Chapter Thirty-One
Jema's
Coloring book agad ang inatupag ni Deanna pagkatapos nyang maligo.
Pinagmamasdan ko sya mula dito sa kusina, nagluluto kasi ako ng hapunan namin.
Nasa paanan ni Deanna si Charlie, kanina pa ito nagpapansin sa bago nyang amo, pero dedma lang si Deanna sakanya.
Ayaw kaya nya ng aso? Mukhang kailangan kong ibalik si Charlie kay Cy ah?
Hanggang ngayon, napapa isip parin talaga ako kung panaginip lang yung nangyari samin kagabi.
Nahihiya naman akong tanungin sya.
Pero may isang paraan para malaman ko kung panaginip nga yun o hindi.
"Tangi!" Napangiti ako nung tumingin sya sakin.
"Maganda yung pelikula na 'yan, tanging ina hindi ba?" Ngumuso ako, "napanood namin ni Peter sa malaking TV sa plaza!"
"Alam mo ikaw?" siniringan ko sya. Tumawa naman ng malakas si Deanna, "anong nakakatawa?" Sabi ko sabay irap sakanya.
"Wala. Tangi!" Ngumiti sya.., napalunok naman ako.
Ibig sabihin ? Totoo yung nangyari kagabi?
Ibig sabihin totoong nakita ko na sya kagabi, tapos umalis lang ulit sya?
Pero sabi ni Cy? Lokong lalaking yun ah!
"Pasensya na kung hindi ako nakapag paalam kaninang umaga. Ang himbing kasi ng tulog mo, eh."
"Tapos pagbalik ko kaninang hapon, wala kana....-" bumulong sya. Ibinulong nya yung huling nyang sinabi.
"Ano yun? Yung huli mong sinabi?"
"Sabi ko gutom na ko," yun ba talaga 'yon?
Pinatay ko ang kalan, lumapit ako kay Deanna at umupo sa tabi nito.
"Namiss mo 'yan no?" Pertaining sa coloring book na kinukulayan nya.
Tumingin sya sakin, "mas miss kita." Sabi ni Deanna tapos ngumiti ng matamis. Jusko.
Nakagat ko ang pangibabang labi ko at natulala lang ako sakanya.
Tumawa sya ng mahina, hinawakan nya ang kamay ko. "Kaen na tayo, tangi. Hindi pa ko nanananghalian, eh."
Tumayo sya, inalalayan nya rin akong tumayo.
Hawak kamay kaming naglakad patungong kusina.
Napatingin kami kay Charlie nung tumahol ito.
"Pwede ba ibalik mo na 'yan sa amo nya? Nandito naman na ko, may kasama ka na."
"Bakit ka ba galit na galit sa aso? Wala naman ginagawa sayo."
"Eh, baka kagatin ako nyan, eh." Yun ba talaga dahilan?
"Mabait 'yan hindi yan nangangagat safe ka. Pero sakin ka mag ingat."
"Bakit?" Ngumisi ako bago ko sya niyakap at walang sabi sabing kinagat ko ang pisngi nya.
"Aaaahhhhhh,,, araayyyyy." Sigaw ni Deanna sabay tulak palayo sakin.
Hinawakan nya ang pisngi nya at tinignan ako ng masama.
Tawang tawa ako habang humahakbang palapit sakanya.
"Wag kang lalapit," inis na usal nito.
"Hahaha, sorry na Baby. Ay tangi pala. Halika na, dito. Wag ka ng magalit. Nanggigil lang ako sayo, kasi namiss kita ng sobra, eh."
BINABASA MO ANG
Saranggola
Fanfiction"kung kamangmangan man ang pagmamahal, pwede mo ba akong turuan?" Basahin po muna sa Realismo, bago umpisahan basahin dito 😊 thanks!