8

2.1K 116 57
                                    

Chapter Eight




Jema's




Matuling lumipas ang mga araw at two weeks na pala akong nagtuturo sa mga batang taga rito sa baryo.

Pero si Deanna kahit isang beses hindi ko sya nakitang nakisali samin.

Huling kita ko sakanya, kasama pa nya si Mitch sa huling pagtuturo nito sa mga bata.

Last week pa ata yun? Kaya ako nalang talaga ang nagtuturo sa mga bata dito.

Maghahanda na daw kasi si labanos mustasa sa para sa susunod na pasukan sa bayan.

Haysss, dalawang linggo nalang akong mag iistay dito pero yung totoong dahilan, kung bakit pumayag akong magturo, wala naman.

Tinanung ko sya kay Ava, ang sabi nya nagsasaka daw ulit ang tiya nya.

Binaba na nga rin sya dito kay Nanay este kay manang Judin pala, hehehe.

Nasaan kaya yung babaeng yun?

Natatakot naman akong puntahan sya mag-isa sa kubo nila.

Baka kasi maligaw ako, kahit dalawang beses na akong nakapunta sa kubo nila Deanna, hindi ko parin kabisado yung daan.

Nakakamiss makita yung cute nyang mukha.

Napangiti ako nung maalala ko yung itsura nya nung huli kong punta sa kubo nila.

Sobrang na amaze talaga ako sa mga fireflies lalo na yung nasa kamay ni Deanna.

Umiilaw kapag binubuksan nya yung mga palad nya.

Pero mas natuwa ako sa mukha nya nung namula sya pagkasabi nya ng salitang "ang ganda nga," tapos nakatitig pa sya sakin.

Natalo ng kilig ko yung kilig nya hahaha, kasi bigla syang nagpaalam na matutulog na eh.

Hindi naman ako manhid sa mga ganung bagay kaya alam kong dahil sakin yung pamumula nya.

Hahaha, assumera lang.

"Mam Jema, tapos na po." Napitlag ako sa pagtawag ni Ava sakin.

Ang swerte ng bata to dahil pagkatapos ko syang turuan kasama ng ibang bata.

Nandito naman kami sa teresa namin at one on one ko syang tinuturuan.

"Wow ang ganda naman, very good Ava," pinadrawing ko kasi sya ng flowers na nasa coloring book.

"Talaga po? Papakita ko to kay tiya mamaya, tyak matutuwa yun."

"Pupunta sya mamaya?" Parang naexcite naman ako.

"Hindi po ako sigurado pero sabi ni Nanay may ibibigay daw po si tiya sakanya."

"Saka po, sabi ni tiya malapit na daw po syang pumunta ng maynila mahahanap na daw po nya ang mama ko."

Teka, hindi ko pa napagpapaalam kela Papa na isasabay ko sya.

Hindi rin ako sigurado kung isasabay ko nga sya, kasi wala namang kasiguraduhan ang magiging buhay nya dun.

Baka lokohin lang sya ng mga halang ang bituka sa siyudad.

Baka maligaw lang sya dun o maligaw sya ng landas kung sakali.

"Magiging janitor na daw po sya, mapag-aaral na daw po nya ko sa bayan, katulad ng pangako ni Mama sakin noon."

"Pero simula nung umalis sya hindi na sya nagparamdam samin, natatakot ako na baka makalimutan din kami ni tiya, kapag nasa maynila na sya." Lumungkot ang mukha ni Ava.

SaranggolaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon