46

2.5K 147 3
                                    

Chapter Fourty-Six


Jema's


Mahihinang paghinga lang ang tanging naririnig sa buong kusina ng bahay namin.

Naka abang kaming lahat sa sasabihin ni Nanay Judin.

Seryoso lang itong nakatingin sa cellphone ko.

Minamasdan ang larawan ng unang lalaking kanyang minahal.

"Heto, na ba si Dean?" Basag nito sa mahabang katahimikang namayani sa aming lahat.

Napatingin kami ni Deanna sa isa't isa bago muling tinignan si Nanay.

"Sya po ba ang Tatay ang Deanna?" Malumanay na tanong ko.

"Ibig po bang sabihin totoong kapatid ko si Ate Deans?" Singit ni Peter.

"Kay laki na ng pinag-bago ng wangis niya, dala na siguro ng katandaan, ngunit, hindi ako maaaring magkamali na siya nga si Dean! Siya ang lalaking bumihag ng aking puso. Hindi ako maaaring magkamali."

"Sigurado akong siya ang Ama mo Deanna," hinawakan niya ang kamay nito.

Tumingin kami kay Deanna tila blangko ang ekspresyon nya.

Bigla siyang ngumiti, "kaya pala kay gaan ng loob ko kay Peter."

"Kaya pala pakiramdam ko may komukonekta sa aming dalawa, dahil iisa lang ang aming Ama." Tumingin ito sa kapatid nya, "kaya pala, kakaiba ang aking nararamdaman kapag nakikita ko ang gurong iyon."

"Noong una siyang pinakita sakin ni Peter, tila ba, nangungulila ako sakanya. Ganun hindi ko naman sya kilala. Nais ko siyang maakap ng mga oras na iyon, nais kong maramdaman ang init ng kanyang katawan."

"Sobra akong nananabik makilala ang aking Ama ngunit......"

Tumingin ulit sya kay Nanay, "hindi ko akalain na ganun siya kaireponsable at pabayang Ama."

"Alam niyang naglayas si Peter pero hindi manlang niya inabala ang kanyang sarili na hanapin ito."

"Alam niyang may pananagutan siya saiyo ngunit ikinatuwa niya ako."

"Alam kong may iba na siyang pamilya subalit hindi naman siguro kalabisan na kilala niya kami bilang anak niya hindi ba?"

Ngumiti si Deanna, "masaya parin ako na makilala at malaman na may Ama pala talaga ako. Sapat na sa akin na malaman na kapatid ko si Peter sa kanya."

"Sa ngayon, iyon na lamang ang tingin kong mahalaga at labis akong nagpapasalamat dahil doon."

Tumayo si Peter sa pagkakaupo nya at lumapit kay Deanna agad niya itong niyakap ng mahigpit.

Narinig namin agad ang mahinang paghikbi nito.

"Sandali bakit ka umiiyak?" Nag-aalalang tanong ni Deanna.

"Tears of Joy ito ate!" Kinusot kusot ni Peter ang mga mata nya, "kasi ngayon masasabi ko na talagang responsibilidad mo ko. Kasi totoo kitang ate! Totoo kitang kapatid!" Niyakap nya ulit si Deanna.

Napangiti kami habang pinagmamasdan sila, lalo na si Nanay Judin.

"Sinabi ko na nga ba't may pagkakatulad kayo nung una ko itong makita si Peter, eh!"

"Si Deanna talaga ang naalala ko sa iyo noong una kitang masilayan."

"Sobrang magkawangis kayong dalawa," binuksan niya ang kaniyang mga braso upang yakapin rin si Peter.

"Maraming salamat po sa pagtanggap Nanay," umiiyak na saad nito. "Kahit po sobrang laki ng kasalanan sainyo ni Papa, lalo na kay ate Deanna."

"Pero heto, tinanggap nyo parin ako ng buong puso."

SaranggolaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon