Epilogue
D's
"Mali!!!!" Napitlag ako sa pagsigaw ni sir. Jesse.
"Ilang linggo pa ba ang kailangan para matutunan mo iyan?" Bulyaw nyang muli.
"Pasensya na po, sobrang nalilito lang po ako sa dami ng makinang narito!"
"Paghugas at pag-giling palang ng palay 'yan, hindi ka pa nakakarating sa paghihiwalay ng iba't ibang uri ng bigas nahihirapan ka na!"
Kumamot muna ako ng ulo bago ulitin ang paggiling sa palay gamit ang makina at isang malakas na bulyaw na naman ang natanggap ko......
"Tangi!" Halos mangiyak-ngiyak kong sambit kay Jesicca sa kabilang linya.
"Ginisa ka na naman ni Papa?" Natatawang saad pa nya.
"Ayoko na sa pabrika ng bigas gusto ko ng bumalik sa bukid!"
"Babyloves, naman. Akala ko ba kakayanin mo for me?"
Napabuntong hininga naman ako, "ang hirap eh! Wala namang akong alam sa ganun tangi, pagbubukid lang alam ko, eh!"
"Trust me Love, worth it lahat 'yan, kayanin mo for me please?"
"Ano pa nga ba? Haysss. Nasa bahay ka na ba? Kumain ka na ng hapunan?"
"Yes, po. Ikaw ba?" Humiga ako sa mahabang kawayang upuan sa silong ng kubo ko.
"Tapos narin. Miss na kita, tangi!"
"I miss you too, love. Hayaan mo, ilang buwan nalang naman christmas break na. Magkikita na tayo!"
"Ang tagal pa, tatlong buwan na kitang hindi nakikita," nakangusong saad ko.
"Ayaw mo kasing sumama sakin, eh! Tapos ngayon nagmumukmok ka d'yan!"
"Jessica naman, alam mo namang hindi ko kayang iwan si Ava at si Peter, eh!"
"Oo na nga, po. Alam ko naman. Kaya nga, please! Magtyaga muna tayo ah? Umpisa palang to ng LDR natin, ilang taon pa ang hihintayin natin para magkasama na talaga tayo."
"Kapag tapos kana ng masters mo? At principal kana dito?"
"Yes, po!" Malambing na saad nya.
"Jessica, kapag ba principal pwede ng magkarelasyon ng kapwa kasarian?"
Natawa sya, "s'yempre hindi rin! Pero hindi ko naman kailangan ipalandakan ang personal na buhay ko diba?"
"Ibig sabihin?"
"Sorry, Deans!"
Huminga ako nang malalim, "ayos lang naiintindihan ko!"
"Sure ka?"
"Hmmm!" Tumango ako, "kahit magpanggap pa kayo ulit ni sir Cy para lang pagtakpan ang relasyon na....."
"Hindi ko na 'yum gagawin, pangako! Ayoko na ulit ulitin ang pagkakamali ko noon, Deans. Hindi na kita ulit sasaktan, promise! Ah?"
"Naiintindihan ko naman, tangi. Pangako ko rin sayo na hindi na ko magdedesisyon na mag isa, hindi na kita pag-dududahan pangako 'yan."
"Kasalanan ko rin naman kung bakit ka laging nagdududa sakin. Promise, hindi ko na 'yon uulitin, lalo pa ngayong LDR tayo. Mas mahirap ang mag gain ng trust ngayong magkalayo tayo."
"Nagtitiwala ako sayo tangi, kasi mahal kita! At kapag mahal mo magtitiwala ka kahit hindi mo pa nakikita. Dahil ang sekreto ng matatag na samahan ay nasa pagtitiwala na kahit kailan hindi ka kayang saktan ng mahal mo!"
BINABASA MO ANG
Saranggola
Fanfiction"kung kamangmangan man ang pagmamahal, pwede mo ba akong turuan?" Basahin po muna sa Realismo, bago umpisahan basahin dito 😊 thanks!
