Chapter Sixteen
Jema's
"Yes, Ma. Pakitanong kay Nanay Judin, lahat ng detalye sa birth certificate ni Deanna. Aasikasuhin ko sa NSO bago mag-umpisa ang klase."
"Sigurado ka bang pag-aaralin mo si Deanna, anak?"
"Libre lang naman ang ALS Ma, proyekto yun ng gobyerno kaya walang bayad."
"Sa ganun paraan ko lang sya lubos na matutulungan ma, para mahanap ang ate nya. Paano sya sasabak sa siyudad kung wala syang ka-alam alam di ba?"
"Yun lang ba talaga ang dahilan Jessica?"
"Ma, naman. Wala din naman masama dun di ba? Porke ba mang mang si Deanna, hindi ko na sya pwede magustuhan?"
Tinignan ko si Deanna, busy ito sapagkulay sa coloring book.
Napangiti ako sa excitement na pinapakita nya habang kinukulayan nya 'yun.
"Mabait naman si Deanna, may mga katangian sya na di mahirap magustuhan sakanya."
"Baka natutuwa kalang sakanya, anak. Nakakatuwa naman talaga ang batang yan," natutuwa? Eh nakaramdam nga ko ng inis sa paguusap lang nila nung labanos mustasa na yun?
Halata namang may gusto rin ang babaeng yun kay Deanna.
Hindi ko tuloy napigilan ang sarili kong matarayan ang babaeng yun.
"Hindi rin ako sure kung ano nga ba ang nararamdaman ko sakanya, Ma. Pero wala din naman masama kung alamin ko di ba?"
"Kalimutan mo nalang yan anak, mahihirapan ka lang. Ayaw sakanya ng Papa mo."
"Ako naman ang makikisama kay Deanna, ma. Hindi naman si Papa. Ayaw nya lang kay Deanna kasi babae at walang pang pinag-aralan, napaka-judgemental nya, Ma."
"Hindi mo naman masisisi ang Papa mo anak. Ang gusto nya lang ay ang makakabuti sa mga anak nya. Iniisip ka lang nya anak, Ayaw ka lang nyang mahirapan."
"Kung nung college ka hinayaan lang kita makipagrelasyon kay Fhen kahit babae sya, iba na ngayon. Teacher ka na at alam mong bawal yan sa profession mo."
Napahinga ako nang malalim, "hindi naman nakabase sa pagkatao ko ang pagtuturo ko, ma."
"Pero hindi lahat ng tao, yun ang nasa isip anak."
"Ma, tulad nga ng sabi ko. Ako naman ang makikisama at hindi naman sila."
"Hay, bahala ka na nga dyan anak. Ang tigas talaga ng ulo mo. Wala naman akong magagawa kundi suportahan ka dahil anak kita at mahal na mahal pa."
Ngumiti ako.
"I love you too, Ma!"
"Oh, siya. Mag-iingat kayo dyan ni Deanna, si Mafe titignan mo parin ah? Dadalawdalaw naman ako dyan. Sige na, babye na."
"Opo Ma, babye po! Kayo rin po ni Papa, mag-ingat kayo dyan."
Umupo ako sa tabi ni Deanna pagkababa ko ng tawag ni Mama.
"Tapos ka na ba sa pinapasulat ko sayo kaya nag-eenjoy ka ng magcolor dyan?"
"Pagod na ko eh." Nakangusong saad nya.... hahaha para talaga syang bata.
"Pangalan mo palang ang pinapasulat ko sayo, pagod ka na? Paano kapag pumasok ka na? Mas marami kang babasahin at susulatin dun at hindi ka pwedeng magreklamong pagod ka na."
Huminga sya nang malalim at nilabas ang long pad paper kung saan nya sinusulat ang whole name nya.
Jusko, parang kinahig ng manok bali-baliko pa..... Malamang Jemalyn, halos ngayon pa nga lang nagsusulat yung tao eh.

BINABASA MO ANG
Saranggola
أدب الهواة"kung kamangmangan man ang pagmamahal, pwede mo ba akong turuan?" Basahin po muna sa Realismo, bago umpisahan basahin dito 😊 thanks!