44

2.7K 147 15
                                    

Chapter Fourty-Four

Jema's


Nanginginig ang buo kong katawan.

Nakaupo ako sa bakuna ng pinto ng kubo kung saan kami nagpapatila ni Deanna ng ulan.

Maliit lang ito ang sira narin at tila abandonado na.

"Deans," paos na tawag ko sakanya.

"Sandali lang, gagawa ako ng apoy," madilim pero naaaninagan ko sya sa silong nitong kubo.

"Bilisan mo nilalamig na talaga ako!"

"Hubarin mo 'yang damit mo para matuyo." Ano daw? "Hindi ko naman makikita, madilim naman!" Nanginginig ako pero ramdam ko ang pag-init ng pisngi ko.

"Buset ka!!!" Hirap na bulyaw ko.

"Hindi ako nagbibiro Jema, kaya ka giniginaw dahil malamig ang suot mo."

"Bakit ikaw? Nakahubad ka narin ba?"

"Mamaya, gumagawa pa ko ng apoy." Hindi nga sya nagbibiro dahil seryoso ang tono nya.

Lalo lang akong pinamulahan sa isiping matutulog na naman kaming nakahubad.

Naalala ko tuloy nung nilagnat ako dahil nabasa rin ako ng ulan noon, unang gabi naming natulog sa kubo nya na kaming lang dalawa tapos wala pang saplot.....

"Jema, halika!" Napitlag ako nung hawakan ako ni Deanna, "nakagawa na ko ng apoy."

Inalalayan nya ko patungo sa kalan sa dulo ng silong ng kubo.

Inupo nya ako sa upuang kawayan sa tabi ng kalan.

"Hindi na ba tayo maghuhubad?" Inosenteng tanong ko.

Kitang kita ko kung paano sya ngumiti dahil natanglawan ng liwanag ng apoy ang mukha nya.

Kunurot ko ang tagiliran ni Deanna, "niloloko mo ko no?" Tumawa sya, tinignan ko sya ng  masama! Bwisit talaga 'to.

Umupo sya sa bandang likuran ko at niyakap ako mula sa likod.

Agad nagdikit ang mga pisngi namin.

"Hindi ka na ba giniginaw?" Hinawakan ko ang mga palad ni Deanna.

"Giniginaw parin, kailangan ko talaga ng human heater Deanna!"

"Jema!" Natawa ako at hinigpitan ang pagkakahawak sakanya.

Humigpit rin ang yakap nya sakin.

"Eksaktong ilang araw nalang ba ang ilalagi mo rito?" Malungkot nitong saad.

Bumuntong huminga ako, "mga 2 to 3 days nalang siguro."

"Kararating mo lang aalis ka na agad?"

"May exam kasi ako para sa masteral ko, kailangan ko ng maghanda magpapasok narin kasi."

Mahabang katahimikan ang namayani samin bago ako muling nagsalita.

"Gusto lang talaga kita makita kaya nagbakasyon ako dito kahit mga ilang araw lang."

"Nung sinabi sakin lahat ni Cy, yung pag-uusap nyo, nainis talaga ako sainyong dalawa."

"Kay Cy, kasi pinangunahan nya ko at sayo dahil imbis na sakin ka magtanong.....," isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko.

"Pero alam ko rin naman na, kasalanan ko rin! Lagi kitang binibigyan ng dahilan para pagdudahan ako."

Isang mahabang katahimikan na naman ang namagitan saming dalawang ni Deanna.

SaranggolaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon