27

2.4K 133 15
                                    

Chapter Twenty-Seven

Jema's

Hanggang ngayon hindi parin mawala sa isip ko na nakita ko si Deanna...

Nakasabit sa jeep, sobrang dungis. Mas marumi pa sya ngayon kesa nung nasa probinsya at nagbubukid.

Ngayon, hindi na palay ang buhat nya kundi basura... katulad ng ibang nangyari sa mga taga probinsyang nakipagsapalaran sa maynila. Ganun na ang buhay ni Deanna.

Napapikit ako. Hindi ko pa nga nasasabi kay Nanay Judin na wala na sa puder ko ang anak nya dahil ayokong mag-alala sya.

Ngayon, paano ko rin sasabihin sakanya na iba na ang buhay ngayon ni Deanna? Pinangako ko sa sarili ko, ipinangako ko na iibahin ko ang kapalaran ni Deanna. Sabi ko hindi ko hahayaang matulad sya sa ibang taga probinsyang naligaw ng landas... Pero,... ito rin ang nangyari.

"Jema, okay ka lang?" Tumingin ako kay Cy na nagmamaneho na ngayon papuntang circle.

Hindi ako makatanggi sakanya dahil sinundo nya ko... tapos sabay sabing hindi daw makakasama si Kyla.. Nakakaini,  hindi na ko makatanggi dahil sakay na kami ng kotse nya..

Tumango lang ako kay Cy at ibinalik ang pansin sa labas ng bintana.

"Sobrang mo syang gusto no?" tanong ni Cy, ngumiti ako.

"Wala namang special na ginagawa sakin si Deanna.. pero,.. tama ka. Sobrang gusto ko sya."

"Masaya lang ako kapag nakikita ko sya..., natutuwa ako kapag sobrang inosente nya.. Gustong gusto ko yung makapal nyang kilay, yung maganda nyang ngiti, yung singkit nyang mga mata, nawawalan kapag tumatawa sya, yung nakakahawa nyang tawa."

"Gustong gusto ko si Deanna, gustong gusto ki ang lahat sakanya. Namimiss ko na sya," may inabot na  panyo sakin si Cy,... lumuluha na pala ako.

"Namimiss ko na yung pagtatanong nya sakin... yung pangungulit nya, kapag gusto nyang makuha yung bago kong tinuro sakanya.."

"Namimiss ko na syang nakawan ng halik kapag natutulog sya," bahagya akong napaawa. "Sobrang pula kasi ng labi nya ang sarap halikan."

"Namimiss ko nang titigan ang mukha nya, haplosin ang mga pisngi nya," natawa ulit ako, "ang sarap kurutin."

"Hindi ko yun pwedeng gawin kapag gising sya, kasi alam mo, magagalit yun."

Natawa narin si Cy.

"Kapag bumalik na sya sakin.. turuan mo kong manligaw ah?" Lalo syang natawa.

"Parang hindi ata bagay kay Jema Galanza ang manligaw?"

"Wala akong choice, eh. Hindi nya ko gusto kaya kailangan ko mag-effrort para magustuhan nya ko." Pinunasan ko ang luha ko, "ayyy wait. Ayaw nga pala nyang ipakita ko sakanya na mahal ko sya."

"Mahirap nga 'yan, yung tipong makukuntento ka nalang na mahalin sya sa malayo, kasi hindi nya kayang ibalik yung pagmamahal mo."

"Ang sakit ah?" Tinignan ko ng masama si Cy tapos ang loko tumawa ng malakas.

"Pero Jema..., paano kung gusto karin nya?"

"Syempre masaya..., yun nga yung gusto di ba?"

"Pero bawal 'yan sa profession natin tapos nagsasama pa kayo sa iisang bahay."

"Bakit si Sir. Dean? May asawa't mga anak na sya pero lumalandi parin sa iba? Kasalanan ang tingin nila sa pagmamahalan ng katulad namin?"

"Pero kasalanan din naman ang mangaliwa lalo pa't kasal di ba? May nagsumbong ba sakanya sa DepEd? Wala naman?"

SaranggolaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon