Chapter Thirty-Five
Jema's
Napangiti ako. Magkatabing natutulog sa sofa si Deanna at si charlie, mukhang magkasundo na sila.
Lumapit ako sakanila, si charlie ang unang nakarecognized sakin dahil nagising sya.
Mabilis syang sumampa sa hita ko nung umupo ako sa tabi ni Deanna.
"Wow, close na kayo ni Papsy mo ah?" Natatawang sabi ko.
Ayaw na ayaw pa naman ni Deanna na pinapatawag ko syang ganun kay Charlie dahil anak daw namin to ni Cy.
Pero wala naman syang magawa kapag tinatawag ko syang Papsy na parang ako si charlie, hehehe.
Binaba ko si charlie pagkatapos ko itong pang-gigilan tapos si Deanna naman ang binalingan ko ng attention.
Hinalikan ko ang labi nya, paulit-ulit kong hinahaplos ang pisngi nito.
Nagiguilty parin ako sa mga nangyari ngayon sa school, sobrang unfair ko sa girlfriend ko.
Pero wala akong lakas ng loob para itama ang lahat ng pagkakamaling yun.
"Hmmmm," nagising ko ata si Deanna, mabagal nyang minulat ang kanyang mga mata.
"Tangi. Nandyan kana pala," umupo sya, "kumain kana ba? Kaen na tayo!"
"Hindi ka pa ba kumakain? Hindi kayo kumain ni Chiara?"
Umiling si Deanna, "papasok narin kasi sya sa trabaho kaya hindi na kami nakakaen."
"So, di ka pa nga nagdidinner. Teka, magluto lang ako ng ulam."
"Wag na. Mukhang kumain ka naman na, eh. Ginabi ka kasi."
"Nagkaayaan kasi ang mga co-teachers kong kumain sa labas," actually, nakatyawan lang kami ni Cy.
Kasi nga, akala nila monthsary talaga namin tapos ang mokong, feel na feel at tuwang tuwa pa. Ayon napagastos sya ng bongga.
"Pero kakain nalang ulit ako kung gusto mong may kasabay."
Tumayo ako pero hinila nya ko paupo sa hita nya.
"Wag ka ng mag-abala. Nagmeryenda naman ako, eh. Hindi ako gutom."
Natawa ako kasi laging syang nagrereklamo na gutom sya, pero ngayon hindi daw sya gutom.
Hinaplos ko ang pisngi ni Deanna, "ilang araw nalang exam mo na at ilang araw nalang, uuwi kana. Iiwan mo na ko." Malungkot na sabi ko.
"Pwede bang dito ka nalang? Wag ka ng umalis? Please wag mo kong iwan."
Nagulat ako nung tumango si Deanna, "babalik ako. Gusto ko lang makita sila Nanay para masabi ko narin sakanila ang nangyari kay ate."
"Talaga?" Hindi makapaniwalang sabi ko, feeling ko maiiyak din ako.
"Gusto kong tapusin ang pag aaral ko Jema, gusto kong baguhin ang buhay ko para sayo."
"Para maipagmalaki mo ko, para kahit konti maging bagay ako para sayo."
Niyakap ko sya, hindi ko narin napigilan ang pagbuhos ng luha ko.
"Salamat, tangi. Salamat kasi nagbago ang isip mo, salamat kasi ipagpapatuloy mo na ang pag-aaral mo."
Kinalas nya ang yakap ko sakanya at tinuyo ang luha ko.
"Para sayo lahat ng 'yon tangi, kasi mahal na mahal kita."
Umagos na naman ang luhang katutuyo nya lang.
BINABASA MO ANG
Saranggola
Fanfiction"kung kamangmangan man ang pagmamahal, pwede mo ba akong turuan?" Basahin po muna sa Realismo, bago umpisahan basahin dito 😊 thanks!
