15

2.1K 123 9
                                    

Chapter Fifteen

Deanna's

Nililibot ko ang paningin ko sa isang malawak na pamilihan sa loob ng isang malaking gusali.

Sabi ni Jema, mall daw ang tawag dito, may makikita kang bilihan ng damit, may mga kainan din.

At ngayon nga, papasok na kami sa isang tila palengke dito parin sa loob ng mall.

"Grocery ang tawag dito," sabi ni Jema habang hila hila ako.

"Ay wait," huminto sya sa paglalakad. "Mamaya nalang pala tayo mag-grocery. Bibili muna ako ng mga gagamit ko sa school tapos bibilhan narin kita ng kahit ilang pirasong damit."

"Huwag na po mam Jema, nakakahiya na. Sobrang dami na pong naming utang sainyo, baka hindi ko na mabayaran."

"Ano ka ba, kusang loob namin 'tong binibigay sainyo, yung pag-aaral ni Ava,... pang-bawi lang ni Papa yun sa.......," napahinto sya  sa pagsasalita. Tila, nagdadalwang isip kung itutuloy nya ang sasabihin nya.

"Basta ibibili kita ng damit kasi kakailanganin mo yun, sobrang luma na nitong mga suot mo."

Wala na akong nagawa nung hinila nya ko papasok sa isang damitan.

"Ito suot mo," sabi ni mam Jema at may inaabot saking isang kamesitang kulay puti na may tila larawan sa gitna.

Nahihiya ko 'yung tinanggap, meron din syang binigay sa akin na pantalon na kulay maong.

Pagkatapos iginiya nya ako papasok sa tila isang maliit na silid.

"Dyan ka magbihis hihintayin kita dito sa labas," tumango lang ako.

Sinuot ko ang kamesita at pantalon tapos lumabas na sa mallit na silid na 'to.

"Ayan mukha ka ng tao," natatawang sabi ni mam Jema.

Napakamot nalang ako sa batok ko.

"Ate babayaran ko na yung suot nya pati yung ibang binili ko."

"Okay po Ma'am, this way po." At iginiya sya ng babae papuntang bayaran ata?


"Lalo kang naging cute, bagay sayo." Inayos pa ni mam Jema ang kwelyo ng kamesitang suot ko bago kami lumabas sa tindahan ng mga damit. "Sa books store naman tayo," at hinila na naman ako.

Pumasok kami sa tindahan ng mga kwarderno at lapis, meron din ditong mga libro.

Napangiti ako habang hinahaplos ko ang mga 'yon, nakangiti rin si Jema habang sumusulyap sakin.

Kumukuha rin sya ng iba't ibang uri ng kagamitan pang iskwela.

"Na-aamaze ka no?" Tinignan ko sya na tila ba hindi ko nakuha ang nais nyang ipahiwatig.

"I mean, namamangha ka sa mga kagamitang natutunghayan ng iyong mga mata." Tapos tumawa sya, "ayan ah? Matalinghaga na 'yan."

Napangiti ako.

"Don't worry Iza, yung iba dito para sayo."

"Huh?" Tila naguluhan naman ako. Napakunot ang noo ko, napangiti naman si mam Jema.

"Ang cute mo talaga," sabay pisil sa pisngi ko. "Basta malalaman mo rin."

Kumuha pa sya ng mas maraming gamit.... sumusunod lamang ako sakanya.

"Dito ka lang ah? Magbabayad lang ako dun. Wag na wag kang aalis dito."  Tumango ako.

Binalik ko ang atensyon ko sa mga gamit pang iskwela sa harapan ko. Inabala ang sarili ko sa pagtingin dun.

SaranggolaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon