24

2K 115 9
                                        

Chapter Twenty-four

Deanna's

"Aling Vicky..., Aling Vicky. Yung anak nyo po nahulog sa kanal."

Pinikit ko ng madiin ang aking mga mata. Nagising ang aking diwa sa ingay na yun.

Bumangon ako sa matigas na katre na aming tinulugon nila Peter at Nanay Nelia.

"Magandang Umaga, Dina!"

"Good morning ate Deanna!"

Bati nila saking pareho, ngumiti ako at lumapit sakanila.

Tama na ang pagbigkas ni Peter ng pangalan ko dahil tinama ito ni Chiara, ang sabi pa nga nya magkatunog ang pangalan naming dalawa ni Peter.

At meron din daw kaming hawig sa isa't isa.

"Magandang umaga din po sainyo!"

"Ate Deans, sama ka na sakin, nakakaboring sa pwesto ni Nanay di ba?"

"Naku, Peter!  Baka kung saan-saan mo lang dalhin 'yang ate mo."

"Nay, paano makakabisado ni ate Deanna ang maynila kung pinagbabantay mo lang sya sa tindahan? Gusto ni ate hanapin ang ate nya, paano nya yun magagawa kung kahit itong QC ay di nya kabisado."

Hindi ko alam kung ilang taon na si Peter pero para syang matanda kung magsalita.

"Ahm, Nay. Gusto ko pong sumama kay Peter."

"Sigurado ka ba anak?" Tumango ako.

"Yun!!!" Sigaw ni Peter at tinaas pa ang mga kamay nya sa ere.

"Basta, mag-iingat kayo. Wag na wag kang hihiwalay sa batang makulit na 'to."

"Wag ka pong mag-alala Nanay, hindi ko naman po pababayan si ate Deans."

Ngumiti ako. Sa ilang araw ko na dito.., masasabi kong palagay na ang loob ko sakanila.

Ilang araw na ako dito pero hindi parin namin makontak ang numero ni Luigi.

Ang sabi ni Chiara, baka hindi na daw yun ang numero nya. Nagpapatulong narin kami sa nobyo nyang pulis.

May mga nahuli raw silang illegal recuiter nung nakaraan buwan.., baka raw nandun ang hinahanap ko.

Kinuha nila ang buong pangalan ni Luigi, pati narin kung saan kaming probinsyang nakatira.

--

Hinatid muna namin ni Peter si Nanay sa pwesto nito sa palengke sa labas ng malaking tindahan.

Mga pinatuyong isda ang tinda ni Nanay, tulad ng daing at tuyo.

"Oh... Dina, Peter. Mag-ingat kayo ah?"

"Opo Nanay," sabay na saad namin ni  Peter. Lumakad kami palayo sa pwesto ni nanay, kumaway kami sakanya bago tuluyang makalayo.

Binaybay namin ni Peter ang kahabaan ng kalsada at sinasalubong ang rumaragasang mga sasakyan.

Sa una, natatakot ako. Lalo na kapag bigla nalang ako nitong hinihila para tumawid.

"Ate Deanna, bilisan mo. Baka maubusan tayo, eh."

"Sandali," hingal na hingal na saad ko. Nasa mga tuhod ko narin ang mga palad ko.

"Halika na...., ate Deanna." Wala na kong nagawa kundi tumakbo ulit at sumunod kay Peter.

Huminto kami sa isang umbok na tila basura. Sobrang dami rin ng mga bata roon.

Nakigulo si Peter at binuksan isang malaking plastic pero imbis na basura ang tumambad sakin..., pira-pirasong pritong manok ang laman nun.

"Ate Deanna, bilis!" Tawag nya sakin..., binuhos nya sa dala kong sako ang lahat ng pritong manok na laman ng plastik na binuksan nya. Nakisiksik ulit si Peter sa umpok ng mga basura sa gitna ng mga batang nandun.


SaranggolaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon