1

8K 115 19
                                    

Chapter One



Jema's


Madaming bata ang nakikita kong naglalakad ngayon, may mga dala silang parang plastic?

Yung iba naka-uniform at yung iba naman naka t-shir at short lang.

Akala ko ba, walang mga batang nag-aaral sa baryo namin?

At saka, bakasyon ngayon? Saan sila papasok?

"May isang volunteer titser ang nagtuturo sa mga bata kapag tag-araw."

Nagulat at napatingin ako sa babaeng nagsalita mula sa likuran ko.

May dala na naman syang saranggola.

Tapos mahaba ang damit nitong suot.

Siguro panlaban sa init ng araw.

"Guro sya sa bayan. Kapag wala klase sa bayan, ang mga bata naman dito ang kanyang tinuturuan. Pero hindi yun sapat, masyadong mabilis ang dalawang buwan para maturuan ang lahat ng bata sa baryo natin."

Tumingin sya sakin, "kailangan talaga ng guro na magtatyagang magturo sakanila. Para hindi sila maging mangmang katulad namin."

"Yung ibang bata, naka-uniform. Ibig sabihin, nag-aaral sila sa bayan, tama ba?"

"Sa umpisa lang sila nakakapag-aral, sa layo ng bayan sa baryo natin. Kadalasan, huli na sila nakakarating sa klase. Kasi naglalakad lang naman sila mula dito."

"Hindi rin naman sapat ang kinikita sa pagsasaka, upang ipangtustos sa mga pangangailangan nila sa pag-aaral."

"Ang  dalawang bagay na yun ang dahilan, kung bakit natitigil ang mga bata sa pag-aaral."

Napatango naman ako. Tapos sya naman ngumiti.

Pero hindi sakin, kundi sa babaeng kumakaway mula sa isang malaking puno, kung saan patungo ang mga bata.

"Halika po, mam. Ipapakilala kita sa volunteer titser namin. Sa tingin ko eh, kasing edad mo lamang sya."

Nagulat pa ko nang hawakan nya ang kamay ko. Hinila nya ko, tapos tumakbo patungo sa malaking puno kung saan patungo rin ang mga bata.

Nakatingin lang ako sa mga kamay naming magkahawak.

Hindi alintana ang init na tumatama sa mga balat ko.

Kasi naman, naka-floral dress lang ako. Tapos manipis pa ang strap nito, malamang masusunog ang balat ko.

"Tara na, Deans. Makisali ka na samin," sabi sakanya ng babaeng maputi na para bang may lahing Amerikana.

Maliit din sya kumpara samin ni Iza, kahit pa, sa tansya ko mas matangkad sakin si Iza.

Mas matangkad naman ako sa babaeng labanos na 'to.

Ngumisi ako nung tumingin sakin si miss labanos sabay baling sa kamay naming magkahawak parin ni Iza.

Biglang nagbago ang ekspresyon ng mukha ni miss labanos. Halos malukot na ang mukha nya, samantalang kanina, hindi na mabura ang ngiti nya.

Umismid si miss labanos, pero hindi pinahalata sa babaeng katabi ko.

"Sa susunod nalang ako mam Mitch, may trabaho pa kasi ako sa bukid. Si Ava nalang ang dadalhin ko rito."

"Ganun ba? Kung gusto mo, ako nalang ang pupunta sainyo mamaya."

"Talaga?" Excited na sabi ni Iza at binitawan ang kamay ko.

Para namang nanghinayang ako nung hindi ko na ramdam ang mainit na palad nito sakin.

"Basta ba, tuturan mo kong mag-palipad ng saranggola." Tapos umakla sya kay Iza.

Malandi rin 'tong babae na 'to eh!

Pero teka lang parehas naman silang babae, kaya okay lang naman ata yung galawan nila.

Pwera nalang kung, may kakaiba silang nararamdaman sa isa't isa.

"Oo naman, yun lang pala mam eh! Sobrang sisiw lang 'yan kumpara sa mga tinuturo mo sa mga batang dito."

Tapos nagtitigan sila sa harapan ko at nag-ngingitian na tila ba, sila lang dalawa ang tao dito.

Umubo ako ng peke, para naman makuha ko ang atensyon nila.

Ngumisi ako nung lumingon sila sakin

"Ah mam Mitch, si mam Jessica nga pala. Anak ni boss Jesse. Guro rin sya tulad mo."

"Talaga? So, may balak ka rin magturo rito?" Mataray na tanong nung Mitch.

"Hindi, nagbabakasyon lang ako dito," matabang na tugon ko.

"Pero akala ko?" Malungkot na saad ni Iza.

"Ayaw ni Papa eh. Gusto nya sa maynila ako magturo, dahil wala naman daw akong mapapala dito."

Matamlay na tumango si Iza. "Sabagay, wala naman kasi kaming maibabayad sainyo."

Hindi ako nakapag-salita sa tinuran niya. parang bigla akong nakunsensya.

"Konti lang talaga yung dedicated sa profession na 'to, yung hindi iniisip ang pera. Ang tangi nais lang ay makatulong."

Aba, mahadera din pala si miss labanos, sarap kaltukan ah.

"Di bali, Deans. Dadalasan ko nalang ang pagdalaw rito, para mas madaming matutunan ang mga bata." Sabi nya ulit sabay ngisi pa sakin.

Dukutin ko kaya 'yang mata mo nang makita mo! Ay teka dinukot ko na pala, so wala na itong makikita, Hahaha.

"Salamat po, mam. Sandali lang ah? Tatawagin ko lang si Ava, para makapag-start na kayo. Tapos babalik narin ako sa bukid," sabi ni Iza at patakbong umalis sa kinaroroonan namin.

Napangiti pa ako nung pinalipad nya yung saranggola. Para talaga 'tong bata.

Nabaling ang atensyon ko sa mga batang inaaya na yung babaeng labanos.

In fairness naman sakanya, maganda sya. Naka-fitted jeans ito at white shirt tapos naka-cup.

Simpleng pormahan, pero litaw parin ang kagandahan.

Kaya lang, hindi parin 'yan uubra sa kagandahan ko, kahit wala pa akong foreign blood no!

Natawa nalang ako sa naiisip ko, bakit ba ako nakikipagkumpentensya sa babaeng labanos na 'to?

Mabilis akong naglakad pabalik sa likod bahay namin.

Pero imbis na umuwi, naglibot pa ako sa kalapit na bukid sa bahay.

Maraming mga taong nag-aani, yung iba naman, eh naggigiling ng bigas.

Meron din na tinataniman na yung naanihan na.

Sobrang sisipag ng mga tao rito, tuloy-tuloy lang sila sa production.

Sila yung may malaking ambag sa trabaho pero samin yung mas malaking prosyento.

Kasi kami ang may-ari ng lupa at mga tao lang sila ni Papa.

"Alam mo bang delikado ang namamasyal sa kabukiran kapag mag-isa" Napitlag ako sa lalaking nagsalita sa tabi ko.

"Lalo na kapag magandang babaeng katulad mo," sabi nya ulit na nakangisi pa.

Tinigyan ko sya mula ulo hanggang paa. Mukhang may kaya ang lalaking 'to.

Naka-short, white shirt at naka-shade lang sya. Pero alam mong nakaka-angat sa buhay dahil sa awra nya.

Maputi syang lalaki at matangkad, masasabi ko rin naman na guapo 'to.

"Are you checking me out?" Inismiran ko sya.

"Ang yabang mo naman sino ka ba?" Mataray na saad ko.

"I'm John Vic, sinamahan ko lang ang Papa ko. Kumuha sya ng supply ng bigas kay Bosss Jesse." Tapos nilahad pa ang kamay nya sa harapan ko.

"Nice meeting you, nalang." Tapos lumakad na ako pabalik sa bahay namin.

"Hey, miss sungit! Hindi mo pa sinasabi ang name mo." Sigaw nya, pero hindi ko na ito pinansin.

Ayoko talaga sa lahat, eh yung mga preskong lalaki.

SaranggolaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon