Chapter Twenty
Jema's
Napapabuntong hininga si Deanna habang pinipitik-pitik ang daliri nya.
"Tama na yan! Kumain ka na dito!" Tumingin sya sakin, parang matamlay sya?
"Hindi pa ko tapos, nakakatatlo palang ako."
"Okay na nga yan. Halika na dito, kumain na tayo."
Mabagal syang tumayo sa pagkakaupo sa sofa at lumakad palapit sa lamesa kung saan ako nakaupo.
"Sa susunod. Sasagutin mo yung tawag ko ah? Para hindi ako nag aalala," halos magpanic na ko kanina.
Akala ko kung ano na nangyari sakanya.., akala ko kung napaano na sya.
"Pasensya na talaga, hindi ko lang talaga alam na tumatawag ka." Eh paano nakikipaglandian ka kasi!
"Nasaan ba kasi ang cellphone mo? Bakit hindi mo alam na tumatawag ako?"
"Nasa loob ng bag, kunin ko?" Tatayo na sana sya nang pigilan ko.
"Wag na! Sa susunod ilagay mo sa bulsa mo, para naririnig mo yung ring tone o maramdaman mo yung pagvibrate ng tawag ko."
Kumamot sya sa ulo bago tumango.... Hay naku! Kung hindi ka lang talaga cute.
"Sorry din! Kung hindi ko nasagot ang tawag mo kaninang tanghali, nasa meeting kasi kami. Kumain ka ba?"
Kumunot ang noo ko nung umiling sya. "Bakit?"
"Sabi mo kasi sabay tayo eh. Kaya hihintayin na kita. Pero nag-umpisa na kasi agad yung klase kaya di na ko nakakain."
Ibig sabihin yung fishball lang na yun ang kinain nya sa buong maghapon?
Kaya naman pala parang matamlay sya kasi hindi nga kumain.
"Hay naku, Deanna! Sa susunod kumain ka, kahit wala ako. Binigyan naman kita ng isang daan diba?" Napakamot na naman sya sa ulo, "wag ka ng magpapalipas ng gutom. Nakakainis ka!!! Sige na, kumain ka na dyan."
Excited pa naman akong tanungin sya sa maghapong pag-aaral nya.
Kahit pa alam ko namang pagsusulatin lang sila ng pagsusulatin dun.
Pero napalitan lahat ng inis ang excitement ko. Nakikipag tawanan ba naman sya sa babaeng ngayon nya lang nakilala.
Parang hindi ka naman dumaan sa proseso ng pakikipag kaibigan sa unang araw ng eskwela Jemalyn?
Nakakainis!
Masyado na kong nagiging selosa, wala naman akong karapatan.
Siguro kasi, hindi ako secure, yung tipong mahuhulog si Deanna sa iba.
Yung sa tingin nya mas nababagay sakanya...
Si Mitch kahit teacher sya taga probinsya parin ito kaya iisipin ni Deanna na mas bagay sila.
Tapos yung babaeng bagong kakilala nya.
Kakakilala lang nila pero parang nagswak na agad sila. Nagclick agad sila kahit ngayon palang sila nagkakilala.
Lagi nyang sinasabing hindi sya bagay sakin kaya hindi sya naniniwalang gusto ko sya. Ayaw nya kong pagbigyan na iparamdam yun sakanya kung gaano ko sya kagusto.
Lalo na akong nawalan ng pag-asa...
"Ako na maghuhugas, baka mapasma 'yang kamay mo."
"Pero ikaw na nga nagluto, eh."
BINABASA MO ANG
Saranggola
Fiksi Penggemar"kung kamangmangan man ang pagmamahal, pwede mo ba akong turuan?" Basahin po muna sa Realismo, bago umpisahan basahin dito 😊 thanks!