Chapter Four
Deanna's
"How do you spell your name?" Tanong ni mam Jema pero nakatingin lang kami sakanya ni Ava.
Hindi rin naman namin naintindihan kung ano yung sinabi nya, eh.
Napangiti sya at sinapo ang kanyang noo nung hindi talaga kami nagsalita.
"Paano ba baybayin ang 'yong ngalan?"
Agad naman akong napaisip, "D," unang letrang binangkit ko.
Inisip ko naman kung anong kasunod, "E," tapos tinaas ko pa yung daliri ko.
"A?" tila hindi pa ako sigurado.......
"Wait," pigil ni mam Jema. "Di ba Dina ang name mo?" Agad akong napatango.
"Bakit mali ang spelling?" Hindi ko naman alam ang sasabihin ko, dahil hindi ko rin naman alam kung tama nga ba pagbigkas ng pangalan ko.
"Ganto nalang. Isulat mo na nga lang, marunong ka ba?" Alinlangan naman akong tumango.
Mabagal kong sinulat ang pangalan ko sa lumang kuwaderno ni Ava.
Pilit kong inaalala kung paano nga ba sinusulat ang pangalan ko at kung ano ang pagkakasunod-sunod nito.
Medyo matagal narin nung huli ko itong isulat dahil naging abala ako sa pagsasaka sa bukid.
"D.E.A.N.N.A" isa isang bimasa ni mam Jema ang bawat letra ng pangalan ko pagkatapos ko 'yon maisulat.
"So hindi pala Dina ang name mo, kundi Dean.na."
"May pagkakaiba po ba 'yon?" Takang tanong ko.
"Sounds like, pero magkaiba sila kung paano isunusulat." Napatango naman ako.
"So saan nanggaling yung Iza?" Tanong ulit ni mam Jema.
"Deanna Izabella Alvizo po ang buong pangalan ko."
Mabilis naman nyang isinulat sa tabi ng isunulat kong pangalan yung Izabella.
"Tama ba?" Matagal ko yung binasa at inisa isa pa yung bawat letra bago ako tumango.
Nakangiti naman si mam Jema sa tabi ko na naka-palumbaba at nakatingin sakin.
Ang ganda talaga nya lalo na kapag ganyang nakangiti sya.
Napalunok ako......
Agad kong iniwas ang tingin ko sakanya at binalik sa papel na nasa harapan ko.
"Sino nagturo sayony isulat ang name mo? Si labanos mustasa?"
"Huh?"
Natawa sya, "hahaha. I mean yung teacher Mitch nyo pala," agad akong umiling.
"Si Kat po," malungkot na saad ko.
"Hmmmm..... teacher din sya?" Umiling ulit ako.
"Nobya po sya ni tiya Di.......," agad kong tinakpan ang bibig ni Ava.
"Ah? Jowa mo," nakangiting saad ni mam Jema.
"Baka po abutan kayo ng paglalim ng gabi ihahatid na po namin kayo ni Ava," pag-iiba ko ng usapan.
Tumingin naman ito sa labas ng silong ng kubo, "ay oo nga. Baka hinahanap na ako sa bahay."
"Kunin mo yung pailaw natin Ava," utos ko sakanya na agad naman sumunod.
Napatingin ako sa gawing binti ni mam Jema namumula ito.
Mabilis akong lumuhod sa harapan nya at kitang kita ko ang pagkabigla nito.

BINABASA MO ANG
Saranggola
Fanfiction"kung kamangmangan man ang pagmamahal, pwede mo ba akong turuan?" Basahin po muna sa Realismo, bago umpisahan basahin dito 😊 thanks!