Chapter Twenty-One
Deanna's
Mabilis lumipas ang mga araw nang hindi ko namamalayan.
Siguro kasi nililibang ko ang sarili ko sa pag-aaral.
Doon ko na lamang itinuon ang aking isip kesa sa mga tanong na gumugulo sa utak ko.
Pinilit kong maging normal sa pagkikitungo kay mam Jema.
Wala naman nagbago..., pero hindi ko parin maiwasan makaramdam ng kakaibang sakit.
Tuwing kasama nya ang nobyo nya... hatid sundo sya nito...
"Hoy,..Deanna. Ayos ka lang ba? Nakatulala ka naman dyan"
"Pasensya na, Chiara. May sinasabi ka ba?"
"Wala naman. Lumalamig na yung pagkain, mamaya 'di ka na naman makakain nyan kasi lutang ka na naman."
Napakamot ako sa ulo tapos nag-umpisa ng kumain.
Kahit hindi ko kaklase si Chiara, naging malapit ako sakanya dahil kay Nanay Nelia.
Ilang araw narin itong hindi pumapasok. Ang sabi ni Chiara nanghihinayang daw sa mga araw na sarado ang kanilang tindihan.
Hindi nalang daw nya pinilit dahil ayaw na daw talaga nitong pumasok.
"Chiara, may nais sana akong itanong sayo." Tumango sya bilang tugon sa tanong ko, "nung hindi ka pa lubos nakakabasa. Paano ka nakakauwi sainyo na hindi naliligaw?"
Sa pagkakakwento ni Nanay Nelia, galing rin silang probinsya at nakipag sapalaran rin ang mg ito sa maynila.
"Nung una, nawala talaga ako. Pero dahil makapal ang mukha ko, nagtanong tanong ako, alam ko naman yung pangalan nung lugar namin kaya 'di rin ako nahirapan."
"Tinatandaan ko rin yung mga sign na nadadaanan ko... Tapos, ayon. Kahit na gumagala na ako dito sa maynila nakakauwi parin ako."
"Pwede mo ba akong turuan kung paano sumakay ng sasakyan dito?"
"Huh? Bakit? Di ba hatid sundo ka naman ng jowa mo?
"Jowa? Syota? Nobya or kasintahan yun di ba?" Tumango si Chiara.
"Oo. yung babaeng titser sa kabilang building? Yung nagalit sayo nung kumain tayo ng fishball?"
"Si mam Jema?" Medyo natawa ako, "hindi ko yun nobya," may kirot na saad ko.
"Ahhh,, Jema pala name nun. Akala ko sya yung Kat na jowa mo."
"May nobyo na yun at may anak na ata sila, tinutulungan nya lang ako para hanapin ang ate ko dito sa maynila."
"Pero,...... hindi rin ako sigurado kung gusto nya na talagang akong tulungan o anong balak nya sakin."
"Paano mo naman nasabing ayaw ka nyang tulungan? Eh pinag-aaral ka nga nya."
"Hindi ko naman gusto mag-aral.. ang gusto ko lang makita ko ang ate ko. Pero parang ayaw nya yung mangyari."
"Teka nga lang. Naguguluhan ako..., isa-isa muna ah? Pumunta ka dito kasi para hanapin ang ate mo? Bakit ano bang nangyari? Nawawala ba sya?"
Tumanngo ako.
"Apat na taon na ang nakakaraan nung nagpasya ang ate ko magtrabaho dito sa maynila para mangamuhan... Pero simula nung umalis sya wala na kaming naging balita sakanya."
"Tulad ko, hindi rin sya nakapag-aral..., hindi rin sya marunong magbasa at magsulat."
Naging seryoso ang mukha ni Chiara, "kilala mo ba kung sino nagsama sakanya dito?"
BINABASA MO ANG
Saranggola
Fanfiction"kung kamangmangan man ang pagmamahal, pwede mo ba akong turuan?" Basahin po muna sa Realismo, bago umpisahan basahin dito 😊 thanks!