Chapter Nineteen
Deanna's
"Nasaan na ba yun?" Kagabi ko pa hinahanap yung papel kung saan nakasulat ang numero ni Luigi, pero hindi ko makita.
"Deans, halika na. Malelate na tayo" tawag ni mam Jema sa labas ng kwarto. Pinagbuksan ko sya ng pinto, "oh. Bakit ganyan mukha mo?"
"Hindi ko mahanap yung numero ni Luigi, nakita mo ba?"
Napaiwas ng tingin sakin si mam Jema, "hindi.... hindi naman ako pumapasok sa kwarto mo."
Huminga ako nang malalim.
Yung kaisa isang bagay na makakapagpaumpisa sa paghahanap ko sa ate ko, nawala pa.
"Tara na, kain na tayo." Hinawakan ni mam Jema ang kamay ko. Lumakad sya pababa ng hagdan, hila hila ako.
---
"Wag kang sasama kung kanikanino ah? Kapag may problema tawagan mo ko, nandyan lang ako sa kabilang building. 'Wag magpasaway Deanna, ah?"
Bilin ni mam Jema pagkababa palang namin ng sasakyang tinatawag nyang taxi sa tapat ng bakuna ng eskwelahan kung saan ako papasok.
"Oh. Sige, na. Galingan mo, sunduin nalang kita dito mamayang uwian. Kapag may time ako sasabayan kita maglunch."
"Wag mo kong masyadong alalahanin mam Jema, sa trabaho mo lang ituon ang isip mo. Lahat ng bilin mo ay susundin ko," ngumiti ako. "Syang magkamali ay pipingutin ko."
Natawa sya at pinisil ang pisngi ko, "loko ka rin pala."
"Kaya ko na po ang sarili ko, kung ano man ang kinakatakot mo. Hindi ko yun gagawin."
"Thank you, Deanna!"
"Ako nga dapat magpasalamat, eh. Maraming maraming salamat, Jema."
Ngumiti sya, "pasok ka na. Aalis narin ako," tumango ako at kumaway sakanya.
Nakaramdam agad ako ng pagkabog ng aking dibdib pagtapak pa lamang ng aking paa sa entrada ng paaralang ito.
Huminga ako nang malalim, "kaya mo 'yan Deanna." Tinignan ko ang numerong nakasulat sa papel na binigay sakin ni mam Jema...., Jema.
Gusto ko syang tawaging Jema.
Ito raw ang hahanapin ko, numero daw ito ng magiging silid aralan ko.
"Deans?" Sinundan ko ng tingin ang boses na tumawag sa akin.
"Mam Mitch?" Galak na saad ko nang makita ko sya.
"Estudyante ka dito?" Galak na sabi nya, tumango ako at lumapit sakanya.
"Hinahanap ko ang silid na ito," tinignan ni Mitch ang hawak kong papel.
"First level? Basic learning. Malapit lang to. Tara, sabay na tayo. Dun rin ako patungo," sabi ni Mitch.
"Talaga?" Tumango sya at hinawakan ang kamay ko sabay hila sakin.
Noong nasa baryo palang kami tuwing hinahawakan nya ang kamay ko.
Labis akong natutuwa pero ngayon, tila hindi ko na yun maramdaman.
Tila ba nasanay nalang ako sa presensya nya at wala ng kakaiba pa.
"Upo kana dun, Deans." Turo nya sa bakanteng upuan sa bandang dulo.
Tinignan ko ang mga taong nakaupo sa silid na ito.
Karamihan sakanila kung titignan mo, mas matanda pa sakin.
BINABASA MO ANG
Saranggola
Fanfiction"kung kamangmangan man ang pagmamahal, pwede mo ba akong turuan?" Basahin po muna sa Realismo, bago umpisahan basahin dito 😊 thanks!
