Chapter 39

5.5K 188 9
                                    

Isabella

Pilit kong kinalas ang pagkakayakap sa akin ni Alexus. Kahit gusto ko pang manatili sa mga bisig niya ay hindi na maaari.

Hindi ko kayang basta na lamang iwan si Zaira dahil tinuring niya akong isang kapatid at ganoon din ako sa kaniya.

Tumalikod na ako at naramdaman ko ang mga luhang nag uunahang pumatak sa pisngi ko.

Kagaya ng gusto ko ay hindi na ako hinabol pa ni Alexus.

Papunta na ako sa direksyon ni Zaira ng biglang mamatay ang lahat ng ilaw, binalot ng dilim ang paligid.

Naramdaman kong may matulis na bagay na tumusok sa leeg ko at agad tinakpan ang bibig ko.

Binalot ng kaba ang sistema ko ng mapagtantong isa itong kuko.

Unti unting nawawalan ako ng lakas hanggang sa tuluyan akong nawalan ng malay.
__________

Zafira

Nakikipagsayaw ako ng marinig ang usapan ng dalawang bampira sa malapit.

"Balita ko ay mayroong naamoy na dugo ng tao sa Emperyong Magno."

"Saan mo naman nalaman yan?"

"Ano ka ba? Kalat na kalat na ang balitang yan. Sa ngayon ay dahan dahang kumikilos ang mga emperyo upang hanapin ang tao na yon. Dahil magmula ng maamoy ito sa Magno, hindi na ito naulit muli. Ang hinala rin ay may ginagamit siya upang ikubli ang totoo niyang pagkatao."

Si Isabel! Kailangan na naming umalis dito!

Agad akong nagpaalam sa kasayaw ko at lumingon lingon sa paligid kaso ay hindi ko siya makita, hanggang sa tuluyang namatay ang lahat ng ilaw.

Anong nangyayari?

Naririnig ko ang mga bulung bulungan sa paligid na nagmumula sa mga bampira. Tila kahit sila ay wala ring makita sa dilim.

May masamang nangyayari.

Dapat ay nakakakita kami sa dilim, kaso ay wala. Para bang may mahika na kumokontrol upang wala kaming makita.

Bigla akong kinabahan ng maamoy ang pamilyar na dugo ni Isabel. Alam kong hindi lang ako ang nakaamoy non kundi lahat kaming nandito sa bulwagang ito.

Isabel!

Ngunit sandali lamang ito dahil agad ring nawala. Napaupo ako sa sahig dahil sa panlulumo.

Hindi maaari!

Kasalanan ko ito, kung sana ay hindi ko siya pinilit.

Bumukas ang ilaw at unang bumungad sa akin ang mga bampirang may namumulang mata sa likod ng kanilang maskara.

"Isabel" sambit ko at nag unahan ang mga luha sa aking pisngi.

Alam na nila ang tungkol sa totoong pagkatao ni Isabel.

Natigilan ang lahat ng may malaking apoy ang kasalukuyang tumutupok sa isang parte ng pagdiriwang. Patuloy itong kumakalat at nagliliyab ang bawat madaanan nito.

Napatingin ako sa pinagmulan nito.

Prinsipe Alexus

Ang prinsipeng nagmamay ari ng Power of Fire.

Kilala ang prinsipe Alexus bilang kalmado sa anumang sitwasyon, ngunit ibang usapan na ang pangyayaring ito.

Mula rito ay kitang kita ang pagbabaga ng kaniyang mga mata. Bumakas ang matinding galit at kalungkutan dito.

Nagsimulang magkagulo at matakot ang lahat. Nagsitakbuhan na ang nasa paligid na sinundan naman ng iba ganon din ang mga prinsesa't prinsipe ng iba't ibang emperyo.

Malayong malayo ang naging itsura nito sa nabungaran ko kanina. Ngayon ay nagmistulang impyerno sa lugar na ito dahil sa patuloy na pagkalat ng apoy.

Maglalabas pa sana si Prinsipe Alexus ng mas malaking apoy ngunit maagap na pinigilan siya ng isang babae at lalaki. Tinitigan kong mabuti kung sino ito.

Prinsipe Gabriel at Prinsesa Amelie.

Nung una ay nagpupumiglas ang prinsipe hanggang sa tuluyan siyang nanghina at napayakap sa mga kapatid. Kitang kita ang paglandas ng luha sa kaniyang mata.

"Nasaan ka na Bella?" Rinig kong banggit ni Alexus.
__________

Amir

Kinailangan ko ng magpaalam kay Amelie dahil nararadaman ko na naman ang pamilyar na sakit na nagmumula sa aking puso.

Nung una ay hindi siya pumayag, ngunit nakumbinsi ko siyang magkikita pa kaming muli.

Bata pa lamang ako ng mamatay si ina at sinabi sa akin ni ama na namana ko raw kay ina ang panghihina ng puso ko.

Ngunit kahit may sakit ako ay ginagawa ko pa rin ang tungkulin ko bilang prinsipe ng Quinoa Arandin, at isa na rito ang pagdalo sa pagdiriwang na yon.

Hindi ko gustong makita ako ni Amelie sa nahihirapang kalagayan, dahil bilang itinakda sa akin ay hindi ko gustong mag alala siya.

Bata pa lamang ako ay dinadala na ako sa mga kilalang magagaling na babaylan ngunit iisa lang ang kanilang sinasabi...

Walang lunas ang sakit kong ito.

Kaya't walang araw na hindi ipinaramdam sa akin ni ama ang pagmamahal niya. Siya na rin ang tumayong ina sa akin.

Natigilan ako sa paglalakad ng mapahawak sa dibdib ko, muli na namang kumikirot ito na para bang tinutusok.

Kailangan ko na talagang makauwi at makapagpahinga.

Nagpatuloy ako sa paglalakad at muli ring natigilan ng makita ko ang isang alitaptap. Senyales na may mangyayari.

Dalawa lang ang ibig sabihin nito, isang masama o isang mabuti.

Nakarinig ako ng sigawan mula sa mga bampirang kanina lang ay nagkakasiyahan. Na siyang naging sagot sa hinuha ko.

Babalik na sana ako sa pagdiriwang upang tingnan ang nangyayari sa mga bampirang iyon ngunit nananatili ang tingin ko sa alitaptap at may nagtutulak sa akin na alamin ang nais ipakita nito.

Ngunit hindi ko malalaman kung mananatili ako sa kinatatayuan ko kaya't agad akong pumasok sa loob ng palasyo.

Tumigil ang alitaptap sa tapat ng isang malaking pinto. Sa itsura palang nito ay siguradong hindi basta basta ang nagmamay ari nito.

Nasa likod ng pintong ito ang nais ipakita sa akin ng alitaptap na ito.

Kaya't buong tapang ko itong binuksan at isinawalang bahala ang patuloy na pagkirot ng puso ko.

Unang kita ko pa lamang sa loob ay agad nanlaki ang mata ko ng makilala kung sino ang babaeng nasa ibabaw ng kama na ngayon ay dumudugo ang leeg at walang malay.

Ang amoy ng dugong iyon...Isang tao si Isabella.

Ngunit mas lalo akong natigilan ng makilala kung sino ang lalaking nakapatong sa kanya na may hawak na punyal at kasalukuyang umiimom ng dugo mula sa leeg ni Isabella...

Haring Emerson

Her Human BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon