Chapter Eleven
Jema's
Hindi ko sinunod si Papa, imbis na mag-impake, dumapa ako sa kama.
Wala rin tigil sa pag-agos ang mga luha ko.
Pakiramdam ko rin hinang hina ako, nanglalambot ang kalamnan ko.
Nakakainis na talaga si Papa, wala na ba talagang syang pakialam sa mga tao dito?
Yung mga taong nagbigay ng magandang buhay sa pamilya nya?
Kahit pa sabihing lupa nya ang sinasakahan nila.
Pero sila parin ang dahilan kung bakit maginhawa ang buhay namin.
Samantalang sila, nagtatyaga sa kakapirangot na sahod galing sa magaling kong Ama.
"Tumayo ka na dyan Jessica, wag mo kong artihan," at ayan na po sya. "Uuwi ka na ng maynila, sa ayaw at sa gusto mo."
"Pero Pa......," bumalikwas ako pero agad ko rin nahawakan ang ulo ko nung bigla umikot ang paningin ko.
"Sumunod ka nalang sa Papa mo, anak. Para rin naman to sainyo," naramdaman ko ang pag-upo ni Mama sa kama.
"Teka, ang init mo ah?" Hinawakan nya ang noo at leeg ko. "Jesse inaapoy ng lagnat ang anak mo," akala ko napagaling na ko ni Deanna kagabi?
"Baka nagiinarte lang 'yan para hindi maka-uwi sa maynila."
"Kita mo ba ang itsura ng anak mo? Namumutla na 'to oh? Hinang hina narin sya Jesse ano ba," Sigaw ni Mama.
"Kasalanan din 'yan ng anak mo!!! Kundi nya inuna yang kalandian nya! Hindi yan magkakasakit!" Sigaw din ni Papa, "umamin ka nga sakin Jessica. Gusto mo ba ang tomboy na yun?"
"Ano ba Jesse? Hindi ito ang oras para pagalitan mo ang anak mo. Dalhin na natin sya sa hospital."
"Isabay na natin si Judin," napatingin ako kay Papa.
"Ano pong nangyari kay Nanay?"
"Wow naman ate, nanay na agad?" Sabay-sabay naming tinignan ng masama si Mafe.
Humihirit pa talaga sya ng ganyan sa mga oras na 'to.
"Bigla kasi syang nanghina pagkatapos mong sabihin ang lahat ng yun kahapon."
"Tama na yan. Ihahanda ko na yung Van," sabi ni Papa at naglakad na palabas sa kwarto namin ni Mafe.
Lihim akong natuwa, buti nalang may lagnat pa ko.
Ang poproblemahin ko nalang ay yung mga susunod na araw kung paano ko mapapapayag si Papa na magstay pa ko dito.
"Dahan dahan lang hija," sabi ni Mama kay Deanna habang pinapasok nito si Nanay sa Van.
"Nanay sasama po ako," sabi ni Ava.
"Dito ka nalang Ava, bawal sa ospital ang bata eh." Sabi ni Mama sakanya.
"Ako po, pwede po ba akong sumama?" Tanong ni Deanna.
"Kami ng bahala sa Nanay mo, hindi naman namin sya pababayaan." Inismiran ko si Papa, kontrabida talaga.
"Bantayan mo nalang ang pamangkin mo anak," sabi ni nanay Judin.
Talagang pinanindigan mo na yung pagtawag na Nanay no? Jemalyn!!!
"Dadalhin ko po si Ava sa lola nya, susunod po ako dun Nay," sabi ni Deanna At hinalikan ang noo ng nanay nya.
"Oh, sya. Aalis na kami," sabi ni Papa at sinara na ang pinto ng Van bago umikot papasok sa driver seat.
BINABASA MO ANG
Saranggola
Fanfiction"kung kamangmangan man ang pagmamahal, pwede mo ba akong turuan?" Basahin po muna sa Realismo, bago umpisahan basahin dito 😊 thanks!