38

2.5K 109 3
                                    

Chapter Thirty-Eight


Deanna's

"Anak, gising na." Sigaw ni Nanay mula sa silong ng kubo.

"Bakit po nandito kayo?" Paos na tanong ko sakanya.

"May nagpasama lang sakin, halika na't lumabas ka na dyan."

Bumalikwas ako sa pagkakahiga sa banig.

Mabilis akong tumayo.

Muntik pa kong mauntog sa pinto ng kubo sa pagmamadali ko.

Pero lahat ng galak na nararamdaman ko nawala nung makita ko ang babaeng nakaupo sa mahabang kawayang upuan namin sa tabi ng lamesang kawayan rin.

"Good Morning!" Masiglang bati nya.

"Ang aga mo naman," matipid akong ngumiti sakanya.

"Para maaga rin kitang masilayan," nakangiting tugon nya.

Napakamot ako sa ulo.

"Hahaha, joke lang. Eto naman, 'di na mabiro."

Ngumiti lang ako sakanya.

"Nasaan pala si Ava, Nay?"

"Tulog pa, dadalhin ko nalang rito mamaya."

"Hindi na po. Ako na kukuha," bakasyon na ngayon kaya sa akin na muli titira si Ava.

Ganun kabilis lumipas ang mga araw ng hindi ko namamalayan.

Nang umuwi ako dito, pilit kong kinuha si Nanay at Ava sa mga Galanza.

Subalit hindi pumayag si Nanay kahit pa sinabi ko na ang nangyari kay Ate at may malaking kinalaman si sir Jesse dun.

Pinili parin nito na manatili sa bahay na yun at ipagpatuloy ang pag-aaral ni Ava.

Si Ava, hindi kami sigurado kung apektado ba sya sa nangyari sa Mama nya.

Umiyak sya.... ,umiyak sya sa pagkadismaya na hindi ko naibalik si ate sakanya.

Pero isang araw lang yun, kinabukasan parang naging ayos na sya na parang walang nangyari.

Parang mas nasaktan pa nga sya sa pagkawala ni Kat kesa sa mama nya.

Hindi ko alam kung anong totoong nararamdaman ni Ava, pero pinangako ko sa sarili ko na nandito lang ako aalalayan ko sya....

"Pwede kaya akong mag-turo dun sa maliit na kubo na ginawang silid aralan sa likod bahay nila sir Jesse?"

Naglalakad na kami ni Mitch pababa ng bundok.

Nagpasama sya sakin libutin ang baryo namin para sabihing mag uumpisa na ulit syang magturo sa mga bata.

"Hindi ako sigurado, pinagawa nya kasi yun para sa anak nya."

"Gusto mo, kausapin mo? Upang makapagpaalam ka?"

"Pwede bang ikaw nalang nahiya ako, eh."

Napangiti ako, para kasi syang bata nung sinabi nya 'yon.

Hinawakan ko ang kamay ni Mitch upang alalayan sa mabatong dinadaanan namin.

"Simula kasi nung bumalik ako rito, hindi na ko nakipag usap kay sir Jesse o kay mam Fe." Kamot ulo kong tugon sakanya.

"Tungkol parin ba 'yan sa nangyari sa ate mo?" Umiling ako.

"Nasaktan ko ang anak nila, hindi ko tinupad ang binitawan kong salita kay sir Jesse."

"Ikaw kasi." Pinalo ni Mitch ang braso  ko, "nagsinungaling ka pa." Pinanglakihan nya ko ng mata, "at ginamit mo pa ko."

"Bakit? Totoo namang gusto kita at gusto mo ko, hahaha."

Siniringan nya ko, "gusto mo ko dati pero si Jema na ang mahal mo."

"Matagal na 'yun, baka nga nakalimutan na ko nun, eh."

"Pero ikaw? Nakalimutan mo na ba sya?"

Ngumiti ako, "saglit ko lang nakilala si Jema, saglit ko lang sya nakasama. Pero sobrang hirap nyang kalimutan. Dumaan ang pasko, iniisip ko kung may kasama ba sya dun? Nung bagong taon? Walang araw na hindi ko sya naiisip."

Mahabang katahimikan ang namayani sa aming dalawa.

"Panigurado masaya na si mam Jema sa piling ni sir Cy."

"Di mo sure," natatawang saad nya.

Ngumiti ako at tinignan si Mitch.

Tumingin sya deretso sa mata ko, "ilang beses pumasok sa isip ko na igive up ang career ko para sayo."

"Huh?" Tila nagulat ako sa tinuran nya.

"Simula nung bumalik tayo dito, palagi yung sumasagi sa isip ko."

"Alam mo yun? Gusto mo naman ako dati di ba?"

"Baka bumalik ulit yung pagkagusto mo sakin at makalimutan mo na si Jema." Huminga sya nang malalim "pero sobrang hirap kasi manimbang."

"Lalo na kapag nakikita ko si Nanay na nagtitinda parin sa bayan."

"Marami pa kong pangarap para sakanya at tanging pagtuturo ko lang ang nakikita kong makakaginhawa samin sa hirap."

Huminto ako sa paglalakad at hinarap si Mitch.

"Sundin mo lang kung ano sa tingin mo ang tama at sa tingin mo magpapasaya sayo."

"Kung hindi lang panglife time na trabaho 'tong teacher, hindi ko naman ito kukunin, eh."

"Naging partikal nga ako, hindi ko naman mapili yung totoong magpapasaya sakin."

"Bakit hindi ka ba masaya sa pagtuturo?"

"Masaya kaya, passion ko to, eh. Kaya lang....-" bumuntong hininga sya. "Mas masaya parin kung may nagpapasaya sakin."

Nginitian ko sya, "makakatagpo ka rin ng kapantay mo na hindi mo na kailangang isakripisyo ang trabahong nagpapasaya sayo."

"Alam mo, kung kapantay ko lang ng buhay si Jema. Magtuturo nalang ako dito sa baryo natin. Magagawa ko yung passion ko tapos mapipili ko pa yung taong gusto ko."

Napalunok ako bago nagsalita, "kung kaya mo man isakripisyo ang lahat sakin ngayon. Hindi ko rin alam kung kaya kong ibalik ang pagmamahal mo sakin."

Ngumiti sya, "alam mo, ang drama na. Tatanghaliin tayo nito, eh."

Tumawa kami pareho bago nagpatuloy sa paglalakad.

"By the way, baka next school year mag-uumpisa na ang ALS Center sa bayan. Kukuha ka pa ba ng level two?"

Umiling ako.

"Ayos na saking natapos ko ang level one. Marunong na kong magbasa at magsulat. Ayos na yun sakin."

"Yung nakikita kong nakasabit yung papel na tanda ng pinaghirapan namin ni mam Jema," nakangiting saad ko.

"Sayang naman. Ang kagandahan kasi sa ALS kahit basic learning lang sya, pero kapag tinapos mo may chance kang makahanap ng trabaho."

"Basta mag aaral ka rin ng tesda, basic skills naman ang pagbabasihan dun."

"Pero kung knowledge at professional work talaga ang gusto mo kailangan mo makipag-sabayan sa mga mas bata sayo."

"Papasok ka ng regular mula elementary, high school at college."

"Matagal na proseso plus may K12 pa, baka uugod-ugod ka na kapag natapos ka, hahaha."

"Kaya nga may ALS na, eh. Para sa mga katulad nyong hindi naexperience ang pag-aaral nung bata pa."

"At salamat din sa mga katulad mo, dahil kahit papano may nagtuturo dito sa baryo natin."

"Buti hindi ka napapagod? Nagtuturo ka sa bayan buong taon tapos sabado't linggo nandito ka. Kapag bakasyon, buong araw at linggo kang nandito para magturo."

"Ganun talaga kapag masaya ka sa ginagawa mo plus may nagpapasaya pa sayo dito, hahaha." Kinurot ni Mitch ang pisngi ko.

Ngumiti nalang ako at hinawakan ang kamay nya. Siguro kung dati pa sya nagpahiwatig ng nararamdaman sakin, nung mga panahong gusto ko pa sya. Siguro, tataya at susugal rin ako sa pag-ibig nya.

SaranggolaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon