Chapter Thirty-Nine
Jema's
"Goodbye class, see you next school year!" Nakangiting paalam ko sa buong klase ko.
"Awwwww!" Natawa ko. Lahat kasi sila nakanguso.
"Ma'am grade 7 lang naman tinuturuan mo di ba? So, hindi na tayo magkikita next school year." sabi ni Dexter.
"Bakit hindi ka na ba dito mag-aaral?" Nagtawanan sila.
"Oo, nga naman. Bugok ka talaga Dexter, eh." Binato sya ng papel ng mga kaklase nya.
Napangiti at napa iling nalang ako.
"Tama na yan. Magstart na kayo sa clearance nyo."
"Ahm, Ma'am. Ano pong requirments nyo para sa clearance?"
"Complete notes, lang. Pero syempre, unahin nyo muna ang ibang teachers nyo."
"Yes, Ma'am!" Nagsitayuan sila at naglakad palabas ng classroom.
"Uyyyy, pakopya ng mga notes nyo," Sigaw ni Allan.
Lagi kasing absent kaya malamang kulang kulang talaga notes nyan.
Napansin kong naiwan si Danna na ngayon palang inaayos ang mga gamit nya.
"Ano ba, bilisan mo naman." Iritang tawag sakanya ni Jessa.
Nasa pinto ito hinihintay ang Bestfriend nya.
Pero duda ako kung magbestfriend nga lang sila.
Kakaiba kasi ang mga kilos nila hindi usual na magbestfriend.
Katulad nyan, nanggagalaiti si Jessa kay Danna hindi naman gawain ng matalik na magkaibigan lang yun.
Napahinga ako. Nakakamiss din yung may lalambingin ka kapag galit sya.
Nakakamiss yung may lumalambing sayo kapag galit ka.
"Hoy, besh." Napatingin ako kay Kyla nasa tapat ito ng pinto. " Tulaley ka naman dyan, lika na maglunch na tayo."
"Bakit ikaw lang? Nasaan si Cy?" Ngumisi naman ang gaga.
"Uyyyy, namimiss nya ang fake boyfriend nya, hahaha."
"Sira!" Inismiran ko sya at nauna ng maglakad sakanya.
"Kailan nyo ba tototohanin ang pagkukunwari nyo ah?"
"Hindi naman kami nagkukunwari ah? Magkaibigan lang kami ni Cy."
"Pero hindi naman yun ang alam ng lahat."
"Bahala sila kung ano ang gusto nilang isipin. Saka, matagal narin naman yung huling kunwaring monthsary namin."
"Last year pa yun," kami pa ni Deanna.
Napapikit ako nung maalala ko na naman kung paano ako iniwan at sinaktan ng babaeng yun.
Tama sya, hindi ko akalain na mapapaniwala nyang mahal at gusto nya talaga ako.
Gumanti lang pala sya.
Ginantihan nya lang pala ako.
Napahinga ako nang malalim.
"Okay ka lang mars?" Ngumiti lang ako kay Kyla.
Hindi ko na dapat iniisip ang mga bagay na yun.
Sobrang tagal na nun. Pero kasi, sariwa parin sa alaala ko lahat nangyari ng gabing yun.
Yung sakit na naramdaman ko noon, bumabalik kapag sumasagi sa isip kong......
....pinaglaruan lang ako ni Deanna.
BINABASA MO ANG
Saranggola
Fiksi Penggemar"kung kamangmangan man ang pagmamahal, pwede mo ba akong turuan?" Basahin po muna sa Realismo, bago umpisahan basahin dito 😊 thanks!
