Chapter Five
Jema's
"Good morning!" Masayang bati ko sa mga taong nasa hapag kainan ng kusina namin.
Agad ko silang beneso isa-isa bago umupo sa nakalaang upuan para sakin.
"Kung makabati akala mo walang kasalanan kagabi ah?" Pinanglakihan ko ng mata si Mafe.
Sermon lang naman ang inabot ko kagabi pero sabi nga ni Papa, buti nalang at mababait ang mga tao dito at si Deanna naman daw ang kasama ko.
Pero syempre, nag-aalala parin si Papa kasi may mga dayo daw na nagagawi dito at yun daw ang dapat namin iwasan ni Mafe.
Nasabi rin nya na, si Deanna din daw ang naghatid sakanya kahapon nung naligaw sya.
Ang bait talaga ng babaeng yun, pinagpalit ang trabaho nya sa bukid para lang tulungan ang kapatid ko.
"Ahm, Papa. Pwede ko bang hiramin yung owner jeep natin?"
"Bakit?" Takang tanong ni Papa.
"Pupunta lang sana ako sa bayan, may mga bibilhin lang ako."
"Sama ako ate!" Singit ng pangit kong kapatid.
"Hindi na, kasama ko si Deanna," mabilis na tanggi ko.
"Yung anak ko po?" Napatingin kami kay manang Judin galing ito sa may dirty kitchen at may dalang fried rice.
"Pero may trabaho po sya sa bukid," sabi nya ulit.
"Hindi sya naka-ani kahapon dahil hinatid nya si Mafe dito sa bahay," sabi naman ni Papa.
"Hala?" Napasigaw pa si Mafe.
"Alis kasi ng alis tapos hindi naman pala marunong umuwi mag-isa."
"Sorry naman ah? Yung isa kasi dyan, hindi manlang marunong mag-ayang mamasyal gusto magsolo lang," sabay irap nya sakin.
"At least ako hindi naka-perwisyo ng iba."
"Tama na yan. Nasa harapan ng pagkain, nagbabangayan na naman kayong magkapatid," singhal samin ni Mama.
Inismiran muna namin ni Mafe ang isa't isa bago bumalik sa pagkain.
"Magandang umaga po," bati ni Deanna na kakapasok lang sa bahay namin.
Awtomatikong napangiti ako sakanya.
"Magandang umaga rin huja, halika't kumain na muna kayo," aya ni Mama kay Deanna.
"Hindi na po, nag-agahan na rin po kami sa bahay" tanggi nya.
Siguro yung kamoteng niluto nya kagabi yung kinain nila, kasi hindi naman sila nakapag-hapunan di ba?
"Halika, Ava." Tawag ko kay Ava, agad naman syang tumingin kay Deanna, mabilis namang umiling si Deanna sa pamangkin nya.
Tumayo ako at lumapit sakanila hinawakan ko ang kamay ni Ava at dinala pabalik sa lamesa.
Pinaupo ko sya sa tabi ng upuan ko, "wait lang kukuha lang ako ng plato."
"Ako na po mam Jessica," pigil sakin ni manang Judin sakin.
"Ako na po manang maupo na po kayo dyan. Ikaw din Deanna, halika na dito."
Pero hindi sya kumilos kaya bumalik ako sa kinaroroonan nya at hinatak sya palapit sa lamesa kung nasaan nandun narin si Ava at Nanay nya.
Wala na syang nagawa kundi umupo sa tabi ni Ava at ganun din naman si manang Judin.
Kumuha ako ng tatlong plato at binigay ko sa mga ito.
BINABASA MO ANG
Saranggola
Fanfiction"kung kamangmangan man ang pagmamahal, pwede mo ba akong turuan?" Basahin po muna sa Realismo, bago umpisahan basahin dito 😊 thanks!
