Chapter Nine
Deanna's
Nanginginig ang buong katawan ni mam Jema.
Buti nalang nakita ko syang tumatakbo kanina kaya sinundan ko sya.
Papunta narin dapat ako sakanila para ibigay kay nanay yung perang napagbentahan ko ng gulay kanina sa bayan.
Pangdagdag pamasahe ko papuntang maynila.
Mga ilang araw nalang paalis na si Luigi pero kulang parin ang naiipon naming pera ni nanay.
Baka sa susunod na anihan pa yung sweldo ko sa sinasakahan kong bukid ngayon.
Baka hindi na din ako makasabay sakanya, sayang naman. Sabi ni Luigi, may mapapasukan na daw ako dun eh. Sayang kung palalampasin ko pa 'to.
Kaya lahat ng gulay na pwede kong ibenta, binenta ko na. Para naman kahit papano maka-ipon ako, para makasama ako kay Luigi pagbalik nya sa maynila.
Halos hindi ko na nakikita si Ava, maghapon ako sa bukid para mgasaka tapos sa hapon hanggang gabi nagtitinda ako sa bayan.
Nangungulila na ako sa batang yun.
Medyo pagod narin ako pero kailangan kong tiisin para mahanap ko si ate sa maynila.
Para makapagtrabaho para mapag-aral ko si Ava.
"Iza," nanginginig na talaga si mam Jema.
Nakapasan sya sakin habang sinusuong namin ang malakas na ulan papuntang kubo ko.
Kung ibababa ko pa sya sa bahay nila masyado na kaming gagabihin.
Masyado na itong basa sa ulan kahit ako rin naman dahil binigay ko sakanya yung dahon ng niyog na ginawa kong panangga sa ulan.
Agad ko syang inupo sa kawayang upuan sa kubo pagkarating namin dun.
"Sandali lang mam Jema, kukuha lang ako pamalit."
Dali-dali akong pumasok sa kubo at kumuha ng damit.
Isang malaking t-shirt ang nakuha ko at pantalon.
"Ito po. Magpalit ka na. Magpapainit lang po ako ng tubig para makapagkape rin kayo."
Tinanggal ko muna sa ulo nya ang dahon ng niyog bago ako nagpainit ng tubig.
Binuksan ko narin ang mga gasera sa loob ng kubo.
Siguro kailangan ko rin gumawa ng medyo malaking apoy para mawala kahit papano ang ginaw ni Mam Jema.
Pero baka masunog naman ang kubo. Hindi ko na alam ang gagawin ko.
"Ito po, mam Jema. Inumin nyo na muna po ito para mainitan kayo kahit papano."
Nangangatog nya iyong inabot sa kamay ko, "salamat Iza!"
"Ikaw hindi ka ba magbibihis? Baka ikaw ang magkasakit nyan!"
"Sandali lang po, magbibihis lang ako."
"Ok na po ba kayo?" Tanong ko kay mam Jema.
Umupo ako sa tabi nya at naramdaman ko ang panginginig nya.
"Medyo ayos na," tapos inabot nya sakin yung tasa ng kapeng may laman pa.
"Ano po bang dahilan at papunta kayo dito sa kubo?"
"Deanna, sakin kana sumabay papuntang maynila, tutulungan kitang hanapin ang ate mo."
"Pero wala po akong perang pangbayad sainyo, kay luigi po, pamasahe lang ang kailangan ko. Yung mga gagastusin ko dun iiawas nalang daw po sa suswelduhin ko."
BINABASA MO ANG
Saranggola
Fanfiction"kung kamangmangan man ang pagmamahal, pwede mo ba akong turuan?" Basahin po muna sa Realismo, bago umpisahan basahin dito 😊 thanks!
