasa at nakakatuwang madalas kong makita roon si Gabriel.

Pinanood ko si lola Feli habang nagtuturo sa mga babaylan.

Bihasang bihasa na siya pagdating dito at hindi ko maiwasang mamangha.

Kahit papaano ay hindi naman ako nalulungkot magmula ng manirahan ako rito sa mundong ito dahil ipinaparamdam nilang hindi ako nag iisa at alam kong totoo ang kanilang ipinakikita sa akin.

"Bella"

Nasa kalagitnaan ako ng pag iisip ng tawagin ako ni Alexus.

Agad akong tumayo at nagpaalam kay lola Feli saka siya pinuntahan.

"Anong iyong kailangan sa akin mahal na prinsipe?" sambit ko sa nakakalokong tono.

Hinawakan niya ako sa bewang at hinila palapit sa kanya saka humalik sa pinsgi ko.

Ito siguro marahil ang epekto ng mate bond sa aming dalawa.

"I want to show you something" sambit niya habang titig na titig sa akin.

Nakarinig kami ng mahinang tili mula sa likod at napatingin sa mga babaylan na ngayon ay nakatingin sa amin ni Alexus na mukhang kinikilig.

Kinindatan niya ang mga ito at hinila na ako paalis.

Hindi ko alam kung saan ako dadalhin ni Alexus dahil matapos makalabas ng palasyo ay sumakay kami sa kaniyang kabayo.

"Saan tayo pupunta?"

Ako ay nakasakay sa unahan habang nakasandal ako sa dibdib nya.

Ramdam na ramdam ko ang init na ibinibigay nito sa akin.

Sa tuwing nasa bisig niya ako ay pakiramdam ko ligtas ako.

Inamoy amoy niya ang leeg ko at naramdaman kong hinalikan niya ito saka ipinatong ang baba niya sa balikat ko.

"Sa lugar kung saan ako lang ang nakakaalam."

Her Human BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon