47

2.5K 149 15
                                    

Chapter Fourty-Seven



Deanna's





"Kayo na ba ulit?" Umupo si Chaira sa tabi ko sa kawayang upuan sa labas ng silong ng kubo.

Bahagya ko syang tinignan, nakatanaw ito sa bilog na buwan na akin ring tinatanglawan.

Umiling ako, "sinusulit lang namin ang nalalabi niyang mga araw rito sa baryo." Malungkot na saad ko.

"Ano yun Fubu lang?" Napakunot ang noo ko, "ang ibig kong sabihin fling-fling lang!"

"Yung tipong kayo? Pero hindi naman pala! In short landian lang!" Napakamot ako sa ulo ko.

Itong si Chiara at Peter kung ano-anong salita ang binabanggit na sila lang naman ang nakaka-alam.

Yumuko nalang ako hindi ko rin naman alam ang isasagot ko sakanya.

"Sa tingin ko babalik na rin ako sa maynila sa mga susunod na araw. Mas kampante na akong iwan si Peter sayo dahil kapatid mo sya!"

Tinignan ko si Chiara, "akala ko ba'y wala ka ng dahilan para bumalik pa roon? Lalo na sa trabahong gusto mo ng takasan? Maari ka namang dumito sa akin, hindi naman kita pinapaalis."

Ngumiti sya ng bahagya, "ayaw ko lang maging pabigay sayo, ngayong alam mo ng kapatid mo si Peter, siguradong sisikapin mong maging maganda ang buhay nya, silang dalawa ni Ava."

"Hindi kita matutulungan kung nandito lang ako, hindi para sakin ang bukid. Kaya ko nga 'yan tinakasan hindi ba?"

"Pero Chiara....."

"Hayaan mo na ko Deanna!"

"Sigurado ka na ba dyan?" Tumango sya, "bakit naman biglaan? Akala ko ba'y pag-iisipan mo pa ang pagbalik mo sa maynila?"

"Hindi pa ba halata?" Natatawang saa ni Chiara.

"Hindi naman natin iyon kailangan madaliin," mahinang sabi ko.

"Ano ka ba tanggap ko naman! Ano bang laban ko sa dalawang teacher na yun diba?"

"Huwag mong minamaliit ang sarili mo!"

"Tanggap ko naman talaga Deanna, tanggap ko naman na hindi mo ko mapapansin, hindi dahil hindi ako teacher kundi hindi mo naman talaga ako gusto!"

Napalunok ako.

"Kahit pa umalis na ulit si teacher Jema na syang mahal mo, nandyan parin naman si teacher Mitch na gusto at minahal mo."

Napahimas ako sa batok ko at tumingal sa langit.

Pinagmasdan ang bilog na bilog na buwan.

"Kahit sino naman ang piliin ko sakanilang dalawa, parehas naman nila akong hindi kayang panindigan."

"Pwede naman kasing tago lang ang relasyon nyo ni Ma'am Jema kung gugustuhin mo talaga."

"Kaya lang hindi ka pwedeng magreklamo at masaktan kapag kailangan na naman nyang magpanggap na may nobyo para lang mapaktapan ang relasyon nyo."

"Kung sa akin lang kaya ko naman na itago ako at hindi maipagmalaki. Kaya lang ang iniisip ko si Jema, baka bigla sya...."

"Maguilty? At bigla ka nyang panindigan? Tapos mawawala ang lahat sakanya at sa bandang huli isisisi nya sayo?"

Napangiti nalang ako sa pagputol nya dapat kung sasabihin. Sapol, eh.

"Lagi mo nalang yan sinasabi, nakabisado ko na." Sabi ni Chiara at bahagyang umirap sakin.

SaranggolaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon