26

2.2K 121 9
                                    

Chapter Twenty-Six

Deanna's

"Ate Deans, oh." Tningala ko si Peter, may inaabot ito saking sorbetes.

"Sabi nila nagbibigay daw ng saya ang pagkain ng matamis.., lalo na ang chocolate. Kapag nalulungkot ako, ice cream na chocolate flavor ang binibili ko, hahaha. Ito lang kaya ng bulsa ko, Eh."

Medyo natawa sya bago umupo sa tabi ko.

"Alam ko, iba ang lungkot na nararamdaman mo ngayon kesa sa lungkot na nararamdaman ko ate Deanna. Pero sana, kahit papano mabawasan yun ng ice cream na 'yan."

"Maraming salamat, Peter." Sabi ko at inakbayan sya.

"Wala yun, no? Pakiramdam ko talaga totoo kitang kapatid."

"Ako rin, kakaiba talaga yung galak na nararamdaman ko kapag kasama kita. Katulad kapag kasama ko si Ava.., mali mas masaya ako kapag kasama kita. Sobrang palagay ng loob ko sayo!"

Ngumiti sya, "sobrang ganun din ako sayo ate Deans."

Nginitian ko rin si Peter, "gusto mong magpalipad ng saranggola?"

"Hindi ako marunong nung nasa bahay pa ko.., puro computer games ang pinaglalaruan ko."

"Nung napunta naman ako kela Nanay..., itong pangangalakal agad ang natutunan ko."

"Tuturuan kita. Sa probinsya.. 'yan lang ang tanging laruan namin ni Ava. Yan lang din ang tanging laruan ko nung bata pa ko."

"Talaga? Dito kasi sa maynila bihira na maglaro ang mga bata sa labas lalo na yung may mga kaya. Ang makikita mo nalang na mga batang naglalaro sa labas, yung mga taga iskwater na katulad satin."

"Pero limitado rin..., kasi nga mas gugustuhin nalang namin maghanap buhay kesa maglaro at mag-aral."

"Ganyan rin ang nararanasan namin sa probinsya..., bata palang kami hinubog na kami para sa bukid. Wala ng oras para mag-aral. Aksaya lang daw sa panahon at pera."

Tumingin kami ni Peter sa mga batang nagpapalipad ng saranggola.

"Wala ng open field na pwedeng paglaruan ng mga bata kaya madalas dito sila dumadayo..., sa malawak na parkeng ito."

"Tara. Gawa na tayo ng saranggola..., tuturuan kitang magpalipad."

---

"Mahilig ka pala talaga dyan no? Bukas makakakita ka ng umiilaw na saranggola ng walang pisi... Para silang malalaking fireflies... Lantern festival ang tawag dun."

Fireflies? Napangiti ako, naalala ko na naman nung palibutan sya ng maraming alitatap.

Para syang batang hinahabol yun at sobra syang namangha lalo na nung pinakita ko sakanya ang nasa loob ng mga palad ko.

Sobrang ganda... sobrang ganda nya...

"Uyyy, si ate Deans. May naalala," nabalik ako sa wisyo sa katyaw sakin ni Peter.

"Marami kasing alitatap sa probinsya namin."

"Siguro palagi nyong pinapanood nung namatay mong jowa yun no?"

"Sanay na kami ni Kat sa alitaptap.. bata palang kami lagi na namin yun nakikita."

"So, iba pala ang naiisip mo? Ikaw ah? Yung titser yun no?"

"Masyado kang malisyoso..., paliparin mo na nga to." Inabot ko kay Peter ang gawa kong saranggola.

"Sige. Turuan mo ko."

Matyaga kong tinuruan si Peter kung paano ipatangay sa hangin... ang saranggola.

Natatawa nalang ako kapag hindi nito makuha ang tamang paraan para paliparin ito..., palagi kasing bumabagsak.

SaranggolaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon