48

2.8K 159 46
                                    

Chapter Fourty-Eight



Jema's



"Anong ginagawa mo rito Jessica?" Magkasalubong ang mga kilay ni Papa.

Siya agad ang bumungad samin pagkalabas palang namin sa gilingan nito.

Mabilis rin inalis ni Deanna ang pagkakahawak sa kamay ko lalo na't doon nakatingin si Papa.

"Dinalhan ko lang kayo ng lunch Pa," ngumiti ako ng matamis.

"Alam mong umuuwi ako sa bahay para mananghalian, alam mo ring hindi ako nagtatagal dito." Matabang na sagot nito.

"Si Deanna Pa, wala syang baon kaya sinabay ko na rin ang lunch nya."

"Tigilan mo ang pagiging malandi Jessica!"

"Si Papa naman!!!" Nakakainis!! Napatingin samin yung ibang tauhan nya.

Napansin kong puro lalaki ang worker dito ni Papa, mukhang si Deanna lang ang nag-iisang babae.

Ano kayang pumasok sa isip ng Papa ko at bigla nalang nyang pinasok si Deanna dito?

"Bakit ba hindi ka pa sumabay kay Mafe sa pagluwas ng maynila?"

"4 days palang ako dito. Pinapa-uwi nyo na ako agad!" Nakangusong saad ko. "Bukas pa ko uuwi, sa lunes pa naman mag sstart ang paghahanda para sa pasukan, may oras pa ko para mag-stay dito."

"Ikaw rin naman ang may kasalanan kung bakit maikli lang ang araw ng bakasyon mo. Masyado ka kasing nag.iinarte!" Bad trip talaga tong Papa ko, nakakainis na talaga!!!

Tinignan nya si Deanna, "bumalik ka agad pagkatapos mong kumain" at lumakad na palayo samin.

"Pa, nasa office yung lunch mo!" Sigaw ko bago ito nawala sa paningin namin ni Deanna.

Mukhang hindi naman sya uuwi dahil kung uuwi talaga sya dapat kanina pa.

Hindi naman talaga sya inaabot ng tanghali dito sa gilingan.

"Akala ko talaga umalis kana," napatingin ako kay Deanna.

"Sabi ko naman sayo 2-3 days pa ko dito diba? Kaya lang hanggang 2 days lang ang kinaya. Tara na nga, kumain na tayo. Mamaya pagalitan na naman ako ni Papa, eh." Hinila ko si Deanna, dinala ko sya sa lilim ng puno ng sampalok sa di kalayuan sa gilingan ni Papa.

Nilatag ko ang dala kong kumot at nilagay dun ang baon kong pagkain para kay Deanna.

"Sabi ni Nanay Judin paborito mo daw ang pinangat na tulingan."

"Minsan lang kasi ako makakaen nya  kaya nasabi kong paborito ko."

"Bakit hindi mo 'yan nirerequest noong nasa maynila pa tayo?"

"Mas masarap kasi iyong niluluto mo, eh. Lalo na yung pakpak ng manok na prinito. Paborito ko na yun."

"Hayaan mo mamaya magluluto ako nun."

"Huwag ka ng mag-abala pa," tanggi nya.

"Last day ko na dito, huwag ka ng magreklamo." Nilagyan ko ng kanin at ulam ang plato nya, "Kaen na." Utos ko.

Ngumiti naman sya at nag-umpisa ng kumain.

"Nagturo ka ba sa mga bata ngayon?"

"Oo. Wala pa si labanos mustasa, eh."

"Baka hindi narin sya magturo kung sakaling magaling na sya. Mag uumpisa na ang eskwela, t'yak magiging abala na sya sa bayan."

Tumitig sya sakin, "Bakit?" Ilang na tanong ko.

SaranggolaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon