Epilogue
Pana-panahon ang pagkakataon
Maibabalik ba ang kahapon?
Nagmulat ako ng mata at bumungad sa akin ang pamilyar na kwarto nila Mommy at Daddy.
Nakatulog pala ako.
Natatandaan mo pa ba
Nang tayong dal'wa ang unang nagkita?Panahon ng kamusmusan
Sa piling ng mga bulaklak at halamanDoon tayong nagsimulang
Mangarap at tumulaBumangon ako at napansin ang basang bed sheet. Agad akong napahawak sa pisngi ko at naramdaman ang lamig dulot ng pag-iyak.
Pag iyak?
Ramdam ko rin ang pagsikip ng dibdib ko. Alam kong may napanaginipan ako... pero bakit hindi ko maalala?
Ang mga puno't halaman
Ay kabiyak ng ating gunita
Sa paglipas ng panahon
Bakit kailangan ding lumisan?
Napatingin ako sa picture frame na naka patong sa lamesa. Family picture naming tatlo nung panahong nabubuhay pa sila mommy at daddy.
Kaso lang ay hindi ko alam kung bakit ako umiiyak. Matagal ko ng tinanggap sa sarili ko na wala na sila, ngunit alam kong ginagabayan parin nila ako.
Ngayon ikaw ay nagbalik
At tulad ko rin ang iyong pananabikMakita ang dating kanlungan
Tahanan ng ating tula at pangarapNgayon ay naglaho na
Saan hahanapin pa?Muling sumikip ang dibdib ko at walang tigil ang paglandas ng luha sa mata ko.
Ano bang nangyayari sa akin?
Bigla kong naramdaman na mag isa na naman ako.
Hindi pa ba ako nasanay? Apat na taon ng wala sila Mommy at Daddy ah?
Bakit Bella?
Bakit parang may... kulang?
Lumilipas ang panahon
Kabiyak ng ating gunita
Ang mga puno't halaman
Bakit kailangang lumisan?
Pana-panahon ang pagkakataon
Maibabalik ba ang kahapon?Lumabas ako ng kwarto at nagdiretso sa kusina para magluto ng agahan. Kahit masama ang pakiramdam ko ay kailangan kong pumasok.
Hinanda ko na ang mga kailangan ko sa lulutuin ko bago napagpasyahang buksan ang kalan at hindi sinasadyang napatitig ako sa apoy na nagmumula rito.
"Alexus..."
Wala sa sariling sambit ko at muling nag unahan ang luha sa mata ko.
Sino siya? Bakit bigla ko nalang yon nasabi? Ang nakapagtataka ay... bakit nasasaktan ako?
After 2 years
Anim na taon na ang lumipas magmula ng mamatay sila mommy at daddy.
Gigising ako para pumasok sa trabaho at uuwi sa gabi.
Nagpapanggap na normal lang ang lahat... ngunit alam kong hindi.
BINABASA MO ANG
Her Human Blood
VampirgeschichtenNilibot ko ang tingin sa paligid at mabilis na rumehistro sa akin ang lugar kung nasaan ako dahil minsan na akong nakapunta rito. Naaninag ko ang pamilyar na pigura na siyang nakaupo sa tabi ng kama na hinihigaan ko. Agad akong natauhan at mabilis n...