42

2.5K 127 16
                                    

Chapter Fourty-Two


Deanna's

Inalis ko ang suot kong balanggot, farmers hat kung tawagin sa english.

Naupo ako sa damuhan kung saan kami nananghalian kanina sa ilalim ng puno ng akasya

Tinanggal ko rin ang telang nakatakip sa aking mukha.

Kapwa ko rin nilihis ang mahaba kong salawal at ang mahaba kong kamesita.

Mabuti na lamang talaga at malamig ang simoy ng hangin.

Kahit balot na balot ako'y hindi manlang ako nakakaramdam ng alinsangan sa aking katawan.

Napahawak ako sa aking t'yan nung kumulo ito, hindi nga pala ako nakapagtanghalian.

Tumayo na ko at iniligay sa bayong lahat ng aking kagamitan.

Isinuot kong muli ang balanggot ko at lumakad na palayo sa bukid kung saan ako nagsasaka.

Sana'y may natira pang makakaen, kung wala naman ay sana'y may kamote sa kubo.

Gutom na talaga ako.

Napahinto ako. Sandali ihahatid ko pa pala si Mitch sa bayan.

Kaya lang pagod na talaga ako at gutom na.

Siguro'y ihahatid ko na lamang sya sa sakayan ng jeep pabayan.

Naabutan ko syang palabas na ng kubong ginawang silid aralan sa likod bahay ng mga Galanza.

"Mitch," tawag ko sakanya. Tumingin sya sakin at matamis na ngumiti.

"Sasakay nalang ako Deanna, mukhang pagod kana. Isa pa, gusto ko narin makapag-pahinga medyo masakit kasi binti ko."

"Sige. Tara't ihahatid na kita sa sakayan."

"Hindi na. Maaga pa naman, kaya ko na."

Lumapit sya sakin at pinisil ang pisngi ko. "See you tomorrow!"

"Hindi ka pa ba pagod? Halos araw-araw kang nagtuturo dito. Maghapon pa," nag aalalang sabi ko.

"Gustuhin ko man magskip kahit isang araw lang. Wala namang papalit sakin, sayang kasi yung isang araw na ililiban ko sa pagtuturo. Ilang linggo nalang pasukan na naman, halos wala pang natutunan yung ibang bata."

Ngumiti ako at hinaplos ang buhok nya, "sana all katulad mo."

Tumawa sya ng malakas at pinalo ang braso ko, "kay Peter mo narinig yan no? Hahaha, nakiki-uso ka rin, ah."

Natawa narin ako. Totoo namang kay Peter ko naririnig ang mga kakaibang salitang 'yun.

"Ehem!!!" Napitlag at napatingin kami ni Mitch. sa babaeng kunwaring umubo.

"Hala ate, dapat uminom ka muna ng gamot bago ka lumabas ng bahay. Nagkakalat ka pa ng virus!" Pinanglakihan nya ng mata si mam Mafe na katabi nya.

"Pwede naman ako muna magturo sa mga bata habang nandito ako." Walang emosyong saad ni mam Jema, nakatingin lang ito ng seryoso kay Mitch.

"Hindi na kaya ko pa naman," tanggi ni Mitch. "Paano Deans, mauna na ko ah? Bukas nalang ulit." Baling nya sakin, muling nyang pinisil ang pisngi ko pagkatapos masuyo nyang hinaplos 'yun.

Nagulat ako't hindi nakagalaw nang halikan nya ang pisngi ko.

Hindi ko rin alam kung ilang segundo lang akong naestatwa dahil hindi ko namalayang wala na pala sa harap ko si Mitch.

Nabalik lang ako sa ulirat sa malakas na pagtawa ni mam Mafe.

Habang nanglilisik naman ang mga mata ni mam Jema, nakatingin sa ito sa naglalakad nang si Mitch.

SaranggolaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon