Chapter Seven
Deanna's
Pinapanood lang namin ni Ava si mam Jema habang hinihiwa nito ang sibuyas na dala nya.
Meron din syang dalang patatas na isasahog rin daw nya sa cornedbeff na de lata.
"Tuwing almusal lang namin ito kinakain, pero dahil first time nyo lang ito matitikman kaya ito na ang lulutuin ko para sainyo."
"Masarap po ba yan mam Jema?" Tanong ni Ava.
"Masarap, syempre ako ang magluluto eh, hehehe. Kidding, pero mas masarap yung fresh ng karne ng baka na hindi katulad nitong nasa lata na marami ng chemical ang nilagay."
"Mas masarap po yung karne ng kalabaw," sabi ko. Napatingin sakin si mam Jema, "kapag fiesta dito kinakatay nila yung matatandang kalabaw tapos pinamimigay nila sa buong baryo."
"Hindi pa ko nakatikim nyan ang mahal kasi saka limited lang."
"Sayang, sa susunod na buwan ay fiesta na dito samin at may tatlong kalabaw na nakahanda para katayin."
"Sayang nga. Pero pipilitin ko si Papa na mag-stay pa ako dito kahit mga dalawang buwan pa."
"Talaga po mam Jema? Ibig sabihin po ba mas matagal na araw nyo na kami matuturuan?"
Ngumiti sya kay Ava, "sana lang pumayag si Papa."
Sana nga pumayag si boss Jesse dahil ilang araw nalang ang natitira kay Mitch para turuan ang mga bata taga rito sa baryo.
Malapit narin kasing magpasukan kaya magiging abala na ito sa bayan.
Maiiwan na naman ang mga batang katulad ni Ava na hindi kayang makapag-aral.
Malayo kasi ang bayan kahit pa may mga bumabiyahe na patungo roon.
Tanging mga batang may kakayahan lang mangbayad ang makakasakay sa sasakyan iyon.
Sa ngayon, kalahati ng bata sa baryo namin ang nakakapag-aral sa bayan.
Hindi katulad nung bata pa ako, mabibilang lang sa daliri ang nakakapag-aral sa baryong ito.
Kaya sana nga, pumayag si Boss Jesse para kahit papano may matutunan manlang si Ava at mga bata taga dito.
Kahit magbasa, magsulat at magbilang lang, kahit wala na yung papel na tinatawag nilang diploma. Sobrang laking tulong na 'yun para hindi sila lumaking mang mang katulad namin.
"Deans, saan ko pala 'to pwedeng lutuin?" Napangiti ako sa tawag nya sakin.
Si Mitch ang unang bumansag sakin ng alyas na iyan.
Masyado daw kasing pangbabae yung Deanna kaya tinawag nya kong Deans, at bagay naman daw sakin.
Ang kyut daw parang ako?....
"Oh, anong ibig sabihin ng ngiti na 'yan?" Agad akong umiling.
"Pangalawa palang po kasi kayong tumatawag sakin ng ganyan."
"Sino yung una, yung nobya mo?"
"Iza po ang tawag ni tiya Kat kay tiya Dina, silang dalawa lang po ni Nanay ang tumatawag nun sakanya."
Sabay kaming tumingin kay Ava, napaka-daldal talaga ng batang 'to.
"Ahm,, mam Jema. Magpapa-apoy muna po ako sa kalan at magsasaing narin."
Ilang minuto lang ang tinagal ng pagsasaing ko at si Mam Jema na nga ang gumagamit ngayon ng kalan naming de kahoy.
"Ang old school nyo parin magsaing no? Sa kahoy na nga tapos sa palayok pa."
BINABASA MO ANG
Saranggola
Fanfiction"kung kamangmangan man ang pagmamahal, pwede mo ba akong turuan?" Basahin po muna sa Realismo, bago umpisahan basahin dito 😊 thanks!