Chapter Two
Deanna's
"Ava!!!!" Humahangos na tawag ko sakanya.
"Bakit po tiya?" Gulat na saad nito habang palabas sa bahay namin na gawa sa kawayan.
"Halika. Dalhin mo ang iyong mga kagamitan sa pag-aaral, naroon na si titser Mitch sa malaking puno at nag-uumpisa ng magturo."
Mabilis nagbago ang ekspresyon nito at agad na bumalik sa loob ng kubo.
Isang lumang notebook ang dala ni Ava, paglabas nya at isang maliit na lapis.
Napulot ko lang 'yan sa bayan nung huling punta ko roon para magdala ng telegrama para sa ate ko na nasa maynila.
"Halika na po tiya Dina," sabay hatak palayo sakin ni Ava.
"Sandali," pigil ko sakanya at binuhat ito para mas mabilis kaming makabalik kung nasaan sila Mitch.
Tawa kami ng tawa habang mabilis akong tumatakbo.
Hinawakan ni Ava ang saronggola at inangat ito sa ere.
Mabilis itong tinangay ng hangin at lumipad ng mataas.
Ang sarap pagmasdan ang katuwaan ng batang karga ko.
Nakikita ko ang sarili ko sakanya, simpleng saranggola lang ay masaya na kami.
Pero pipilitin kong huwag itong magaya saking lumaking mang-mang at tanging bukid nalang ang nakikitang pag-asang mabuhay...
"Ga...galingan mo ah?" Hingal na saad ko at binaba si Ava.
"Opo tiya, ituturo ko rin po sayo ang matutunan ko kay titser."
Ngumiti ako. "Sige, punta na dun," turo ko kung nasaan sila Mitch.
Mabilis naman syang tumakbo papuntang lilim ng malaking puno.
Kumaway muna ako kay Mitch bago tuluyan lumakad palayo sa mga ito.
Kailangan ko naring bumalik sa bukid dahil maraming ani ng bigas ngayon.
Habang naglalakad ako pabalik sa bukid, hindi ko naiwasan isipin yung sinabi ni mam Jessica.
Napa-ismid ako.
Nangako pa sya nung bata kami tapos bigla nalang hindi nya tutuparin?
Sabagay ano nga bang aasahan ko sa taong hindi ko naman lubos na kakilala?
Bata pa kami noon, malamang nasabi nya lang nya 'yon dahil naawa sya sakin.
Buti nalang talaga nandyan si mam Mitch, hindi lang maganda, mabait pa.
Napangiti ako.
Nasasabik ako sa isiping tuturuan nya ko mamayang gabi.
Madalas nakatanaw lang ako sakanila kapag nagtuturo sya.
Napapasabay sa pagbibilang nila at pagbikas ng abakada pero hindi ko iyon naisusulat o nababasa.
Tanging pangalan ko lang ang kaya kong basahin at isulat.........
Nahinto ang pag-iisip ko nang malapit na ako sa bukid at naaninagan ang isang babae.
Napakunot ang noo ko, tila pamilyar ang babaeng ito.
Mukhang dayo sya, dahil tila hindi nya alam ang pabalik kung saan man sya galing.
Aligaga kasi ito at hindi mapakali sa kinatatayuan niya.
"Ahm," napitlag sya sa pagtawag ko, "naliligaw ka ba?" Agad syang napatango.
"Kanina lang nakikita ko pa ang bahay namin sa gawi dun," sabay turo sa dereksyon ng bahay nila boss Jesse.
BINABASA MO ANG
Saranggola
Fanfiction"kung kamangmangan man ang pagmamahal, pwede mo ba akong turuan?" Basahin po muna sa Realismo, bago umpisahan basahin dito 😊 thanks!