14

2K 110 9
                                    

Chapter Fourteen

Jema's


"Good morning!" Bati ko kay Deanna na pababa sa hagdan namin.

Gulo-gulo pa ang buhok nitong lagpas tenga, mala F4 pala tong si Deanna hahaha.

Hindi ko talaga napapansin yung buhok nya, kasi laging nakatago ng sombrero, bonet at hat na pang bukid.

Nung natulog naman ako sa kubo nya, di ko rin napansin kasi nga madilim nun.

Ngayon ko lang talaga nakita si Deanna na walang nakaharang sa ulo nito.

Lalo rin lumitaw ang pagiging cute ng mukha nya kahit pa may muta at laway pa 'to, hahaha.

No ba yan! Dami ko na naman napapansin.

"Tara, kain na tayo. "Sabi ko. "Nakatulog ka ba ng maayos?" Parang kulang sa tulog ang itsura nya.

"Namamahay," tipid na sabi ni Deanna.

Halata ngang nakaidlip lang sya..... usually kasi, maaga 'yan nagigising, ganun naman kapag farmer di ba?

Madilim palang naghahanda na para magtrabaho sa bukid.

Pero ngayon, inabutan na sya ng pagsikat ng araw.

"Sa umpisa lang 'yan, masasanay ka rin."

Napansin kong parang may hinahanap sya sa lababo.

"Maghihilamos ka ba?" Tanong ko, tumango sya.

"Pwede bang makahirap ng tabo?" Sabi nyang nagpatawa sakin. Hindi na 'yan uso dito sa siyudad.

Hinila ko si Deanna papasok sa banyo at dinala sa sink.

"Dito ka maghihilamos at magtotoothbrush. Heto ang sabon sa mukha, toothpaste at toothbrush" at pinakita sakanya lahat ng sinabi ko. "Don't worry, bago pa 'yang toothbrush. Wala pang gumagamit," nginitian ko sya.

"Mamaya na po ko magsisipilyo pagkatapos ko maligo."

"Huh? Bakit? Ibig sabihin ba kapag naliligo ka lang nagtotoothbrush?"

Bahagya syang tumungo, "minsan kasi nauubusan kami ng asin. Kailangan namin magtipid," kumunot ang noo ko. Anong kinalaman ng asin?

Teka,..... yun ba ang ginagawa nilang toothpaste?

Sabagay mabula rin naman yun at nakakatanggal talaga ng bacteria.

Napangiti at napailing nalang ako.

"Kailangan mo ng sanayin ang sarili mo na magtootbrush ng tatlong beses sa isang araw."

"Sa umaga pag-gising, sa tanghali pagkatapos kumain at sa gabi bago matulog."

"O kung gusto mo, kumain ka muna ng almusal bago magtoothbrush, pwede yun."

Hinila ko si Deanna papasok sa shower.

"Wala kaming tabo dito kaya maliligo ka na parang naliligo sa ulan."

Pumitlag sya nung binuksan ko ang shower at bumuhos tubig sa dutsa nito.

"Wow!" Manghang usal ni Deanna, napangiti na naman ako.

Ano ba yan......., para akong nag-aalaga ng bata..... pero damulag na hahaha.

Hinila ko ulit si Deanna pabalik sa sink, "sige na. Maghilamos ka muna, ito ang towel para sa mukha." Inabot ko sakanya ang towel na nakasabit sa lagayan nito.

Tumango lang si Deanna, lumabas na ko ng banyo.

Kung mga gantong simpleng bagay palang, hindi nya alam?

SaranggolaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon