Chapter 11

8K 247 2
                                    

Isabella

Nakatulala ako habang malalim ang iniisip.

Paulit ulit kong naririnig sa isipan ko ang mga salitang iyon.

"You're my mate Bella."

It make sense now

Dalawang beses na nyang natikman ang dugo ko. Alam kong sa oras na malaman niyang isa akong tao ay maaari akong mamatay sa lugar na ito.

Kaya ba hindi niya ako pinatay ay dahil ako ang nakatakda sa kanya?

Eh paano kung hindi?

"I still won't kill you even if you aren't." Sambit ng Prinsipe Alexus matapos lumabas ng kanyang palikuran.

"Magbihis ka Bella. Inaantay na nila tayo." Pahabol niya.

Inaantay?

Ng mapansin nyang naguguluhan ako ay huminga sya ng malalim saka nagsalita.

"Ilang araw na tayong hindi lumalabas sa kwartong ito. Inaantay na tayo ng inang reyna, amang hari, pati na rin ng mga kapatid ko."
Nanlaki ang mata ko

"I-Ilang araw?"

Paniguradong hinahanap na ako ni lola Feli!

"Wag kang mag alala. Alam niyang nandito ka. Sinabi niyang mas mainam na dito ka mamalagi dahil nanganganib ang buhay mo" sambit niya ng basahin ang iniisip ko.

Tumingin ako sa kanya ng matalim.

"Matagal mo na bang binabasa ang iniisip ko?" Naiinis ako dahil pakiramdam ko ay wala akong privacy.

Lumapit sya sa akin at mabilis na nagnakaw ng halik sa pisngi ko.

Pinamulahan ako ng mukha at tumingin sa kanya ng masama.

"Hindi lingid sa kaalaman kong pinagpapantasyahan mo ako" yun lang at lumabas na siya ng kwarto.

Pinagpapantasyahan? Hindi naman masyado.

Iwinaglit ko ang naiisip.

"I'll wait for you downstairs. Please make it fast, they're waiting for us."
__________

Gaya ng sinabi nya ay nagbihis ako. Nakakita ako ng dalawang cabinet.

Binuksan ko ang isa at nagulat akong pambabae ang damit dito.

Ito siguro yung mga damit na naiwan ng mga babaeng dinadala ni prinsipe Alexus dito sa kwarto niya.

Isinawalang bahala ko nalang ito at isinuot. Mas mainam na to, kaysa wala akong gamitin.

Lumabas ako ng kwarto ng prinsipe.

Sobrang nakakamangha ang lugar na ito. Lahat ng makita ko ay siguradong sumisigaw ng kayamanan.

Pababa na ako ng hagdan ng makita ang prinsipe na nag aabang sa akin sa dulo nito.

Tumitig siya sa akin habang binubuksan ang tatlong butones ng pang itaas nya.

Sumilip ang matitipuno niyang dibdib.

Kamuntik pa akong madapa, buti nalang ay nakahawak ako sa railings ng hagdan.

Pansin ko ang pagtaas ng sulok ng labi niya.

Halatang natutuwa sa naging reaksyon ko.

Sinalubong niya ako at inilahad ang kanang kamay sa akin. Hindi ko sana tatanggapin kaso ay kinuha niya ang kaliwang kamay ko at hinawakan ng mahigpit.

Sinamaan ko siya ng tingin.

Pansin kong nagbalik na ang mapaglarong prinsipe.

Nagtuloy kami sa paglalakad hanggang sa makarating sa hapag kainan.

Nanlaki ang mata ko ng makita ang hari at reyna pati ang mga prinsesa't prinsipe.

Mukhang kami nalang ang hinihintay.
Natigil sila sa kani kanilang pag uusap ng maramdaman ang aming pagdating.

Binalot ako ng kaba lalo na sa presensya ng tinitingalang hari at reyna.

Lumuhod kami upang magbigay galang, hindi ko namalayan na nanginginig ang tuhod ko.

Inalalayan ako ng prinsipe Alexus tumayo at nagdiretso sa upuan na nakalaan para sa amin.

Ngunit bago kami umupo ay nagsalita siya.

"Amang hari, Inang reyna at mga kapatid ko. Siya si Bella, ang babaeng itinakda sa akin" ngayon ay nalipat ang tingin nila sa akin.

Bahagya akong ngumiti kahit kinakabahan.

Nagulat nalang ako ng may biglang humawak ng kamay ko at dinala ito sa kaniyang labi.

"Nice to finally meet you Bella" sambit ng prinsipe Alexander.

Hindi pa man ako nakakahuma ng ibigay niya ang kamay ko kay prinsipe Gabriel at hinalikan din ito.

"Masaya akong makilala ka magandang binibining nag ngangalang Bella" at binigyan niya ako ng isang matamis na ngiti.

Pinamulahan ako ng mukha.

Tumayo ang prinsesa Amelie at niyakap ako saka ngumiti.

Ganun din ang ginawa ng prinsesa Agatha ngunit pansin kong pilit lang ang kanyang ngiti.

Pilit nga ba o ganito talaga siya?

Naalala ko kasing siya ang nakakita sa akin ng sinampal ko si prinsipe Alexus noon na ang katumbas ay kamatayan.

Nakarinig ako ng tikhim at agad natauhan ng makita ko ang reyna sa gilid ko at agad itong yumakap sa akin.

"Ang swerte ni Alexus dahil napakaganda ng babaeng itinakda sa kanya. Sigurado akong magiging napaka ganda o gwapo ng magiging anak ninyo." Natulala ako sa narinig ngunit ngumiti pabalik.

Gaya kanina ay may humawak na naman sa kamay ko saka humalik at ng ibaling ko ang tingin dito ay agad akong natauhan.

"M-Mahal na Hari" kandautal na banggit ko. Nakapanlalambot ng tuhod ang kaniyang presensya.

"Ikinalulugod kong makilala ang magandang babaeng itinakda sa aking anak." Sambit ng hari saka bumalik sa kaniyang upuan.

Hindi ko alam ang aking sasabihin dahil hindi ko naman inaasahan na ganito kainit ang magiging pagtanggap nila sa akin sa kabila ng katotohanan na isa akong tao na maaaring magpahamak sa kanila.

"Ikaw ay parte na ng pamilyang ito. Gagawin namin ang lahat para protektahan ka" sabi niya sa aking isipan at naramdaman kong may humawak ng kamay ko sa ilalim ng mesa.

"Salamat" saka ako ngumiti ng totoo sa kanya sa kauna unahang pagkakataon.

Ngumiti rin siya pabalik.

Kung may makakakita sa amin ay iisipin na inlove na inlove kami sa isa't isa.

"Looks like the lovers are having their secret conversation" sambit ni Alexander.

"Our brother is so inlove" ani Gabriel.

Sinasabi ko na nga ba.

Pansin kong sinamaan ng tingin ng Prinsipe Alexus ang kanyang mga kapatid.

Ako naman ay nagpatuloy sa pagkain.

Patapos ng kumain ang lahat ng magsalita ang hari na siyang pumukaw ng aming atensyon.

Diretsong tumitig ang hari sa akin na nagbigay sa akin ng panibagong kaba.

"Bella nais kong sabihin na alam namin ang iyong totoong pagkatao. Gusto ko sanang ikaw ay dito na manatili para sa iyong kaligtasan. Hindi rin lingid sa iyong kaalaman na nanganganib ang iyong buhay ngunit hindi ka namin pababayaan."
Mahabang sambit ng hari.

Hindi na ako nagulat ng malamang alam na nila ang totoo kong pagkatao. Hindi sila basta basta bampira.

Kung sa bagay ay ayos lang naman sa aking dito manatili dahil alam kong nasa likod lang ng palasyo si lola Feli at maaari ko siyang puntahan ano mang oras.

At isa pa, marami pa akong kailangang malaman sa mundong ito.

Her Human BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon