37

2.4K 120 40
                                    

Chapter Thirty-Seven



Jema's

Mabagal kong minulat ang aking mga mata.

Kinapa kapa ko ang kama at nagpanic ako nung wala na akong katabi.

"Tangi, " Bumalikwas ako sa pagkakahiga sa kama.

Mabilis kong inilibot ang aking mga mata, napahinga nang maluwag nang makita ko sya.

Nahawak ko pa ang kanang kamay ko sa kaliwang dibdib ko sa relieved na naramdaman ko.

"Tangi," tinapik ko ang pisngi nya.

Nakasubsob si Deanna sa study table.

Nagpuyat na naman kaka aral sa mga tinuro ko, exam na kasi nya mamaya.

Nakatulogan ko na nga sya hindi ko narin kasi kinaya ang antok at pagod.

Ilang gabi narin kasi kaming nagpupuyat para sa exam nya.

Tapos mga lesson plan ko pa, halos wala na talaga akong pahinga at tulog.

Pero alam ko worth it ito, alam ko maipapasa ni Deanna ang exam...

"Tangi, dito ka na matulog sa kama." Madaling araw palang kasi.

Pupungas pungas syang tumayo sa pagkakaupo sa study table.

Bumagsak sya sa pagitan ng mga hita ko, niyakap nya ang bewang ko.

"Mahal na mahal kita, tangi. Tandaan mo 'yan ah?" Sabi nya sa paos na boses. Nakapikit ang mga mata nya, mukhang naalimpungatan lang sya.

Hinaplos ko ang buhok at pisngi ni Deanna, "I love you too, tangi." Hinalikan ang ko noo nya.

-----

Deanna's

"Good luck, Deans. Kaya mo yan ah?"

"Thank you, po. Mam Mitch."

Huminga ako nang malalim bago pumasok sa silid aralan kung saan gaganapin ang pagsusulit.

Heto na, yung nilaanan namin ng puyat at pagod ni Jema.

Kakayanin ko 'to, makakapasa ako para sakanya.

Kahit ito manlang magawa ko para sakanya.

Kahit ito manlang maipagmalaki nya ko sa huling pagkakataon.

Kahit dito manlang masuklian ko lahat ng kabutihan at pagmamahal na ibinigay nya sakin.

Napangiti ako nang mapait. Bumalik saking alaala ang lahat ng sinabi ni sir Cy.

"Totoo bang magnobyo na kayo ulit ni Jema? At isang buwan na, simula ng magkabalikan kayo?"

Iyan agad ang tinanong ko kay sir Cy, pagka-upo palang namin sa food court na tinatawag sa loob ng mall.

Kung totoong nagkabalikan nga sila, ibig sabihin naging sila na ulit bago ibinigay sakin ni Jema ang sarili nya.

Ngumiti ng tipid si sir Cy, "bakit sakin mo tinatanong? Bakit hindi kay Jema? Natatakot ka ba sa magiging sagot nya?"

Kumuyom ang mga palad ko, tama. hindi ko kayang marinig o manggaling mismo kay Jema ang lahat ng nasa isip ko.

"Hindi kami, we pretend lang para pagtakpan kung ano man meron kayo."

"Pretend? Nagpapanggap lang kayo? Bakit?"

SaranggolaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon