Chapter Eighteen
Jema's
"Hoy, mars! Ang aga-aga nakapalumbaba ka dyan, loka ka. Wala kaming pangbarya."
Inismiran ko si Kyla bago ito umupo sa table nya katabi ng akin.
Bestfriend ko sya nung college, nagulat nga ako nung first day of school nakita ko sya dito.
Hindi ko akalaing magkakasama na naman kami sa trabaho.
"Ano ba kasing problema at nakabusangot ka? Keh aga-aga!"
"Wala akong problema nag-aalala lang ako sa alaga ko. Mag s-start na kasi syang pumasok bukas sa ALS center dyan sa kabilang building."
"Jusko, Jemalyn! Ang laki-laki na nung Deanna na yun kaya nya na ang sarili nya."
"Ky, walang alam si Deanna sa maynila. 3 weeks na syang nandito pero nasa loob parin sya ng bahay."
"Wag mong masyadong beybihin Jema, sabi mo naman naturuan mo ng magbasa. Ngayon naman, mga direksyon ang ituro mo. May mga sign naman dyan eh."
"Madali nalang yun, hindi na 'yan maliligaw. Naku, baka masanay 'yan sayo dumedepende, hindi na 'yan makakawala sayo."
"Yun nga rin kinakaalala ko, eh. Baka akala nya, alam nya na ang lahat. Tapos bigla syang tumakas at hanapin mag-isa ang ate nya."
"Hay, naku! Malala ka na. Lakas ng tama mo sa babae na 'yun," inismiran ko sya. "Ganto nalang. Bilhan mo ng cellphone, tapos tawagan mo maya't maya kahit may klase ka pa. Gora, ng hindi ka nag-alala dyan!"
Tama, kailangan ko palang bilhan si Deanna kahit de keypad na cellphone lang.
"Ibenta mo nalang sakin yang extra phone mo. Hindi mo naman ginagamit, eh. Pamato na 'yan."
"Hoy, wag mong nilalait tong antique kong cellphone. Marami ng piko ang napanalo nito," sabay pa kaming natawa. Gaga talaga.
"Sige na kasi, bilhin ko na. P600?"
"P1000," tapos inikot ikot sa kamay nya yung cellphone na hawak nya.
"Hoy, ang mahal..."
"Bakit ikaw ang may kailangan hindi ako," letse.
"Bwisit ka.... kung may pera lang ako ngayon, hindi ko kailangan pagtyagaan 'yang bulok mong cellphone!"
"Nilait mo pa! Ikaw na nga may kailangan bahala ka dyan," nakakainis talaga ang babaeng 'to.
"Sige na. P650?" Nagpuppy eyes pa ko sakanya.
"P720," umismid ako."Ayaw mo? Tataas pa 'yan, sige ka."
"Oo, na. Call, " inis na sabi ko.
"Ayan,.... madali ka naman pala kausap." Sabi ni Kylq sabay abot ng phone sakin at kuha ng pera sa kamay ko. "Salamat Jemalyn, may panglunch na ko ng masarap. Hahaha," mabulunan ka sanang bruha ka.
After ng nakakainis na tawaran para sa nabubulok na cellphone ni Kyla
Heto, na ako. Nagmamadaling naglalakad sa hallway... patakbo pa nga kung tutuusin, eh.
"Ayyyyyy," sabi ko nung nahulog ang mga gamit ko. Letse, kung kelan ka naman nagmamadali.
Habang pinupulot ko ang mga gamit ko parang may mga matang nagmamasid sakin.
Bigla naman akong kinabahan.... ,parang nakatayo ito sa gilid ko.
Wag naman sanang si sir..... Wala masyadong tao sa gawi ng school na 'to.
BINABASA MO ANG
Saranggola
Fanfiction"kung kamangmangan man ang pagmamahal, pwede mo ba akong turuan?" Basahin po muna sa Realismo, bago umpisahan basahin dito 😊 thanks!
