12

2.5K 127 13
                                        

Chapter Twelve


Deanna's


Mabagal kong iminulat ang aking mga mata nang maramdaman ko ang paghaplos sa kanang pisngi ko.

"Nay, gising na po pala kayo." Umangat ako sa pagkakayukod sa kama, "Ayos kana po ba?"

"Wag ka ng mag-alala anak, maayos na ang pakiramdam ko."

"Nagugutom po ba kayo?"

"Tubig lang. Nauuhaw ako."

Agad naman akong nagsalin ng tubig sa baso na nasa lamesa sa tabi ng kama ni Nanay.

Mabagal ko syang pinainom ng tubig.

"Ikaw ba anak? Kumain kana? Baka pagod ka sa paglalakad magpahinga ka muna."

"Sumabay po ako kay Boss Jesse, Nay. Pinakain nya rin po ako."

"Mabuti naman," sabi ni Nanay.

"Ahm, nay. May sasabihin po sana ako."

"Ano yun anak?"

"Sabi po ni Boss Jesse papasamahin daw po nya ko kay Jema...........," lumunok ako. "Mam Jema sa maynila," hinawakan ko ang kamay ni Nanay.

"Pero hindi po ako sigurado kung sasama ako, kasi may sakit pa kayo."

"Si sir Jesse ang nagsabi nun?" Tumango ako, "wag mo na kong alalahanin anak. Hindi naman nila ako pababayaan. Pero natatakot din ako kung papayagan kita. Sobrang laki ng maynila anak, baka mapano ka lang."

"Gusto ko talagang pumunta roon, Nay. Gusto kong hanapin si ate, gusto kong magtrabaho dun para mabigyan ng magandang buhay si Ava."

Mabilis nangilid ang luha ni Nanay, "lalo akong natatakot. Nakikita ko ang sarili ko sayo, sa kagustuhan kong mabigyang ng magandang buhay ang ate Cyrielle mo noon. Napasok ko ang trabahong iyon. Ayokong magaya ka sakin, ayokong mapariwala rin ang buhay mo."

"Ano pong ibig nyong sabihin nay?"

"Dati akong nagbibigay ng aliw," mabilis na umagos ang luha sa mata ni nanay. "Katulad ng ate Cy mo,  kasambahay din ang unang dahilan bakit ako nagpunta ng Maynila"

"Dahil bago ako at walang alam sa malawak na siyudad na iyon, imbis na kasambahay ang napasukan ko, sa beer house ako napasok."

"Gusto kong bigyan ng maginhawang buhay si Cy at ang nanay ko noon, katulad mo. Kaya pikit mata kong tinanggap ang trabahong iyon."

"Dun ko rin nakilala ang tatay mo, pero hindi nya ko pinanindigan dahil hindi syang naniniwalang anak ka nya."

"Paano ka nga naman nya aakuin, kung iba't ibang lalaki na ang nakasama ko."

"Kaya hindi ko na sya napilit pa. Bumalik nalang ako dito, gusto kasi ng Amo ko na ipalaglag kita." Humagulgol si nanay, "syempre, sino nga namang magkaka-interest pa sa babaeng buntis na diba?"

"Wala akong magawa. Gulong gulo ako noon. Pero isa lang ang alam ko, mahal na mahal kita anak.kaya mas pinili ko nalang umuwi kesa mawala ka."

Hindi ko namalayang tumutulo narin pala ang luha ko, ngayon lang naikwento sakin ni Nanay ang lahat.

Hindi ko alam na ganun pala kalala ang pinagdaanan ng Nanay ko.

Ayaw nya magkwento sakin lalo na, kung tungkol sa tatay ko.

Gustong gusto ko syang makita pero lagi akong pinapagalitan ni Nanay kapag nagtatanong ako tungkol sakanya.

Ngayon alam ko na, at naiintindihan ko na sya.

SaranggolaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon