36

2.5K 120 12
                                        

Chapter Thirty-Six



Deanna's


Napalunok ako nung masalubong ko ang Papa ni Peter, palabas ito ng entrada ng iskul nila, papasok naman ako.

Tinitigan nya ko mula ulo hanggang paa, "parang pamilyar ka?" Sabi nya. "Nagkita na ba tayo? Or kilala ba kita?" Tanong nya ulit nang hindi ako sumagot.

"Ngayon lang po tayo nagkita Sir!" Kinakabahang sagot ko.

Tinignan nya ko ulit mula ulo hanggang paa.. ,napalunok ulit ako.

"Deans," tawag ni Jema sakin. "Anong ginagawa mo dito?" Hinawakan nya ang kamay ko at niyakap ang braso ko.

"Deans?" Pag uulit ng Papa ni Peter, "tama ba? Parang magkapangalan tayo."

Nagkatinginan kami ni Jema bago ako muling nagsalita, "Deanna po ang pangalan kom"

"Deanna." Pag-uulit nyang muli, "alam mo bang ang pangalan na 'yan ang gusto kong ipangalan sa magiging anak kong babae?"

"Kaya lang, Nicole ang ipinangalan ng asawa ko sa panganay namin. Sa mga  anak ko nalang na lalaki naibigay ang pangalan ko."

Tumitig sya sakin at ngumiti, "sana Deanna rin ang pinangalan nya sa naging anak namin."

"Sana sinunod nya ang suggestion ko na Deanna ang ipapangalan nya sa anak namin kung naging babae ito."

Kakaiba ang nararamdaman ko habang nagsasalita ang Papa ni Peter.

Tila ba may kakaibang koneksyon ang kumukonekta saming dalawa.

Hindi ko maintindihan pero tila gusto ko syang yakapin sa mga oras na ito.

Huminga ako nang malalim bago muling nagsalita, "si Dean Peter, nakilala ko po ang anak nyo."

"Sana po hanapin nyo sya, sana bigyan nyo po sya ng magandang buhay. Hindi na po sya nag-aaral ngayon, ayaw rin nyang umuwi dahil natatakot sya sa bagong asawa ng Mama nya."

Hindi nagsalita ang papa ni Peter, nakatingin lang ito sakin. Tila ba kinakabisado ang lahat ng parte ng mukha ko.

Ngumiti sya, "hindi ko sya pwedeng kunin. Pag aawayan namin yun ng asawa ko. Isa pa, hindi pwedeng malaman sa school na ito na mayroon akong anak sa labas."

Ngumisi sya kay Jema, "mukhang may pangblock mail ka narin sakin." Tapos sumeryoso ang mukha nito, "wag kang magkakamali."

Humigpit ang yakap at pagkakakapit sakin ni Jema.

"Alam ko na kung saan kita nakita," baling muli sakin ng Papa ni Peter. "Ikaw yung kasama ni Miss. Galanza sa picture, ikaw yung kasama nya sa bahay "

"Opo, Sir. Sya po yung Bestfriend ni Jema." Bestfriend? Matalik na kaibigan.

"Cy!" Saway ni Jema sa lalaking halos kararating lang.

Napangiti ako nang mapait naalala ko na naman yung pinanood sakin ni Chiara kanina.

"Jema, umuwi na tayo. Nagugutom na ko." Tila may bumura sa lalamunan ko at tila may gusto ring kumawala sa mga mata ko.

"Sige. Tara na. Ahm, Sir mauna na po kami." Paalam nj Jema sa papa ni Peter, hinila nya ko palabas ng iskul nila.

"Teka, Jema. Hatid ko na kayo!" Habol ni Sir Cy samin.

Tumingin si Jema sakin, umiling ako.

"Next time nalang Cy, may pupuntahan pa kami kasi ni Deanna."

SaranggolaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon