29

2.5K 111 10
                                    

Chapter Twenty-Nine

Jema's

Naalimpungatan ako. Tila ba may sumisiksik sa pagitan ng leeg at balikat ko.

Bahagya ko syang sinilip, napangiti ako at niyakap sya.

"I love you, tangi!" Hinalikan ko ang noo nya bago muling ipinikit ang aking mga mata....


Nagising ako sa sikat ng araw, tumatama ito sa mukha ko, galing sa bukas na bintana.

Agad kong ginawang panangga ang braso ko upang hindi ako masilaw.

Kinapa ko rin ang kama pero wala na kong katabi. Nakangiti akong bumangon sa kama.

Niligpit at inayos ko muna ito bago lumabas sa kwarto namin ni Mafe. Simula nung umalis si Deanna dito na ko natutulog.

Feeling ko kasi nandito parin sya kapag nandito ako... pero nandito na talaga sya... , bumalik na sya.

"Deans," bumaba ako sa hagdan at dumeretso sa kusina.

"Tangi?" Napangiti ako sa binigay nyang endearment namin.

"Nandyan ka ba sa banyo?" Pero walang sumasagot.

"Deans? Nandyan ka ba?" Kinalampag ko na ang pinto, wala talagang sumasagot.

Hindi naman pala nakalock at wala ngang tao sa loob.

Nasaan na yun?

Sa laundry area naman ako tumungo katabi ng banyo.

Hinanap ko yung damit nyang nilabhan ko pero, wala?

Wala rin sa laundry box yung damit na suot nya kagabi.

Panaginip lang ba lahat ng yun? Mula sa pagkakakita ko sakanya sa parking ng circle?

Yung nangyari samin kagabi? Panaginip lang ba lahat yun?

Pero yakap ko pa sya kaninang madaling araw? Panaginip din ba yun?

Hindi... ,baka lumabas lang. Baka may binili lang!

Umupo ako sa upuan ng lamesa sa kusina habang walang tigil sa pag agos ang luha ko.

Nakakabaliw!

Akala ko nakita ko na sya, panaginip lang pala!

Deanna, please! Bumalik kana!

Sobra na kong nag-aalala sayo.., hindi ko na alam kung ano ng nangyayari sayo.. please! Umuwi kana..., miss na miss na kita!

---

"Hello, Ma!" Sagot ko sa tawag nya bago humiga sa kama.

"Happy Sunday, anak. Kamusta ka naman dyan? Tinanghali ka ata ng gising, kanina pa ko tumatawag."

"Okay naman po, Ma. Hanggang ngayon, wala paring balita kay Deannam"

"Kawawa naman ang batang yun. Nahihirapan narin akong magtago kay Judin tungkol dyan, eh."

"Si Ava, lagi akong binabantayan kung tatawagan kita. Miss na miss na daw nya ang tiya nya."

"Basta po sabihin nyo nalang na nag-aaral ng mabuti si Deanna, ginagawa ko naman po lahat para mahanap sya, eh."

"Baka naman hindi mo na inaalagaan ang sarili mo sa kakaisip sakanya, anak."

"Ayos pa po ako Ma, wag kayong mag-alala. Kumakain pa naman ako ng masarap."

"Pero si Deanna, hindi ko alam kung kumakain ba sya? Kung may nasisilungan ba sya? Lalo na't tag-ulan na. Nakakatulog ba sya ng maayos? Nakakatulog ba sya? Okay ba sya? Maayos ba sya? Sobra na kong nag-aalala sakanya, Ma!" Bumuhos na naman ang luha ko.

SaranggolaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon