Chapter Forty
Deanna's
Yung dating kubo lang na silid aralan ni Ma'am Jema.
Parang silid aralan na talaga.
Konkreto na ang ilalim nito ngunit kawayan parin naman ang mga dingding at pawit parin ang bubong nito.
Ang kaibahan lang, kumpleto sa upuan ang mga batang mag-aaral dito.
Kumpleto narin lahat ng gagamitin ni Mitch sa pagtuturo.
Hindi ko alam na ganito pinaghandaan ni sir Jesse ang bakasyon ng mga bata.
Siguro'y bumabawi sya sa mga kasalanang nagawa nya sa aming mga kabaryo.
Ngunit tanging ako lang naman ang may alam na may kinalaman si Sir Jesse sa illegal na gawain ng mga De Guzman.
Kaya siguro noong pinakiusap ko kay Nanay na kausapin nya ito upang makapagturo si Mitch sa maliit na kubo na ipinagawa nya para kay Ma'am Jema, pumayag agad ito...
Nilapag ko ang mga gamit ni Mitch sakanyang lamesa.
"Papaano maiwan na muna kita?"
"Hindi kaba makikihalubilo sa mga bata?"
"Hindi na. Buwan ng anihan ngayon, masyado akong abala sa bukid."
"Sayang, kung hindi lang sana ako nagtuturo sa bayan kapag hindi anihan, titipunin ko sana ang mga nakakatanda rito para sila rin ay maturuan."
"Sapat ng tinuturuan mo ang mga kabataan rito. Malaking bagay na yun. Saka isa pa, hindi ba't may ALS naman na sa susunod na iskwela?"
"Yun nga ang problema. Nagpasurvey kami, maraming nagsabing hindi sila tutungo sa bayan upang mag-aral lang. Malaking abala raw 'yon sa kabubayan nila. Kung maaari lang daw dito nalang sa baryo natin gawin ang ALS na yun."
Napakamot ako. Sabi ko na nga ba't marami paring hindi papasok kung sakaling may ALS na nga dito samin.
Hindi naman maaari ang suhesyon nila, dahil hindi lang naman ang baryo namin ang kailangang turuan.
"Sana kasi dumami pa ang katulad mong gustong matulungan ang mga katulad namin."
Ngumiti sya. Napalunok ako, lumilitaw kasi ang mapuputi nitong ngipin na bagay talaga sakanya.
Sobrang ganda ni Mitch kapag ngumingiti sya lalo na kapag tumatawa. Kumikinang ang ganda nya.
"Deans, bakit namumula ka? Ikaw ah? Hahaha," kinurot nya ang pisngi ko.
Hindi ako nakagalaw tila naestatwa lang ako dito at nakatulala sakanya.
Lalo naman natawa si Mitch at lalo rin nyang kinurot ang mga pisngi ko.
"Ang cute mo," napangiti narin ako.
"Bitaw!!!" Napitlag kami sa babaeng palapit na ngayon sa loob ng kubo. "Sinong may sabi sayo na pwede mong gamitin 'tong kubo ko?" Halos pasigaw nitong sita kay Mitch.
Hindi kami nakagalaw ni Mitch sa kinatatayuan namin nakahawak parin ito sa pisngi ko.
"Sabi ko bitawan mo diba?" Mataray nitong utos kay Mitch.
Napangiti naman sya at unti-unting binitawan ang mga pisngi ko.
Ngayon ko lang din naramdaman ang lakas ng kabog ng dibdib ko.
Parang may karera ng kabayo sa puso ko sa bilis ng tibok nito.
"Ngayon, sagutin mo ang tanong ko. Sino nagbigay sayo ng karapatan para gamitin 'tong kubo ko?"

BINABASA MO ANG
Saranggola
Fanfic"kung kamangmangan man ang pagmamahal, pwede mo ba akong turuan?" Basahin po muna sa Realismo, bago umpisahan basahin dito 😊 thanks!